TROUBLE TILL THE END

Začít od začátku
                                    

Pinaharorot ni Neil ang sasakyan. Wala namang nagawa ang mga mukong kung hindi tumabi.

"This is the first time we ran away from a fight." I said.

Umugong ang tawanan sa loob ng sasakyan. Oo. Pinagkasya namin ang sarili namin dito sa sasakyan ni Neil. Daig pa namin ang sardinas.

Nagpatuloy si Neil sa pagmamaneho but in the rearview mirror he saw that the bastards followed us.

Mas binilisan pa ni Neil ang pagmaneho pero mas mabilis sila.

Wala na kaming nagawa nang muli nila kaming harangan sa daan.

"Bumaba kayo diyan mga duwag! Tatakbohan pa talaga ninyo kami? Lumabas kayo at taposin na natin ito." hamon na naman ng lider nila.

We got no choice. I signaled the boys to go out. Mas marami sila kumpara sa amin pero hindi kami natinag. Kayang-kaya namin sila.

Nagsimula na nga ang suntokan. Kanya-kanya kami ng fighting stunts. May tila karate players at boxing players.

Nakatikim na rin kami ng suntok at tadyak pero wala pang matinding pinsala.

Marami na sa kalaban ang nakahiga sa kalsada. Apat na lang ang natira kasama ang kanilang lider.

Pasugod na si Neil nang maglabas ang lider nila ng baril. Natigilan kaming lahat.

"Sige. Lumapit kayo at papaputokan ko ang ulo ninyo." sigaw nito.

Napaatras si Neil at ang mga ibang boys. Hanggang suntokan lang ang kaya namin. Ibang usapan na kapag may baril.

Lumapit ang lalaki sa amin at dahil ako ang nasa unahan sa akin niya itinutok ang baril.

When he did that, bad memories started to come back. Naalala ko ang nangyari sa amin doon sa warehouse. I started to feel frightened. Ayokong may masaktan katulad ng nangyari noon.

Nanghina ako. Nanginig ang aking mga tuhod kaya napaluhod ako. Nakatutok pa rin sa akin ang baril.

"Tama na. Ibaba mo ang baril dahil kung hindi ay tatawag ako ng pulis." Neil warned him.

"Wala akong paki-alam kahit sino pa ang tawagin mo." sagot ng lalaki.

I am too frightened. Kahit nakapikit ay alam kong natatakot rin ang aking mga kasama.

Suddenly, I heard the sound of a car approaching us. Siguro ay nakatawag na si Neil kaya dumating na ang mga pulis.

Ilang sandali pay ay huminto na ang sasakyan. Wala akong marinig na sirena kaya nagmulat ako ng mata.

Lumabas sa sasakyan si Herrera at si Perez. Gamit ang kanyang saklay ay naglakad papalapit sa amin si Perez.

She is undergoing therapy kaya kahit papaano ay may pagbabago na sa kanyang mga paa. With proper medication and treatment, hopefully her legs will recover soon.

"Put down your gun." she said with calm.

"Ano naman ang magagawa ng isang pilay na katulad mo? Mapipigilan mo ba ako gamit iyang mga saklay mo?" pag-iinsulto ng lalaki. Tumawa pa ito ng malakas.

Hindi naman siya pinansin ni Perez. Mas lalo pa itong naglakad palapit sa amin.

Then she said, "My legs are seventy percent ok. Hindi pa ako makakalakad ng wala ang aking mga saklay."

Napatingin ang lalaki sa kanya. All our attention was on her.

"Pero kahit may dalawa akong saklay ay kayang-kaya ko pa ring baliin ang mga buto mo. Puwede nating umpisahan diyan sa kamay mo."

Napansin kong nagpawis na ang lalaki. Pero patuloy pa rin niyang itinutok ang baril sa akin.

"Nagpapatawa ka ba?" may kaba na sa boses ng lalaki.

Ibinalik ko ang tingin kay Perez. Nagulat ako nang tanggalin niya ang kanyang jacket. Tanging puting t-shirt na lang ang suot niya ngayon.

Dahil medyo malapit na siya sa amin ay kitang-kita ang centipede tattoo sa kanyang leeg.

Napaatras ng bigla ang lalaki. Kitang-kita ang pagkabigla at takot sa kanyang mukha.

"Bakit? Natatakot ka na ba?" sabi ni Perez.

Ilang hakbang na lang ang layo niya sa lalaki nang kumaripas ito ng takbo. Sumunod na rin ang kanyang mga kasama.

Nakapagtataka ang nangyari. Bakit bigla siyang naduwag nang makita ang tattoo sa leeg ni Perez?

Linapitan ako ni Neil at tinulongang tumayo.

"Ayos ka lang Jazz?" tanong ni Perez sa akin.

Tumango lang ako.

"You need to hurry boys. Fifteen minutes na lang ay magsisimula na ang completion ceremonies. You will be late kapag hindi pa kayo umalis." paalala ni Sir Herrera.

Pumasok na ang mga boys sa sasakyan at ganoon rin sila Herrera at Perez.

Papasok na sana ako pero hindi ako mapakali sa nangyari kanina kaya lumapit ako sa bintana ng sasakyan kung saan nakapuwesto si Perez.

"What happened earlier Perez?" I shot the question.

I am troubled. Hindi ko maiwasang mag-isip at magtaka.

Ngumiti lang siya sa akin at ginulo ang aking buhok.

"Have you forgotten Jazz?" tanong niya.

"Your teacher is a gangster."

My Teacher is a GangsterKde žijí příběhy. Začni objevovat