Prologue

7 0 0
                                        

Heidi Clare

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan naming maghati sa iisang lalaki. Kung bakit kailangang pareho kami ng mamahalin. Lumayo ako. Akala ko magiging maayos na lahat pagtapos nito pero hindi pa.

Hindi pa pala ako tapos sa'yo.

'Yung pinipigilan kong pagmamahal, lalong lumalim.

Pinaglaban kita. Hinayaan kong magalit sila dahil mahal kita. Pero nasobrahan na yata ako sa pagka tanga.

Naalala mo 'yung pangako ko?

Na hanggang sa huling hininga ko, pipiliin kita.







Holly Callie


Siguro nabuhay ako para magpaubaya.

Kung hindi ba ako mamamatay, hahayaan kitang mapunta sa kanya?

Bakit hindi? Masaya ka. Masaya ka sa kanya. Sino ba ako para pigilan ka sa kasiyahan mo?

Bakit kita ipagdadamot kung hindi naman ako ang nauna?

Siguro, panggulo lang ako sa storya niyo.

Baka aberya lang talaga ako.


Hanggang dito na lang talaga ta'yo.


Sa'kin ka nangako pero sa iba mo na tutuparin. Tanggap ko na, Theon. Baka hindi talaga ako. Baka hindi talaga tayo.







Are you willing to embrace tragedy?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tainted Love Where stories live. Discover now