chapter 20

16.8K 437 52
                                    

A/N: HAPPY WEEKEND, everyone! Enjoy! 

WARNING!!! This chapter contains MATURE scenes for ADULTS & OPEN-MINDED readers only! Read at your own risk!

CHAPTER 20

MUNTIK nang mapasigaw si Stella nang biglang may yumakap sa kanya mula sa likuran. Kasalukuyan silang nasa kusina ni manang Mryna at nagluluto ng mga babaunin nila ni Gavril sa pagpunta sa Secret lagoon. Hindi siya ganun kagaling magluto kaya tinuturuan siya ng ginang.

"Good morning." Anito saka isinubsob ang mukha sa leeg niya.

"Ginulat mo ako!" She hissed when she recognized that voice. Of course, it was Gavril. Tumawa ang binata saka binati rin si manang Myrna na kasalukuyang naghuhugas ng mga gulay sa lababo.

"Good morning din, manang Myrna."

"Good morning din, sir Gavril." Nangingiti ito habang pinagmamasdan silang dalawa. "Ang sweet sweet niyo talagang dalawa. Nakakatuwa kayong pagmasdan." Komento nito kapagkuwan.

"Syempre naman, manang. Ganito talaga siguro kapag in love. At saka magiging malambing ka talaga lalo na kung ganito kaganda ang girlfriend mo." Sagot ng nobyo saka siya hinalikan sa pisngi.

"Asus! Bola."

"Of course not, baby. I'm telling the truth, 'di ba, manang? Maganda naman talaga siya?" Hingi nito ng tulong sa ginang.

"Oo naman. Maganda talaga si ma'am Stella at saka mabait pa."

"See? Para sa'kin, ikaw ang pinakamaganda sa balat ng lupa." Natawa na lamang siya sa sinabi ng binata pero deep inside of her, hindi niya maiwasang kiligin. Minsan, ang tamis lang talaga ng dila nito.

"Oo na. Sige na. Tulungan mo na lang kami ni manang Myrna sa pagluluto total nandito ka na rin naman."

"'Yon naman talaga ang plano ko kaya ako nandito. You should've woken me up so that I could've helped you."

"Pa'no naman kita gigisingin, eh, ang sarap-sarap naman ng tulog mo." Sagot niya. Bumitaw ito sa kanya saka siya pinihit paharap rito.

"Kahit na. Dapat ginising mo ako. Masarap lang ang tulog ko kasi pinagod mo ako kagabi." Nanlaki ang mga mata niya sa kabulgaran nito. Narinig niyang mahinang natawa si manang Myrna kaya lalong nag-init ang mga pisngi niya.

"Gavril!" Sita nita rito pero tumawa lang ang kumag. Sa pilyong kislap pa lang ng mga mata nito, alam na niyang sinadya nitong iparinig kay manang Myrna iyon. Well, totoo naman talagang napagod sila kagabi. Hindi lang kagabi kundi gabi-gabi.

Parang wala na sialng kasawaan sa isa't-isa ng nobyo. Mula nang unang beses na may mangyari sa kanila, nasundan pa iyon ng nasundan. Daig pa nila ang mag-asawa.

She opened her mouth to say something but nothing came out of her mouth. Sa kawalan ng masasabi, inirapan na lang niya ito na lalo nitong ikinatawa.

"Don't be mad, honey baby. I was just messing with you. Lalo ka kasing gumaganda kapag namumula ang mga pisngi mo, eh." Gavril said and then gave her a soft peck on the lips.

"Hmp! Ewan ko sa'yo! Ikaw na lang ang mag-slice ng mga gulay!"

"Yes, boss." Pilyo nitong sagot saka siya kinindatan. Napailing na lamang siya. Loko-loko talaga!

Maya-maya ay tulong-tulong na sila sa mga gawain. Nanunuod lang si manang Myrna habang nagbibigay ng instruction. Nang matapos silang magluto, binalot nila ang mga pagkain saka inihanda lahat ng mga kakailanganin nila sa pagpunta sa secret lagoon.

Malapit lang naman ang nasabing lugar. They just needed to walk about 10 minutes from the house to get there. Nang makarating sila ng kasintahan doon, namangha siya sa ganda ng lugar. Para iyong isang berheng paraiso.

Blazing Desire 2: Gavril Caballero IIजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें