Tutorial

21 0 0
                                        

The base a is restricted to positive real numbers to ensure that f(x) is always a real number.

Ano daw?! Bwiset. Paulit ulit ko na tong binasa di ko parin maintindihan. Anak ni Shakespeare naman oh.

Ay. Ako nga pala si Macbeth. At ito ang kwento ko. Joke lang. Hahahahaha!

O sige seryoso na. Ako si Jillian Tania Julian. Oo. Yan yung pangalan ko. May problema ka? Busy daw yung kapitan namin e. Saka kana magreklamo.

Okay balik tayo sa math. Ayoko talaga ng Math. -_____- Uy relate siya! Haha. Pero promise, umuurong yung mga brain cells ko pag numbers na pinag-uusapan. Ewan ko, sadyang di lang talaga siguro mapupunta sayo lahat.

Magaling ako sa English. Boblak naman ako sa Math. Yung ganun? Oo yun.

Junior high school palang ako sa Centris High School.

Math period namin ngayon kaya nganga na naman ang lola mo. Pero meron akong kinaiinisan na Mathematician sa mga kaklase ko. Feeling kasi =___= Porket lamang sya ng limang variable sakin.

"Okay class. Na-finalize ko na yung grades nyo sa subject ko for this releasing of cards. So far, okay naman. Except kay," huminga ng malalim si Sir Reden tapos tumingin sakin. "Ms. Julian."

Napatungo lang ako. Sanay na e! Hahaha. Ano naman ngayon? Magagamit mo si X and Y kapag bibili ka ng suka oh toyo? Di ah!

"Siguro naman alam nyo na din kung sino yung mataas." ngumiti yung teacher namin at tumingin kay walang iba kung di si Tristan. Boom panes! Mataas nga. Yung height.

Napatingin ako sa kanya at tumingin din sya sakin wearing that smug smile and the sorry-akin-ang-huling-halakhak look.

I smiled back and gave him the maganda-naman-ako-look.

"You can now proceed to your next subject. Bye class. Ms. Julian, maiwan ka saglit." he instructed making me gulp.

Sabay sabay na nag- 'hala' ang mga kaklase ko. Mga inutil yang mga yan e. =____=

"Sir, is there any problem?" tanong ko at umupo sa first seat sa harap ng table nya.

"Kailangan mo ng magpatutor. Ang taas taas ng mga grades mo sa lahat ng subjects mo pero sumesemplang pag sa Math na."

Eh malay ko bang di ako marunong sa mga numbers.

I bit my lower lip and asked, "Eh. Kanino naman po ako magpapatutor?"

Natigil sya at ngumiti rin pagkatapos. "Kay Tristan."

TutorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon