PAGBAGSAK NG HATHORIA AT SAPIRO

Magsimula sa umpisa
                                    

KAHARIAN NG HATHORIA

PIRENA'S PROVERBS

Nakatayo kami ng aking Rama sa Timog bahagi ng palasyo kasama ng aming mga kawal saka nagpapadala na rin ng ilang kawal si Danaya na nagmula sa kanyang kaharian kagaya ng aming inaasahan ay nakikita na namin si Agatha sa di kalayuan na nagmamartsa kasama ng mga kawal niyebe at mga hukbo ni Ravana kaya inihanda na namin ang aming mga sarili.

AZULAN:Estasectu!

Nang walang pagdadalawang isip ay sinugod na kami ng mga alagad ni Agatha at nilabanan namin ang mga ito gamit ang aming mga sandata napansin namin na mas lalong dumoble ang kanilang bilang kahit ganon pa man ay lumaban pa rin kami nakita kong gumamit na ng brilyante sa dami ng mga kalaban na nakapalibot sa kanya habang ang asawa ko naman ay hindi nagaalinlangang gamitin ang kapangyarihan ng kanyang sandata hindi rin ako nagpapahuli sa pagamit ng kapangyarihan.

Nakita ko na biglang sumulpot si Agatha sa harapan ng aking bunso kaya agad ako tumakbo patungo sa kinaroroonan nila.

AGATHA:Avisala Pirena!

PIRENA:Ako ang harapin mo warka!

ALANA:Mukhang kaya ko naman siya Yna.

PIRENA:Hindi mo pa batid kung ano ang kaya niyang gawin!

ALANA:Ngunit Yna! (Pagmamatigas ng aking anak)

PIRENA:Huwag ng matigas ang ulo tulungan mo nalang ang iyong Ama!

ALANA:Sige na nga po!(Saka humakbang na palayo patungo kay Azulan)

AGATHA:Yelo laban sa apoy sino kaya ang matitira?(Sabi niya na may halong pangungutya habang nagpaikot-ikot kaming naglalakad habang tinutok ang sandata sa isa't-isa)

PIRENA:Wala ka talagang ibang masasabi ano?sa tanong mo ay ako ang matitira at mamamatay ka!

AGATHA:Pashnea!

Sa sobrang pikon ni Agatha ay sinugod niya ako sa pamamagitan ng kanyang espada saka sinangga ko naman ito at sinipa siya kaya napaatras ang warka.

PIRENA:Kinakalawang ka na yata ngayon Agatha! (Pang-aasar ko)

Sinugod na niya ako ulit kaya nagtagisan muli kami ng galing sa pakikipaglaban susugatan ko sana siya sa tagiliran ngunit naunahan niya ako nasugatan niya ang aking braso ngunit binabalewala ko lang ang sugat sa aking pag-atake ay nasugatan ko siya sa tagiliran.

Sa kabila ng mga sugat ay patuloy pa rin naming nila nilabanan ang isa't-isa sa puntong ito ay nasugatan niya rin ako sa tagiliran habang sinugatan ko naman siya sa tiyan at sa kanang braso.

AGATHA:Iyan lang ba ang kaya mong gawin?!

PIRENA:Batid mo na hindi lang iyan ang kaya kong gawin di ba?!

Ngumisi ito at nang walang pasabi ay biglang nag-ivictus si Agatha at hiniwaan ako sa likuran gaganti pa sana ako ngunit nasugatan niya na ako sa tiyan sinakal niya ako gamit ang kanyang kapangyarihan..

AGATHA:Ano ngayon

Pirena,kinakapos ka na ba ng hininga diyan?

Pinilit kong magpumiglas ngunit hindi ako makawala ang pinagtataka ko lang ay bakit napakadaling maghilum ng kanyang mga sugat at bigla itong lumakas samantalang ako ay kinakapos ng hininga.

ALANA'S PROVERBS

Habang nakipaglaban kami ni Ama hindi kalayuan ay agad kong nakita na sinakal ni Agatha si Yna gamit ang kanyang kapangyarihan upang mapadali ang aming laban ni Ama ay ginamitan ko ng brilyante ang mga kalaban kaya naging abo ang mga ito agad kaming nagtungo sa kinaroroonan ni Yna at sinugod ko si Agatha gamit ang aking brilyante kaya nabitawan niya si habang dinaluhan naman ni Ama si Yna.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon