KABANATA LII:PAGBAGSAK NG ADAMYA AT LIREO

Start from the beginning
                                    

MEMFES' PROVERBS

Marami ng nalalagas sa aming pangkat hindi ko maatim na marami pang mga kawal ang magbuwis ng buhay sa digmaan kaya inutusan ko ang aking mashna na umatras sabihan ang ibang mga kawal na umatras nalang habang kami nila Aquil ay magtutungo sa kinaroroonan nila Alena at ilikas ang mga mamamayan.

MEMFES:Mashna kailangan na natin umatras,sabihan mo ang ibang mga kawal at kami na ang bahala sa mga mamamayan!

ISRAEL:Masusunod Rama! (Saka tumakbo palayo)

Pagdating namin ni Aquil sa kinaroroonan nila ay nakita namin na nakipaglaban pa rin sila kay Ether habang abala si Ether na makipagtagisan ng kapangyarihan sa mga Sangre ay sinamantala na namin si Aquil ang pagkakataon na pagkaisahin ang kapangyarihan ng aming mga sandata upang tulungan ang mga Sangre kaya nagkaroon kami ng laban kay Ether.

ETHER:Pashnea!

AQUIL:Ano ngayon Ether nasaan na ang lakas mo?

Mas nilakasan pa namin ang aming pwersa kaya tumalsik ito palayo ngunit nagawa pa nitong bumangon agad at nag-anyong ahas.

MEMFES:Hindi na maganda ito kailangan nating umatras.

AQUIL:Tama si Memfes sapagkat marami ng nalalagas sa atin.

ADAMUS:Kung ganon ay ilikas na natin ang mga mamamayan..

Kaya dali-dali kaming nag-ivictus saka nilikas ang mga Adamyan at nagtungo sa Nathaniel naagaw man nila Ether ang aming kaharian ngunit mababawi din namin ito sa tamang panahon.

KAHARIAN NG LIREO

LIRA'S PROVERBS

Ito ang unang digmaan sa ilalim ng aking pamumuno hindi ko pa batid kung sino ang mamumuno sa hukbo ng mga kalaban kung si Ravana man ito ay kailangan namin ng dobleng lakas at pwersa ng kapangyarihan nakahanda na kami ngayon sa paglusob ng mga kalaban ang una naming napansin ay nasira agad ang pananggalang na nakapaligid sa aming kaharian na hindi palang dumating ang mga kalaban kahit ganon pa man ay nakahanda kaming labanan sila.

Sa di kalayuan ay nakita na naming nagmamartsa ang mga kalaban at nakikita ko na si Ravana nga ang namumuno niyo.

LIRA:Maghanda na tayo! Estasectu!

Makalipas lang ang isang minuto ay sinugod na kami ng mga kalaban at nagsimula na ngang magtagisan ng galing sa pakikipaglaban kasalukuyang magkasama kami ni Cassandra sa pakikipaglaban habang ang kasama naman ni Paopao ay si Muros at si Hitano makalipas ang ilang minuto ay dumating si Yna at si Ashti Danaya upang tulungan kami sa pakikipaglaban sa dami ng mga kalaban ay ginamit na namin ang aming mga brilyante.

LIRA:Pupuntahan muna sila Paopao.

CASSANDRA:Sige po Yna.

Nang biglang sumulpot si Ravana na parang kabute.

RAVANA:Avisala Hara ng mga diwata!handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan?

LIRA:Huwag kang magsalita ng tapos Ravana sapagkat hindi mananaig ang mga masasamang damo ng kagaya niyo!

Saka nagsimula na kaming maglaban habang sila Yna,Ashti Danaya, at Cassandra ay nakipaglaban sa mga alagad ni Ravana kahit gaano pa ako ka bihasa sa aking kakayahan ay malaki ang lamang ni Ravana sa akin sapagkat isa siyang Bathaluman gagamitan ko sana siya na aking mahika sa bilis niya ay hindi ko na siya namalayan kaya nasugatan niya ako sa bandang tagiliran.

LIRA:Pashnea!

RAVANA:Sadyang bata ka pa nga sapagkat hindi pa gaano katalas ang iyong pakiramdam!

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now