Chapter 1

12 4 0
                                    

Bright's Pov:

Hindi ko alam kung pano magsisimula. Panu nga ba pasayahin ang isang batang naiwan ng kanyang mga magulang?

"Bata, huwag ka nang umiyak. Sa tingin ko'y hindi ka naman iiwan ng iyong mga magulang sa gitna ng gyerang nangyayari ngayon. Halika, sumama ka sa akin sa mas ligtas na lugar." mahinahong saad ko sa batang babae na patuloy pa rin sa pag-iyak.

Kailangan na naming magmadali. Parating na ang mga kalaban. Maaaring manganib pa ang buhay ng batang paslit na ito.

"Halika na, bata. Parating na ang mga kalaban. Baka makuha ka nila at hindi mo na makita ang iyong mga magulang."

"Ayoko. Dito lamang ako. Nangako ako sa aking ama na hihintayin ko siya dito. Paano na lang kung bumalik siya tapos wala na ako? Hahanapin niya ako. Malulungkot si ama kapag nalaman niyang hindi ko siya sinunod." patuloy pa rin siya sa pag iyak. Paano ko ba ito mapapasama sa akin?

Takutin ko kaya? Naalala ko, tinuruan niya akong maging mahinahon kapag isang bata ang kausap. Sinabi niyang may mga bata talagang iyakin kung kaya't kailangan mong lambingin upang mapasunod uto sa iyong gusto.

Napangiti ako. Isa nga siyang mabuting nilalang.

"Bata, mas malulungkot ang iyong ama kapag nalaman niyang wala ka na. Gusto mo bang makain ng mga halimaw na lumulusob sa ating bayan ngayon? Maaaring ang iyong ama ay naghihintay na doon sa lugar na sinasabi ko sa iyo."

Naramdaman ko namang susunod na siya. Tumingin siya sakin at pinahid ang natitirang luha sa kanyang mukha.

Kay gandang bata.

"Mangako ka na nandoon si ama"

Iyon lamang ang sinabi niya pero nagbigay ito ng kakaibang takot sa aking puso.

Naalala ko siya.

Naalala ko ang pangako niya.

'Pangako, mauuna ako sa iyo. Ako ang maghihintay sa pagbabalik mo.'

Napangiti ako. Marahil ay nandon na siya at naghihintay na sa akin. Kailangan kong magmadali. Gusto ko na siyang mayakap muli.

Naramdaman ko namang humawak sa aking kamay ang batang babae. Napangiti ako at kinarga ko siya.

"Pangako, bata. Nandoon na ang iyong ama. Kasama niya ang mahal ko. Sabay silang naghihintay sa pagdating natin" magiliw kong tugon sa kanya.

Sana nga nandoon ka na, New.

Iba ang pakiramdam ko.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa pinagtataguan ng aking mga kasama. Doon namin dinala ang mga nailigtas naming mamamayan. Habang kami ay naglalakad ay rinig ko pa rin ang patuloy na labanang nagaganap sa pagitan ng mga kalaban at ng mga kauri ko.

"Ano ba ang pangalan mo bata? At bakit ka nawala sa iyong ama?"

"Ako si Ianna. Magkasama kami ni ama. Lilikas rin sana kami ngunit may nakalimutan daw siya sa aming tahanan. Gusto ko sanang sumama pabalik ngunit sinabihan niya akong hintayin ko siya. Mabait si ama. Alam kong babalikan niya ako kung kaya't sinunod ko siya." malungkot na tugon niya sa akin.

Nakaramdam nama ako nga awa sa kanya.

Magsasalita sana ako nang mapahinto ako ng mapadaan kami sa isang puno na kung saan tanaw ang buong immortal mountain.

Nasusunog na ang ibang parti nito ngunit patuloy pa rin sa digmaan ang mga tao.

Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng makita ko-------siya.

Nakatayo siya sa kabilang bundok.

Tama nga ako. Naghihintay na siya. Kawawa naman ang mahal ko, sugatan na siya at mukhang nanghihina na. Kailangan kong magmadali. Gagamutin ko siya.


Pero nagulat na lamang ako ng bigla siyang matumba.

Mabilis kong binitawan ang bata at itinago sa likod ng malaking bato.

"Dito ka lang. Ililigtas ko lang ang taong mahal ko."

Ngumiti at tumango siya.

"Mag-iingat ka po. Siguraduhin mong maliligtas mo siya."

Hindi ko na nagawa pang sumagot kay Ianna at mabilis na lumipad sa kabilang bundok para tulungan si New.

Agad kong hinawakan ang kamay niya. Ang daming dugo sa kanyang mga kamay. Patunay na siya ay nakipaglaban.

Paano nga ba kami humantong sa ganito?

Nagmahal lang naman kami. Bakit kailangang pigilan kami at pahirapan?

Hindi ba kami pwedeng magmahalan katulad ng iba?

"New, huwag kang bibitiw. Kumapit ka."

Dumilat siya nang marinig niya ang boses ko. Nakangiti siyang umiiyak. Bakit? Bakit kailangang umabot sa ganito ang pagmamahalan namin?

"Bumitaw ka na, Bright. Oras na para tapusin ang digmaang ito." lumuluhang sabi niya sakin.

"Hindi. Hindi ito ang sagot, New. Kumapit ka. Ililigtas kita." tatayo na sana ako ng pigilan niya ako.

"Tama na, Bright. Tama sila. Hindi tayo pwede. Anak ako ng demonyo. Demonyo rin ako. Isa kang anghel. Bawal tayo. Hindi----"

"Wala akong pakialam. Kaya kong talikuran ang lahat, New. Basta huwag kang bumitaw----"

"Bright, lalake tayo. Iyon ang mali."

Doon na ako natahimik. Hindi ko napigilang mapaiyak. Pero mas lalo ko lamang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kanya.

"Bakit ka ba ganyan, New? Mahal naman natin ang isa't isa, bakit mo pa sila iniintindi? Wala akong pakialam kung demonyo ka at anghel ako. Mas wala akong pakialam kung lalake tayong pareho. Bakit? Ang pag-ibig ba ay para lamang sa magkaibang uri? New pakiusap, huwag kang mag-isip ng mga bagay na ikapapahamak mo. Isipin mo din naman ako. Mahal kita"

Mas lalo siyang umiyak dahil sa sinabi ko.

Pakiusap mahal ko, huwag ngayon. Huwag kang bumitaw kung kailan handa na akong lumaban.

"Kung napapagod ka na, magpahinga ka. Hayaan mong ako ang lumaban para sa ating dalawa. Pakiusap, New"

Nararamdaman kong kumakalma na siya. Akala ko tapos na. Akala ko masaya na kami. Iyon pala'y hindi.

"Hindi ko hahayaang sumaya kayong dalawa. Papatayin kita, New. Hindi ka karapat-dapat na mabuhay dahil anak ka ng isang demonyo. Hindi ako papayag na maging masaya ka samantalang ako ay nagdurusa."

Kasabay ng kanyang pagsigaw ay ang pagtarak ng kanyang espada sa puso ni New. Wala akong nagawa kundi ang umiyak.

Ano nga ba ang magagawa ng isang prinsipe kung hawak siya nga limang mandirigma.

Ayoko nang maging prinsipe. Ayoko ng kapangyarihan kung ang kapalit ay buhay niya.

Napatingin ako kay Tawan. Ang matalik na kaibigan ni New.

Ang kanyang kaibigan na pinagkatiwalaan niya at halos ipagsigawan sa buong mundo kung gaano siya ka swerte na naging kaibigan niya ito.

Paano nga ba nagagawa ng isang tao ang magtaksil?

Alam ko na.

May mga tao pala talagang handang manira ng kapwa para lamang sa pansariling kaligayahan.

Sa isang iglap, nawala siya sa akin. Sa isang iglap, bumitaw na siya. Sa isang iglap, natapos ang laban.

Natapos ang buhay ng aking pinakamamahal.

'New, pinapangako ko. Sa susunod kung buhay, ikaw pa rin ang iibigin ko. Hahanapin kita ag sisiguraduhin kong, hindi ka na ulit masasaktan'

 Tame UntamedWhere stories live. Discover now