Prologue🍒

1 0 0
                                    

Caspian's POV
May kaisa-isang i.d picture nalang talaga akong hindi makita. At nasa akin yung body ng i.d pero yung napaka gwapo kong picture noon, wala na.... Grabe talaga yung kumuha na yun, iningatan ko nga yun. For memories eh. Oh by the way, I'm Caspian Rutherford. And now, nasa pilipinas na ako para kuhanin ang mga gamit ko papunta sa isa kong condo unit. Para prepare na rin ako pag-alis ko ng bansa...

"Welcome po ser caspian!" Bow sa akin ng mga maids namin dito sa mansion, i miss this mansion! Full of pain, happiness and many more... Parang kelan lang ng huli akong dumalaw dito, after one decade??

"Ser lahat po ng pinasabi niyong gamit nasa mga box na po, isasakay na po ba?" Na-miss ko tong si aling aning. Wala namang nagbago sa kanya, at yun yung tunay kong na-miss

"'wag po muna mags-stay pa naman po ako dito ng ilang araw..." kiss and hugs kay aling aning "na miss kita aling aning, ilang years din tayong hindi nagkita ah." bumitaw na ako sa kanya "Teka.. Bakit may mga nadagdag sa maids di'ba po binawalan na ni mama ang pagtanggap ulit?" Napatingin ito sa mga maids na nag aayos sa sala, na malapit lang dito sa pinto

"Sabi po kasi ni ma'am ysabelle na magdagdag nga po dito ng mga bagong kasambahay. Wala naman pong nagawa si doñia kundi ang um-oo na lamang" isa pa talaga yung ysabelle na yun.. Kahit kelan talaga!!

"eh asan naman po si ysabelle?"

"Na sa australia ser" ang ysabelle na yun!! Nagdagdag pa ng mga kasambahay na sa australia lang pala

"ok. Aling aning. Wag niyo na po akong tawaging 'ser' o mag 'opo' at 'po' sa akin, mas kaylangan ko kayong galangin" na sa 63 na si aling aning, pero nagsisilbi parin siya sa amin. Sa 'di ko malamang dahilan, hinagkan niya ako ipinatong ang ulo niya sa dibdib ko

"Na miss talaga kita ng husto hijo.. Ang tagal kong inintay ang pagbabalik mo dito. Halika sa loob at ipaghahanda kita ng paborito mo.." Laing!! Parang natatakam na nga rin akong kumain ulit ng pagkaing pinoy, bukod doon ang aarte ng mga kasama ko sa japan, ayaw ng amoy

"Alam niyo parin yung paborito ko! Tara na po" nagkahiwalay na kami ni aling aning sa tapat ng kusina, sinenyasan ko siyang aakyat ako papuntang taas. At andito na ako sa hallway ng ikalawang palapag

Hindi siya maalikabok halatang pinaghandaan talaga nila ang pagdating ko, pero asa ko namang kahit na sa ibang bansa ako eh.. Napapanatili nilang maayos at maganda ang bahay na ito kahit papaano

"CASPIAN!!!" Nakita ko ang anino sa dulo ng hallway at tumatakbo itong palapit sa akin, si harreth del mundo

"HARRETH!!" Niyakap niya ako ng mahigpit at saka kinurot ang pisngi ko, kaya binawian ko rin siya ng kurot sa pisngi na agad namang nagpabago ng emosyon ng kanyang mukha

"HAHAHHAHAHA" sabay tawa ng loka "na miss kita caspian!! Madami dami rin ang mga sasabihin ko noong wala ka. Sobrang daming nangyari pero wala namang nabago" naglalakad kami habang naka pulupot siya sa braso ko, i miss this girl.. At nakarating kami sa dulo ng hallway.. Ang balkonahe

Hindi ko na naririnig ang mga pinagsasabi ni harreth. Basta ngayon naririnig ko nalang ang mga huni ng ibon... Ibang iba na ang tanawin na ito kumpara noon, ngunit hindi parin nagbago yung tree house..

"HUYYYY!!!" Nabalik ako sa katinuan ng tawagin ako ni harreth.

"caspian, tinatanong kita. Ang sabi ko, anyare sa pag stay mo sa japan?"

"ahh.. Wala naman.. May inasikaso ako dahil nga sa nangyari di'ba? At saka ok naman siya, after that. Back to normal. Pasyal pasyal" nagkibit balikat nalang ito at hinila ako papunta sa isang kwarto...

Nakalagay sa pinto:
"Harrethe beauty
At Caspiangit"

Hayyysss.. Pag maalala ko tong sulat sa pinto at itong kwarto mismo, mababaliw ako HAHAHHAHAHA. Ito ay kwarto ni harreth, pero ngayon ginagamit niya nalang ito kapag bumibisita siya sa mansion, ayon sa kanya.

"So many memories here" at ang kanyang tunog na tila pagod na pagod

"Ayy! Lume-level up yung english mo, nayss" Hinampas niya lang ako sa balikat. At bumalik sa paglinga-linga sa kabuuan ng kwarto

"kapag naaalala ko, nakakakati promise... Pero ang ganda parin ng kwarto mo. Walang pinagkaiba, pero by the way. Kumusta na pala yung mga inaanak ko? At saka yung asawa mo" umupo ito sa gilid ng kanyang kama habang ako'y humila ng upuan paharap sa kanyang kama

"ok naman ang lahat..." kahit nakatagilid siya, kita sa kanyang ayos ang pagiging hindi 'ok'

"Hmmp. Kilala kita... Alam ko kapag may problema ka, sabihan mo lang sa akin" humarap ito sa akin ng naka ismid

"hiniwalayan na ako ng asawa ko.. Sumama dun sa babae niya.." bigla nalang napangiti ito, pero kita ko naman yung lungkot sa mukha at mata niya "pero yung mga inaanak mo, malulusog silang lahat. Walang mga sakit, naku anlalaki na nilang lahat. Punta ka sa susunod na linggo birthay nung panganay ko" ow si prince, 14 yrs. old na pala siya sa susunod na linggo

"Sure. Wala naman akong gagawin next week eh"

"SER CASPIAN!!" tinig ng isang maid mula sa hallway.. Kaya napatakbo kami ni harreth palabas nang pinto ng kwarto. Para alamin kung ano yun.

(A/N: Parang may pagka-bakla ng slight si caspian HAHAHHAHA. Basta abang-abang kayo)

SHARE, COMMENT AND VOTE!!🍒
-ElettraWrites🌾

My Long Lost I.D Picture (Not Complete)Where stories live. Discover now