Wearing these will make you feel sexy, iyon ang sinabi ni Veronica nang magreklamo siya sa mga inilalagay nito sa maleta. "Sexy? More like I feel horny," bulong niya sa sarili.

Napaigtad si Andrea nang biglang may kumatok sa pinto ng master's bedroom at marinig niya ang boses ni Ben. Mabilis na isinuot niya ang nahablot na bathrobe na nasa cabinet ng banyo bago lumapit sa pinto ng master's bedroom. Huminga muna siya ng malalim at saka iyon binuksan. Katulad ng hinala niya nasa labas din si Denver.

"Tapos na ang meeting namin. Mr. Vallejo wants to rest now."

Sumikdo ang puso ni Andrea at napaatras nang umangat ang isang kamay ni Denver at sandaling kumapa sa hangin bago makahawak sa hamba ng pinto. Pagkatapos humakbang na papasok ng master's bedroom ang binata. Akmang susunod na rin sana ang executive assistant nito pero biglang nagsalita si Denver.

"You can go home now, Ben."

Natigilan ang assistant nito, halatang nagulat. Napasulyap ito kay Andrea bago ibinalik ang tingin sa amo. "But I need to assist you before you sleep."

"You don't have to. Kaya ko na ang sarili ko."

"Pero –"

"Ben. Just go."

Halatang hindi pa rin kumbinsido ang lalaki pero bumuntong hininga at sinabing, "Fine. I'll see you tomorrow sir." Tinapunan siya ni Ben ng alanganing tingin na para bang wala itong tiwalang iwan kasama niya ang amo nito. Nang bumuntong hininga si Denver saka lang tuluyang nagpaalam ang executive assistant nito at kusa pang isinara ang pinto. Silang dalawa na lang talaga sa master's bedroom.

"Veronica."

Napakurap siya at napatitig sa binata. "Yes?"

Bigla itong pumihit paharap sa direksyon niya na para bang kaya siya nito tinawag ay para alamin kung saan siya nakatayo base sa kung saan galing ang boses niya.

Hindi niya napigilan humakbang palapit dito at muling nagsalita, "Bakit?"

Bahagyang umangat ang mga kilay ni Denver. "You are acting strange."

Sumikdo ang puso ni Andrea. "Strange? Ako? Hindi ah!" mabilis na sagot niya.

"You are. Mula pa nang dumating ka sa bahay ko kaninang umaga. Iba ang tono ng boses mo kaysa sa pagkakatanda ko."

Lalo siyang kinabahan. Hindi siya puwedeng mabisto na wala pa siyang isang araw doon. "Walang nabago sa akin. You probably just didn't pay much attention to me before. Hindi mo kilala ang totoong ako," palusot niya.

Natigilan si Denver at mukhang kinonsidera talaga ang sinabi niya. Kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Besides, you don't act like yourself too. Well, you did act like the arrogant, cruel and heartless Denver Vallejo that everyone knows when you asked me who I was this morning. Pero pagkatapos 'non hindi ka na kasing sama na gaya ng pagkakakilala ko sa 'yo."

Hindi kumibo ang binata kaya napatitig lang siya sa mukha nito. Actually nabasa lang niya lahat ng description na iyon sa internet kanina. Close ang parents nila sa parents ni Denver pero never siya naging close sa binata. Sa kanilang dalawa ni Veronica, si Andrea ang matatawag na plain wallflower. Ang kakambal niya ang palagi sinasama ng parents niya sa mga party kasi ito ang maganda, madaldal at charming.

Seven years din ang tanda nito sa kanilang magkapatid kaya imposible talagang magtagpo ang mga landas nila maliban na lang kung may kinalaman sa kompanya. Throughout the years si Veronica lang ang nagkaroon ng maraming contact sa binata.

Kaya ang pagkakakilala lang ni Andrea kay Denver ay base sa usap-usapan ng mga tao sa paligid niya noon. Narinig niya na mula pa noong kabataan nito popular na sa high society circle ang lalaki dahil sa mataas nitong IQ, achievements sa school at pagiging habulin ng mga babae. Pero nang magpakalayo-layo siya mula sa pamilya niya nawalan na siya ng balita at kanina lang niya nabasa sa articles kung ano ito bilang isang businessman.

From a playful and popular teenager Denver Vallejo became a ruthless and calculating man. Sa pagpasok nito sa V.Tech lalong lumago ang kompanya. He incorporated innovative strategies and logistics that made V.Tech one of the biggest IT Company in Asia. Naging arogante daw ito, naging mahigpit at sobrang perfectionist kasi ineexpect nitong dapat makasabay ang lahat sa pagiging perpekto nito. Pero imbes na ma-turn off ang mga tao lalo lang tumindi ang karisma nito dahil sa attitude nitong iyon. Businessmen like him began to both fear and loathe him. Women all wet their panties when they see him. Basically, Denver Vallejo was at the prime of his life. The world was at the palm of his hands.

"Kapag may napagdaanan kang trahedya at bigla na lang nagulo ang lahat sa dating maayos mong buhay, magbabago ka talaga," komento ng binata makalipas ang mahabang sandali.

SUBSTITUTE LOVER (R-18)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu