Nang tuluyang makalapit sa kanya ang kanyang bride ay naaaninag niya ang mukha nito sa likod ng belong nakatakip sa mukha ng dalaga.

Maganda sya, infairness. Isip ni Vice.

Halatang kinakabahan ang kanyang bride kaya mahina niyang binigkas ang salitang "Breathe".

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Kanina pa hindi mapalagay si Karylle. Nag umpisa ang sari-sari niyang nararamdaman nang simulan na siyang ayusan ng mga make-up artist ng nasabing show.

Mas tumindi pa ang kabang naramdaman nang makita niya ang kanyang soon to be husband na naghihintay sa kaya sa altar nang bumukas ang pinto ng simbahan.

Matangkad ang lalaki at katamtaman lang ang pangangatawan. Pero tila may kakaiba siyang nakikita sa pagkatao nito.

Nakita niya ang kanyang mga kaibigan na abot hanggang tenga ang mga ngiti. Bahagya siyang nalungkot nang maalala ang kanyag mga magulang na hindi ito makakarating sa kanyang kasal.

Alam ng mga magulang niya ang dahilan ng kanyang pagpapakasal. Kaya hindi rin sila tumutol sa pagsali niya sa experiment ng mga experts. Papanuurin na lamang daw siya ng mga ito sa TV.

Nang makarating na siya sa harap ng lalaking papakasalan niya ay umiwas siya ng tingin dito. Ramdam niya ang pagkilatis nito sa kanya. Tila naramdaman naman ng kanyang groom ang kabang kanina pa nagpapanginig sa kanya kaya narinig niya ang mahinang sabi nitong "Breathe"

Tumingin siya sa mga mata nito. Tumango siya at pilit na ngumiti. Awkward moment.

Nasa harap na rin nila ang Paring magkakasal sa kanila. Pero bago ang seremonya, ipinakilala muna sila sa isa't isa ng tagapagsalita ng simbahan.

"Meet each other" Nagbatian naman ang ikakasal. Halata ang pagkailang nila sa isa't isa.

"Ana Karylle Tatlonghari, meet your groom Jose Marie Viceral. Isa siyang Fashion product developer and make-up artist. Mahilig magtravel, kumain at magsaya kasama ang mga kaibigan. And by the way, isa rin siyang lalaking may babaeng puso, at sinusubukang tahakin ang tamang daan."

Bahagyang nagulat si Karylle sa kanyang mga narinig. Tumango tango na lamang si Karylle at napatingin sa mga kaibigang mas gulat na gulat pa kesa sa kanya.

Kaya pala may kakaiba akong nakikita sa kanya. Bakla pala.

"Jose Marie Viceral, meet your bride Ana Karylle Tatlonghari. Isa siyang registered nurse, mahilig magluto, mag-adventure at pumunta sa mga beach dito sa Pilipinas. Hindi nakarating ang mga magulang niya dito sa kadahilanang may sakit ang kanyang ama kaya ang mga kasama nya dito ay ang kanyang mga kaibigan at mga katrabaho" Pagtatapos ng tagapagsalita.

"Hi" bati ni Vice sa kanyang bride at inilahad ang kanyang kamay.

Kinakabahan paring tinanggap ni Karylle ang kamay ng kanyang groom at nakipag-shakehands dito. Naramdaman niyang malamig rin ang kamay ng binata. Ngunit hindi nya kakikitaan ito ng kaba sa mukha.

Suminyas na ang Pari upang simulan ang seremonya.

"Have you come here freely and without reservation to give yourselves to each other in Marriage?" Umpisa ng pari

"Yes Father" halos sabay na sagot ng ikinakasal

Bumaling ang pari kay Karylle upang siya'y tanungin.

"Do you Ana Karylle Tatlonghari takes Josie Marie Viceral to be your husband to the rest of your life in sickness and in health, in richer and in poorer 'till death do us part?"

MARRIED At First SightDonde viven las historias. Descúbrelo ahora