Chapter Five: First Question

Start from the beginning
                                        

Papalapit na sila sa kanilang silid ng may naramdaman si Cameron.

Cameron: "Ally, samahan mo muna ako sa cr please. I need to pee." sabi nito sa kaklase, tumango naman si ally, na nangangahulugang pumapayag ito.

Naglakad ang magkaklase papunta ng Girls Restroom. Nangmakarating ang dalawa duon ay agad na pumasok sila.

Cameron's POV

Naglakad na kami ni Ally papuntang Restroom, may masama kasi akong naramdaman kaya naman bigla akong naihi. Nagpasama ako sa kanya kase natatakot, nakarating na kame kaya naman pumasok na kami sa cr.

"Allyson, hintayin mo ko ha. sandali lang to." sabi ko sa kanya tumango naman sya at nagsalamin nalang. Pumasok na ako ng cubicle. Tumingin lang ako sa pintuan habang umiihi. Palabas na ako ng biglang nagpatay sindi ang ilaw. Iniisip ko na si Allyson lang yun kaya naman lumabas na ako ng cubicle.

"Ally?" tanong ko habang naglalakad papunta sa may salamin pero ang ilaw ay patuloy parin sa pag patay at pag sindi. "Allyson! stop it na nga." sabi ko na mangiyak ngiyak dahil sa kaba na nararamdaman ko. Huminto naman ang pag patay sindi ng ilaw kaya lumuwag ang pakiramdam ko. Tumungo ako sa may salamin dahil akala ko ay nandun si ally pero wala sya. Iniwan siguro ako nun humanda talaga sya sakin. Nagsalamin nalang ako at naghilamos. Habang naghihilamos may naramdaman akong tao sa likod ko, siguro andito na si Ally.

Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang scarf ko at nagulat ako sa nakita ko sa likod ko sa salamin. Babae. Babae na nasa likod ko na nakaputi at gulo ang buhok at may dalang Martilyo. Papalapit sya ng papalapit, tumakbo ako papuntang pinto pero nakasara at hindi mabuksan lumingon ako kung nasaan ang babae pero wala na sya doon, nalaman ko nalang na nasa tabi ko na sya at may gumuhit ang kanyang labi na may ngiti at ipinukpok ang dala niya sakin. Napahiga ako sa sa sobrang sakit at nakaramdam ako ng hilo.

"Cameron, cameron susunod kana, cameron cameron susunod kana, cameron cameron mamamatay kana--" Sabi niya sabay hila ng isang paa ko at nagdilim na ang lahat.

Allyson's POV

Lumabas ako ng restroom dahil may tumawag sa phone ko. Hindi ko kasi Sinurrender ang phone ko. Panandalian akong lumabas at pumunta sa may sulok para sagutin ang tawag. Nakita ko ang babaeng lumabas papunta galing restroom pero di ko sya masyadong nakita, pero siguro si Cams nayun, siya lang naman ang nasa restroom eh. Dali dali na akong naglakad papunta ng room. Baka akala ni Cameron iniwan ko sya.

Pumunta na ako ng Classroom. Nakita naman ako ni ma'am.

T.Alma: "Oh, asan na si cameron? napansin nyo ba si marvin? hindi pa kasi bumabalik eh"

Nagulat ako dahil akala ko nandito na si Cameron pero wala pa pala sya. Inikot ko ang aking mata sa loob ng classroom para hanapin sya pero wala talaga.

T.Alma:" Ally, okay ka lang ba? asan si cameron?"

"Ma'am akala ko po kasi nauna na sya eh. Na- nag cr po ka-kase siya" "Tsaka po, si marvin nakasalubong po na-namin sya ng papunta kaming faculty, pa-pabalik na nga po sya eh" sabi ko na parang naluluha na at nauutal.

Dolliah: "Eh san naman sila pupunta?"

Marcus: "Magtatanan na yung dalawang yun!!"

Dahil naman sa sinabi ni Marcus ay nagtawanan ang magkaklase.

Habang nagtatawanan ay bigla namang nakarinig ng matinis na tunog ang mga studyante dahilan ng pagtatakip ng tenga nila. Galing sa speaker ang tunog na yun.

Speaker: "Class 8 please proceed to mga AVR room now. Reminder, wag kayong maghihiwahiwalay." sabi ng nakakatakot na boses kaya naman ang mga studyante ay kinabahan. Nagsitayuan na ang mga ito at gumawa ng dalawang pila gaya ng inutos ng kanilang guro.

Jed: "Ma'am sino yun? bakit kailangan natin pumunta sa AVR?"

T.Alma: "Hindi ko din alam kung sino yun, baka naman si sir gin nyo lang."

Naglakad na ang Class 8 Kasama ang kanilang guro papunta ng AVR. Nang makarating sila sa AVR room ay agad silang pumasok dito. Nagulat sila sa kanilang nakita. Sa White Board ay puro papel ang nakalagay at ang nakasulat dito ay iba ibang salita,lenguahe at mga salita na hindi naman nila alam ang kahulugan.

T.Alma:" Umupo kayo! Magsama sama kayo! Walang lalabas kahit anong mangyari!" sabi nito at akmang lalabas, pero sarado na ang pinto at hindi ito mabukasan. Bumukas na lamang ito nang dumating Si Sir Gin at Sir Ian.

Sir Gin: "Anong nangyayari dito?"

Agad naman nagsumbong ang mga studyante. Habang nagsusumbong ay bumukas ang Malaking Tv at isang anino ang kanilang nakita.

"Eto ang magiging exam niyo class 8. May tanong akong ibibigay at kailangan ninyo itong masagot. May clue akong ibibigay. At kapag hindi niyo nasagot sa tamang oras na ibinigay ko at hindi ninyo nasagot ng tama ang sagot ay may mamamatay. May Rules din akong ibibigay, at iyon ay ang BAWAL LUMABAS ng school. Kailangan nyong magsama sama kahit anong mangyari para walang mapahamak. Tandaan. kapag hindi nyo nasagot ay may mamamatay!" Sabi ng nakakatakot na boses kaya naman ang mga studyante ay natakot.

"Simulan na natin ang inyong Examination." sabi nito.

"This is a vivarium consisting atleast one trasparent side. Clue: Acquario. Dalawang minuto ang ibibigay ko sa inyo para hanapin ang sagot sa white board. Pag hindi nyo nasagot ay mamamatay sya" Pag tapos nyang sabihin iyon ay biglang lumabas sa Tv ang isang babae na nasa loob ng isang malaking aquarium. Si- si cameron ang nasa loob at hindi ako nagkakamali.

NO ONE'S POV.

Nagsimula nang lumabas ang tubig sa aquarium kung saan nandun si Cameron.

"Nag sisimula na ang dalawang minuto ninyo" sabi ng nakakatakot na boses.

Nagsimula na ang mga studyante sa paghahanap ng pwedeng sagot sa white board, pero sa sobrang daming maliliit na papel ang nasa white board hindi nila makita ang maaring sagot. Pakonti ng pakonti ang natitira nilang oras at lahat sila ang natataranta na, kahit ang mga Guro na kasama nila ay tumutulong sa pag hahanap.

"Vivarium? Ano ba yun?" tanong ni Francine

"Hindi ba mirror ang sagot?" tanong naman ni myra

"Aqua, aqua-- aquarium ang sagot" sabi naman ni Franshua

"Aquarium daw ang sagot!!" sigaw naman ni David

"Maghanap kayo ng Aquarium! 30 seconds nalang!" sigaw naman Rome. Dahil sa sinabi niya ay lalong nataranta ang mga studyante hangang sa 10 segundo nalang ang kanilang oras.

"10-- 9-- 8-- 7--" yan ang naririnig nila sa speaker

Unti Unti nadin nilang nakikita ang kanilang kaklase na si Cameron na nalulunod at unti unting nawawalan ng hininga.

"4-- 3-- 2-- 1" Matinis na tunog na naman ang kanilang narinig galing sa speaker at habang nakatingin sa Tv ay nakita nila kung paano namatay ang kanilang Kaklase.Unti unti na itong lumutang at ito ay nagpapahayag na wala na si Cameron.

Nag iyakan ang iba sa kanilang kaklase at ang iba naman ay hindi parin makapaniwala sa nangyari. Maging ang mga guro ay nagulat sa nakita. Isang papel naman ang nalaglag galing sa itaas ng White board nang makita nila ito. "Aquarium" Ang naka sulat sa papel. Lahat sila ay lalong naiyak sa kanilang nakita. Marahil sinisisi nila ang kani kanilang sarili. Marahil kung nakita nila ang papel na iyo any buhay parin si Cameron.

Class 8 LeeuwenhoekWhere stories live. Discover now