Prologue

0 0 0
                                    

"Sumama ka na kasi sa amin"
"Isa kang malaking problema sa pamilya"
"Gusto nilang mawala ka na"
"Kunin mo na ang kutsilyo at isaksak sa sarili mo-"

"Kenda!! Kenda!! Gising"

Isang panaginip? Sa tingin ko ay hindi. Halos gabi-gabi akong nakaranas ng ganung pangyayari. Parang gusto akong kunin ng mga demonyong nasa isip ko.

Mayroon akong severe depression na kung saan di ko na nakokontrol ang sarili ko. Mga demonyo at salita sa isip ko ang kadalasang nagkokontrol sa akin. Para akong nakakulong. Di ko magawa ang gusto ko.

May Kuya ako. Siya na lamang ang taong pinagkukunan ko ng lakas. Ang ama ko ay namatay sa pagod. Sa kakahanap ng ipangbubuhay namin. Kaya ngayon. Kuya ko ang naghihirap. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita siyang puno ng pawis at dumi sa kanyak mukha at damit.

Ang nanay ko naman ay inabanduna na kami. Sumama sa ibang lalaki. Sa totoo lang. Ayaw ko rin na kasama ko ang nanay ko.

Sa sobrang hirap ng buhay hindi ako nag-aaral. Pero alam ko ang bumasa at sumulat. Alam ko rin ang mag kwenta ng mga pera.

"Nanaginip ka nanaman ba?"

"Opo kuya, pero ok lang naman po ako"

"Kenda hindi ka Ok, sobrang pawis mo at umiiyak ka. Ano ba ang napanaginipan mo?"

Hindi ako nakapagsalita at tinitigan ko ang plato na nasa aking harapan.

Anong sasabihin ko? Paano ko sasabihin yon? Ang sabi nila ay kailangan meron kang kaagapay sa mga bagay na ganun. Pero ayaw kong mag alala ang kuya ko.

"Si tatay ba?" tanong niya ulit.

"Opo kuya si tatay"

Buti nalang ang nasabi niya yon. Sa tuwing nanaginip ako. Naglalaban ang mga demonyo at ang tatay ko sa isip ko.

Hanggang ngayon ay nagsisikap parin ang tatay ko na mailigtas  ako kahit wala na siya.

Flashback

Naglalaro ang ibang mga kalaro ko sa paligid ng bahay namin. Labing isang taong gulang na ako at sa susunod na linggo na ang graduation namin. Kaya naman ay nagsisikap ako sa pag rereview para sa exam na gagawin namin bukas.

"Geremy!! Geremy! Ang tatay niyo"

Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ng aming tiyo Juaquin sa may bandang kalayuan. Narinig ko pa ang takbo ng aking kuya papalabas sa aming bahay. Batong barong lang ang bahay namin kaya maingay kapag naglalakad ka.

Tumanaw ako sa bintana at nakita ko ang kuya kong pinupunasan ang kamay niyang may mga bula pa tanda na nang galing siya sa paglalaba ng uniporme na aking isusuot sa darating na graduation.

Hindi ko marinig ang sinasabi nila, pero nakita ko ang biglaang pagiyak ng kuya ko. Kumaripas sila ng takbo papuntang bukid.

Hindi ako mapakali kaya sinundan ko ang kuya ko sa bukid. Nakita ko ang kumpol ng mga tao na nakapaligid sa isang nakahandusay na katawan na puno ng putik sa damit.

Sa tsinelas palang alam ko na. Na ang taong yon ay ang pinakamamahal kong ama. Sobrang sakit. Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Tumakbo ako palayo at bumalik sa bahay namin.

Pagkagaling ko sa bahay kaagad kong kinuha ang nakasabit na larawan ng aking ama. Nakangiti siya at napakasaya niya. Pero ngayon hindi ko na makikita yon.

"Taaaayyyy... Bakit di niyo man lang tinapos ang graduation ko? Tay naman ayaw niyo ba ako makitak magsasalita sa stage?"

Umiiyak ako habang kausap ko ang larawan ng aking ama. Sobrang sakit. Parang nadagdagan ang sakit na iniinda ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Head BombWhere stories live. Discover now