Chapter (2)

49 3 0
                                    

( Break Up )


Tracy's POV


' Kamusta na pakiramdam mo Amber? ' tanong sa akin ni Cleo. Napakunot noo ako sa tanong niya. 


' Maayos naman ako, bakit mo natanong? ' umiling lang ito at pumasok na sa banyo. Friday na ngayon and bukas Saturday na. So it means makakapagpahinga ako. 


' Goodmorning! ' Masiglang bati ni Naomi sa akin. Nakaayos na siya at handa nang pumasok habang si Brittany naman busy nanaman sa paglalagay ng make up. As always!? 


Lumapit sa akin si Naomi at tinulungan ako sa pagbangon ' Bangon na malelate tayo. Ayokong mahuli ni King Ace. And be a responsible Queen. Gumising ka naman ng maaga please lang! ' hinila niya ako patayo ng hindi parin ako kumilos. Kahit kaylan talaga nanay ang datingan ni Naomi.


Inirapan ko nalang siya at naghintay sa labas ng banyo. Medyo matagal maligo si Cleo dahil masyadong madaming nilalagay sa mukha at katawan. Masyadong nagpapaganda. Kanino kaya to nagpapaganda? Wala naman sigurong magkakamali sakanya hindi ba?


Nasa gitna ako ng aking palaisipan ng biglang bumukas ang pinto ng banyo. Si Cleo na naka complete school uniform na. Maayos narin ang buhok nito at kumpleto narin ang kolorete nila sa mukha.  Nagpaalam sila sa akin na mauuna na. Hindi sila tunay na kaibigan hmp!


Habang naliligo ako ay napaisip ako. Bakit ako ang napili nilang Reyna ng Academia Royale? Sa dinami daming babaeng naggagandahan dito sa school bakit ako? Hindi ako maganda, hindi rin matalino. Labis akong nagtataka kung bakit ako. 


Nang matapos ako sa paglibo agad akong nagbihis ng aking school uniform at inayos ang mahaba kong buhok na halos lumagpas na aking pwet. Bago ako umalis sa harap ng salamin tinitigan ko muna ang aking sarili. 


' You're late. ' halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko si Ace sa harap ng pinto. Inirapan ko ito at sinarado nalang ang bahay. ' When I'm asking you, answer me Miss Silvestre. ' malamig na tugon ako pero binalewala ko siya. ' Fuck! Bingi kaba!? ' hinawakan niya ako ng mariin sa braso kaya napadaing ako sa sobrang sakit. Halatang nagulat ito sa ginawa niya kaya napaatras siya. ' I'm sorry. ' yun nalang ang sinabi niya nang hindi na ako sumagot sa kahit na anong tanong niya. 


' Mauuna na ako. ' paalam ko sakanya at nauna nang maglakad. Bahala na kung lagyan niya ako ng warning dahil sa late. I don't care. 


Late na ako sa 1st subject ko kaya sa second subject na ako pumasok. What kind of Queen am I? Napailing nalang ako. I hate myself. 


' U-uhm Elisha nakikiliti ako ano ba ' rinig kong tili ng babae. Elisha? No. It can't be. Tinapunan ko ng tingin kung saan nanggaling ang ingay na narinig ko. 


' Sige na.... Isa lang naman eh ' panunuyo ni Elisha sa babaeng kaharutan niya. The number one bitch of the school, Helly. 


Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa nasaksihan kong kalandian ng aking boyfriend at ni Helly. Masakit. Masakit makita ang lalakeng mahal mo na may kalandiang ibang babae. Kaya ba malamig siya sa akin? Hindi ko ba napupunan ang mga kailangan niya kaya kinailangan niyang maghanap ng atensyon sa iba?

Dating The SSG PresidentDonde viven las historias. Descúbrelo ahora