Prologue

3 0 0
                                        

"Anak! Bumaba ka na diyan! Kakain na!"

"Yes Mommy! Saglit lang po!"

Masiglang tumugon ang isang batang babae sa sinabi ng kanyang ina. Naka-tirintas pa rin ang kanyang medyo kulot na buhok dahil kagagaling lamang niya kasama ang mga magulang sa pamamasyal sa parke. Inabot na nga sila ng gabi at oras na ngayon para sa hapunan.

Nakatali pa din sa kanyang mga kamay ang lobong may helium na binili mismo ng kanyang ama para sa kanya. Masaya siyang nakatingin sa isang piraso ng papel na hawak sa isang kamay. Mayroon siyang isinulat doon na isang kahilingan.

Isang simpleng hiling ng isang musmos na isip...

Nakangiti siyang lumabas ng kwarto at pumunta sa veranda ng kanilang dalawang palapag na bahay. Minana pa ito ng kanyang ama sa mga ninuno.

Napatingala siya sa kalangitan at tanaw na tanaw ang nagniningning na buwan na may perpektong hugis bilog. Kumikinang ang kanyang mga mata habang manghang manghang nakatitig dito.

"Waaah! Ang ganda mo talaga!"

Hindi na niya napigilang mapabulalas. Simula magka-isip ang bata ay palagi na niyang hinahangaan ang kagandahan ng buwan.

"I want to go where you are, so I can give you something.. But I don't know how to fly. Sayang naman."

Napahalumbaba siya habang kinakausap ito na madalas niyang gawin... Na para bang isang tunay na tao ang bilog na buwan.

"Pero okay lang.. Because I have an idea..." pagpapatuloy niya. Inilabas niya ang papel na sinulatan niya ng kanyang hiling.

Sa may di kalayuan, Isang pares ng mga mata ang tahimik na nagmamasid sa kanya. Malaya siyang nakalutang sa ere at nakakubli sa dilim ng gabi. Walang reaksyon sa kanyang mukha ngunit pinanonood pa rin niya ang ginagawa ng bata.

Moons ApartWhere stories live. Discover now