Pisil

20.2K 95 3
                                    

nangingibabaw ang pinoy nyang kulay(mas light sa tsokolate tablea) paano ba naman puti ang kulay ng balat ko dahil sa halong dugong intsik

papisil pisil na may halong ibayong lambing at kilig habang nakatitig sa mapupungaw nyang mata..

papisil pisil na gigil sa matigas at firm nyang braso,, hindi niya namamalayan markado na pala ang kamay ko sa gigil..

at napapatawa nalang ako..

sa bawat aray nya'y napapaindayog ang dugo at napapagigil pa ako "makes me wanna do more"

fetish ko na ata ang braso nyang kasintigas ng braso ni robin padilla pero kasing kinis ng kay richard gutierrez..

pisil dito pisil doon,, dinaig ko pa ang dating ice cream ng selecta o magnolia na may titulong "nonstop"..

Gustong gusto ko siyang pinipisil "dessert" ko kasi iyon pag kasama ko siya..

Papisil pisil ako sa kanya kahit nasa labas kami,, mapa mall mapa sa parke mapa sa simbahan..

napapailing nalang ang mga tao,, paano ba naman kasi..

papisil pisil kami..

kaming parehong LALAKI..

PisilWhere stories live. Discover now