Maganda ang napuntahan naming restaurant. Mukha rin walang pakielam ang ibang customer sa mga kasama ko dahil, siguro, mayayaman rin ang mga ito. Hindi ko alam pero hindi sila dinumog. May iilang nag-pi-picture ng palihim ang nakikita ko pero hanggang duon lang ang ginagawa ng mga ito.

Iginiya kami ng waiter sa isang pabilog na lamesa na pinalilibutan ng walong upuan. Nakakatuwa ang mga upuan rito dahil may foam ang mga ito kaya magiging kumportable ang kung sino man na kumain rito. Katabi ng floor to ceiling glass wall ang puwesto namin kaya kitang-kita ko mula sa puwesto ko ang kalsada, na bibihira lang may dumaang kotse.

Tahimik lang ako habang umo-order sila. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil para akong napapagod habang nasa lugar na ito. Para nitong dine-drain ang lakas ko. Siguro dahil na rin hindi ko gusto ang mga ganitong tagpo. Ayoko kasi talagang lumabas at makisalamuha sa mga tao dahil napapagod ako. Nakakahiya naman sa mga bisita namin kung hindi ako sumama dahil parang isa ako sa dahilan ng pagpunta ng mga ito rito.

Gusto ko ngang ibaling na lang ang tingin ko sa ibang bagay, tulad ng makinang na chandelier na nakasabit sa gitnang bahagi ng kisame nitong restau, sa bintana, sa kalsada at sa mangilan-ngilang tao na nanggagaling sa parking lot.

"Nara?" Napakurap ako ng ilang beses nang tawagin ako ni Sir Uno. Tinignan ko kaagad ito saka tumango ng isang beses bilang paghingi ng paumanhin. "Ayos ka lang ba? Sobrang tahimik mo."

"Nako, Sir." Napatingin ito kay Lola nang magsalita ito. "Ganiyan lang ho talaga ang apo namin. Pagpasensiyahan niyo na. Simula kasi bata, hindi na madaldal iyan."

"Ayos lang po, Lola Tes." sagot naman nito. "So anyway. How old are you, Hija? Nakalimutan ko. Nakita ko na iyong birthday mo sa nakuha naming birth certificate sa dati mong school, eh. Tinatamad lang ako mag-compute kung ilang taon ka na." Nabalot ng mahinang tawa ang lamesa dahil sa sinabi ni Sir Uno.

"22 po."

"I believe Education ang kinuha mo, tama ba?" Tumango ako sa tanong nito saka ko pinaglaruan ang mga daliri ko. "English major, right?" Muli akong tumango pero biglang bumahing ang katabi ko kaya bahagya akong nagulat.

"Gah." paghingi ng paumanhin ni Travis saka hinablot ang isang piraso ng tissue sa rack na nasa gitna ng lamesa.

"Since mag-te-teacher ka," Nabaling ulit ang atensyon ko kay Sir Uno nang magsalita ito. "Puwede bang turuan mo rin ng tamang asal ang anak namin?"

"Right!" pagsang-ayon ni Ma'am Aira habang tumatawa. "Bless you, Trav."

"Pa, Ma." ungot ni Travis saka itinabi ang tissue.

"It still baffles me." Napatingin kami kay Ma'am Aira nang magsalita ito. Gamit ang dalawang palad, sumalumababa siya saka ako tinignan ng maigi. "Nara, do you know anyone whose last name is Clemente?"

"Ma!"

Masamang tingin ang ipinukol nito sa anak kaya natahimik si Travis. "Your tone, Trav. And I know we already talked about it but I still want to know things about her. I think I have the rights naman to know what I'm curious about since she lives in a house I bought and sends her to school."

"Han," pagkuha ni Sir Uno sa atensyon ng asawa kaya napatingin ito rito. "Why don't we respect his decision?"

"Eru, harmless questions ito. It's not like I'm going to ask her how many people has she killed or how many boyfriends she's had." Umirap ito saka tumingin sa akin. "Nara, don't be scared. I don't bite so no need to be so stiff. Ease up." Binigyan niya ako ng maliit na ngiti kaya ang kaba na unti-unting kumakain sa akin kanina ay nabawasan.

"Sorry po."

"By the way, Ma." Napatingin si Ma'am Eru nang kunin ni Travis ang atensyon nito. "She has a habit of saying sorry everytime she breathes."

Call Me Daddy (Awesomely Completed)Where stories live. Discover now