Hindi Tugmang Pananaw (Mismatched Point of Views)

63 1 0
                                    

Author’s POV

                       Alas otso na ng umaga, sa isang condominium sa Quezon, sinundo ni Sophie ang kanyang bestfriend na si Mikoy para sabay na silang pumunta sa school.

“Mikoy, halika kana dito.” sabi ni Sophie habang nakalabas ang kanyang  ulo sa sasakyan

Sophie Louise Fernandez, Sophie, 19, bestfriend ni Mikoy since high school. Natural na maganda ang mukha at Maganda rin manamit. Nabansagang  “Liz Uy” ng Ateneo Batch 2010. Di masyadong Sociable. Walang self-confidence. Salutatorian ng batch nila. Nag-aaral sa UST. Course: BS. Biology

“Andyan na…” sabi naman ng binata na tumatakbo sa pasilyo ng gusaling tinitirhan patungo sa sasakyan ng dalaga.

Mikoy (Michael Angelo dela Cruz), 20, bestfriend ni Sophie. Anak ng isang milyonaryong negosyante na taga-Cebu. Makinis ang mukha. 5’9 ang height. Matangos ang ilong. Katamtaman lang ang pangangatawan. Prom King ng Ateneo HS Batch 2010. Nag-aaral sa UST. Course: BS. Veterinary Science

“Ba’t ba ang tagal mo?” inis na sabi ng babae

“May pinapadala kasi si Liz sakin ehh. Hindi ko naman maayawan yun.” Sabi ni Mikoy habang nag-aayos ng gamit sa kanyang bag.

“Bakit? Girlfriend mo ba siya? At kung maka utos siya sayo, sunod ng sunod ka naman?” sabi ni Sophie na nag-aasar

“It doesn’t mean that if I’ve done a favor to her it already means I like her. Besides, malaki rin ang naitulong ni Liz sakin noon. ” katwiran ng binata

“Ows? Kung maka defend ka naman sa side mo wagas!” sabi ng babae habang bumebelat sa bestfriend na nasa likod.

“Ungas! Isip bata talaga oh.” Nakatawang sabi ni Mikoy

Ilang minuto na ay nakarating na sila sa UST. Nagpaalam na ang dalawang  magbestfriend dahil magkaiba ang mga klase nila. Social Science kay Mikoy, tapos Taxonomy naman kay Sophie.

Sophie’s POV

                       Nakasanayan ko ng inisin si Mikoy kung may girlfriend na ba siya. Ikaw kaya magka-bestfriend ng gwapo mag-aakala kabang NGSB (No Girlfriend Since Birth) yun. Habulin ng mga babae pero di naman sila type niya. Pwede ring bakla siya? Pero joke lang J. Sa sobrang gwapo nun mag-iisip kapa ng ganun, barkada nga nun halos ang aangas ewan ko ba kung bakit di siya sumama dun, nag-seaman silang lahat pero pinili niyang maging beterinaryo. Ang gulo talaga ng bestfriend ko XD. Pero may isa akong sekretong di niya nalalaman. Mahal ko siya. Sino ba ang di kinikilig sa mga cheesy lines niya? Kahit ginagawa lang niya akong testing center ng mga cheesy lines niya, kinikilig parin ako XD

                       Pumunta ako sa KFC pagkatapos ng Biology class namin ng walang kasama. Si Bianca kasi eh di ginawa ang SIP ng maaga ayun nag-cramming na :3. Habang papasok sa nasabing foodchain nakita ko si Mikoy sa  likurang banda kumakain, akmang tatawagin ko na sana ang bestfriend ko kaso paglingon ko sa kanyang kinakainang mesa kay may nakita akong babae, naka lugay ang buhok tapos morena walang make-up. Tumatawa kasama si Mikoy habang kumakain. Akoy natigilan sa aking kinatatayuan. Si Liz ang kanyang kasama! At sa di maipaliwanag na paraan, nakadama ako ng sakit sa pakiramdam at pagka balisa.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Oct 31, 2012 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Hindi Tugmang Pananaw (Mismatched Point of Views)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora