Chapter 21

20 2 0
                                    

Chapter 21: Cold

You left and I still waited in vain. Not minding the excruciating pain.

Hanggang ngayon, misteryo pa rin sa akin kung paano nalaman ni Magnus na nandito ako gayong hindi ko sinabi sa kaniya ang nangyayari sa akin. Gusto kong tanungin siya pero ayaw kong basagin ang katahimikang namamagitan sa aming dalawa. All I feel right now is peace even though I'm going through a lot these past few days.

Kahit na inatras na ang mga kasong isinampa, hindi pa rin niyon mabubura ang mantsa sa pangalan namin. Habang buhay nang nakatatak sa mga tao iyon. Kaya nababahala ako sa mga maaaring ibato sa amin ng mga nakakaalam ng pangyayari.

Mom was used to receiving praise and acknowledgments from her colleagues because of the success of our business. Ngayong bankrupt na kami at kinuha ang mansiyon, inaasahan ko na ang pangungutya ng ibang nakabangga noon nila Dad.

"Anong iniisip mo?" tanong ni Magnus sa gitna ng kawalan na siyang nagpagising sa akin.

Sumiksik ako sa kaniyang leeg at bumuntong-hininga. Hindi ko masabi lalo pa at naliliyo ako sa kaniyang natural na amoy. Lalaking-lalaki.

Suminghap ako. "Hmm. That's nothing," I lied.

Pinaglaruan niya ang aking mga daliri at lumuwag ang pagkakapalupot sa akin. He kissed my forehead and sniffed my hair. Lalo akong nawala sa sarili. Gusto kong kumawala pero tinatraydor ako ng sariling katawan.

"You are always a mystery to me. I wonder what's inside that pretty little head of yours," he whispered, brushing his lips to my ears.

I licked my lower lip and sighed. Habang tumatagal na ganito ang ayos namin ay mas bumibigat ang pakiramdam ko. But I'm... happy.

Nilibot ko ang aking paningin at naghanap ng pwedeng palusot. Kailangan ko nang makawala rito at baka kapag mas tumagal ay mabaliw na ako!

Umusog ako palayo sa kaniya para magkaroon ng konting espasyo. Nakita ko ang bahagya niyang protesta kaya nagsalita ako. "I-i... want to p-pee," pikit-mata kong pagdadahilan.

I felt him stiffened and loosened his hug on me. Unti-unti kong dinilat ang mata at nakitang nakangisi siyang nakadungaw sa akin. Nanunuya ang kaniyang mga mata na siyang nagpainit ng pisngi ko. Ano ba naman kasing rason 'yan, Red!

Tumayo ako at tinalikuran siya. Bago pa ako makaalis nang tuluyan ay hinigit niya ako at hinarap sa kaniya.

He pouted, trying to hide his amused grin. I arched my brows and maintained a scowl. "What?! I said I want to pee!"

Tumakas ang isang mahinang tawa mula sa kaniyang labi kaya mas lalo akong namula. Labis na ang kahihiyang natanggap ko ngayon araw tapos— Argh!

"Pwede ba?! Don't laugh! It's not funny!" singhal ko para pagtakpan ang pagkapahiya. Kahit palusot ko lang talaga ang pagpunta sa CR, kating-kati na akong tumakbo roon at magkulong. Pakiramdam ko ay wala na akong mukhang maihaharap sa kaniya!

Tumango siya at pinakawalan na ako, natatawa pa rin. I rolled my eyes and ran my way to the bathroom.  Napahiyaw ako dahil muntik na akong madulas! Mabuti na lamang at nakakapit ako sa seradura ng pinto at kundi ay nabagok na ako!

"Hey! You okay?!" dinig kong sigaw ni Magnus sa labas.

Pumikit ako at hindi siya sinagot. Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko! Halos iumpog ko na ang ulo ko sa lubabo habang naghihilamos. Hindi ko lamang maituloy at naalala ang pagkabagok ko sana kanina lamang.

Nang mahimasmasan ay bumuntong-hininga ako. Kinagat ko ang aking labi at sinuklay ang buhok gamit ang kamay. Parang ayaw ko nang lumabas. Kaso ay hindi pwede dahil lalo niya lamang akong tutuksuhin kung magtatagal ako rito. Baka isipin niyang naduduwag ako na talagang totoo pero never kong aaminin sa kaniya iyon, 'no! Puputi muna ang uwak bago niya malaman!

Save YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon