Ito na naman. Ayan na naman siya. Bumabagal at lumalabo na naman ang aking paligid. Ito na naman yung sobrang lakas na kabog ng puso ko. Tila ba kabado kada segundo. Tila ba lalabas na ito sa dibdib ko.
Hindi naman dati ganito. Noon ay isa ka lang namang estranghero. Pero nagkaroon ng kung ano na nakapagpabago ng sobra sa aking mundo.
Tiningnan ko ang aking relo at napagtanto kong nasa dalampasigan ako. Bumalik ako sa aking wisyo at nalamang a las nueve na pala ng gabi.
Bumalik ang aking tingin sa kanya at namanghang muli.
Ang nakataas na buhok. Ang hikaw sa kaliwang tenga. Ang mahahabang pilik-mata. Ang matangos na ilong. Ang matalas na hugis ng panga. Ang itim na polo. Ang saktong tapang ng pabango.
Lord, bakit Niyo po ako pinapahirapan?
"Nasaan na sila?" Tanong mo ng makarating ka sa kinaroroonan ko at umupo sa katapat kong lounge chair na nasa kalapitan ng dalampasigan.
Napako ang tingin ko sa iyo at parang biglang kumapal ang hangin. Tila bang nahihirapan akong huminga. I gasp for air before talking pero di halata.
"Di ko alam.. Baka padating na.." Sagot kong pinipigilan ang pag-utal.
Ang hirap magsalita. Ang hirap huminga. Ang hirap gumalaw. Akala mo katabi ko ang presidente ng bansa na isang maling galaw lang ay ikamamatay ko na.
Tumingin ulit ako kay Harvey na kasalukuyang nakatitig sa dalampasigan.
Hindi ko inaasahang mahuhulog ako.
Oo.. Inaamin ko na.. Nahulog na nga ang loob ko sayo. Mahal na nga kita..
Gustong gusto ko nang sabihin ang mga katagang iyan sayo pero natatakot ako. Baka hindi maganda ang maging resulta. Ngunit walang mangyayari kung hindi ko susubukan at hindi ako susugal.
Ilang minuto pa ng katahimikan ang lumipas at dumating na din ang aming mga kasama. Halata sa kanilang mga pormahan na magsasaya talaga sa club na pupuntahan.
Naglakad na kami at nilibot ko ang tingin sa paligid.
It's been a long time since the last time I went to a beach. Ang ganda talaga ng ambiance. Usually the sound of the sea relaxes my mind. But for now it makes me more anxious. Uneasy. Maybe just because of the thought that I'm with the guy that I love and he doesn't know about it.
Habang naglalakad mapapansin ang kakaibang side ng resort na to. Yung party side. The night life.
As we approach the club na naisipan namin puntahan, colorful lights from different clubs lighten our path. Music everywhere. People everywhere. May mga nagsasayawan kahit sa labas ng club. Ang dami kasing ganap dito. May mga open bar, mga side shows such as fire dancing, outdoor nightclubs and more.
I am a beach person pero never ko pa naranasan ang night life dito dahil nagpupunta ako dito to unwind and just to relax my mind. I usually go alone but this time I'm around with friends who are ready to party. Medyo excited pero nakakakaba.
"Let's go!!" Sigaw ni Terrell pagpasok na pagpasok namin sa club.
"This is it! Party party!" Masayang sigaw ni Kelly habang nilalapag ang mini bag nya sa table na nakuha namin.
Nagsigawan naman din ang iba pa naming kasama at kumuha agad ng drinks. I puked myself inside when we took a shot of tequila cause they decided to have a shot to hype everyone up. This is the reason why I don't go to clubs. I don't drink.
BINABASA MO ANG
His First
Teen FictionDo you remember your first love? How was it? Was it, amazing? Memorable? Romantic? Happy? Are you still together with yours? They said that First Love Never Dies. Maybe because it is the very first time you felt 'Love' that's why it won't leave...
