"Sisimulan ko na ba?"

105 1 0
                                    

Sisimulan ko na bang sumulat ng kwento patungkol sa ating dalawa?
Sisimulan ko na bang alahanin kung kailan tayo unang nagkita?
Sisimulan ko na bang balikan kung kailan nagtagpo ang mga mata natin sa isat isa?
Sisimulan ko na bang basahin ulit nong akoy una mong kinausap sa social media?
Sisimulan ko na bang isulat kung pano tayo inasar sa isat isa?
Sisimulan ko na bang isulat ng paulit ulit kung pano tayo nagkakatitigan ng tatlong segundo nong araw?

Pero teka, isasali ko parin ba sa simula ng ating kwento ang isa sa mga kaklase kong may gusto rin sayo?
Isasali ko rin ba sya sa kwento na kung paano nya binabahagi ang sa akin ang kwento nyo?

Akala ko tayo lng dalawa ang nasa kwento,
ay mali, akala ko tayo lng ang may kwento
yon palay meron ding kayo.

So paano ko nga ba sisimulan ang kwentong ako lng naman talaga ang may gusto.
Paano ko masisimulan ang kwento kung sa una palang may kwento na kayo.
Paano ko nga ba masisimulan ang kwento kung sa simula palang alam kong mas maganda na yong nasimulan nyong kwento.
At paano ko masisimulan ang kwento kung hindi ko alam kung ano nga ba ang huli nito.
Kung akoy bigo o kay bigo talaga sayo.

My Spoken PoetryWhere stories live. Discover now