020 | narration

65 6 0
                                    

stephanie bae's
perspective

"ano na naman ba nag kondisyon na sinasabi mo?" agad kong tanong kay mingi pagkapasok ko sa room.

napatingin naman si mingi sakin na kanina ay may tinitignan sa cellphone niya, ang ibang kaklase din namin ay napatingin din samin dahil sa lakas ng boses ko.

"ewan, nakalimutan ko e." sabi niya, kaya naman ay napatampal ako sa sariling noo ko dahil sa sinabi niya.

"ba't mo nakalimutan?!" inis na tanong ko kay mingi, kaso nag kibit balikat lang siya.

ang sarap niyang sakalin ngayon dahil sa mukha niya, para siyang batang weirdo na walang ka alam alam sa nangyari kaya naman kinalma ko muna ang sarili ko baka masakal ko tung lalaking to.

"edi mag isip ka nalang ng bagong kondisyon!" suggestion ko sa kanya, napaisip naman siya bigla kaya naman nag hintay ako sa sagot niya ng ilang segundo.

"ewan, wala akong maisip e." sabi niya kaya naman nainis kaagad ako sa sinabi niya, para kasi niya akong pinagtripan.

"ikaw anong naisip mo?" tanong niya sakin, kaya naman nagtaka ako sa sinabi niya. ako? mag susuggest sa kanya kung anong i-kondisyon niya kuno sakin? may saltik ba tung lalakeng to?

"may sira ka ba?  e kung ako lang pala ang sasagotin edi ang konsidyon ay—" bago paman matapus ang sasabihin ko at tumayo siy bigla kaya napahinto ako sa pagsasalita.

"wag nalang, may susunduin lang ako sa gate. bye!" sabi niya habang nakatingin sa cellphone niya at lumabas na sa room.

kaya naman na curious ako kung sino iyon at may kalahati sa akin na parang na inis dahil inagaw nito si mingi habang nag uusap kami.

akala ko ba di ko na siya crush?

napailing nalang ako dahil dun, kaya naman umupo nalang ako sa upuan ko at hindi nalang inisip kung sino yung pisteng sinundo ni mingi.

baka ako lang ma stress sa kakaisip na sino yun.

pero di pala yun importante para isipin ko,

pero baka importante siya para kay mingi, ang sad naman nun.

napailing nalang ako sa naisip ko at nilabas ang spare notebook ko para dun ituon ang atensyon ko habang wala pa ang prof. namin

since maaga pa naman akong pumasok dahil sa lintek na mingi na yun, na nakalimutan kung ano kuno kondisyon niya dapat.

STUPID | mingiWhere stories live. Discover now