Chapter 13 Me with Him

2.3K 90 1
                                    

Lah lah lah lah lah. Hahaha. Medyo nakalayo narin ako ng kaunti. Haha.

Good day :)

---------------

Sapphire's POV

Ang saya talaga haha. Totoo naman ang sinagot ko sa mga nauna nilang tanong diba? Pero syempre mas maganda na pinalabas ko na lang na walang katutuhanan ang mga yun. Masyado pang maaga para may makaalam sa nakaraan ko. At mas mabuting hindi na nila malaman pa.

Pero sa totoo lang nagulat ako nang bigla nila akong alukin na maging isa sa kanila. Siyempre hindi ako pumayag. Hanggat maaari gusto ko kasing huwag na lang makialam pa pagdating sa mga Gang na yan. Mahirap na baka madagdagan na naman ang mga taong pakialamera sa buhay ko. Ayuko pa namang pinapansin ako. Ang gusto ko ay ako yung pumapansin. Tutal nasanay narin naman ako na hindi ako pinapansin ng mga magulang ko. At okey na ako sa ganito.

Masaya akong naglalakad papunta sa field. Dun sa maraming puno. Ano ba kasing tawag dun? Tree park? Haha. Pasayaw sayaw pa nga ako dahil sa tuwa. Alam ko kasi na sobra na ang inis sakin ng apat na yun sakin. Lalo na si Mike. Kita ko kasi kanina kung paano umusok yung butas ng ilong niya haha.

Malapit na ako sa puno kung saan ako nakaupo dati, ng mapansin kong may isang lalaki na nakaupo at nakapikit doon.

Teka natutulog ba siya? At sino naman kaya ang isang yun?

Mas lumapit pa ako sa direksyon niya para makitang mabuti kung sino ang isang yun. Tumigil ako sandali.

Oww. Siya pala? Bakit mag-isa lang siya? Asan yung mga barkada niya? Oh well nababaliw na yata ako. Nagtatanong ako pero wala naman akong nakukuhang sagot.

Pero may klase kami ngayon ah. Magkacuting rin ba siya katulad ko?

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya ng hindi gumagawa ng ingay para narin hindi niya ako maramdaman. Nang makarating ako sa mismong harapan niya ay tinitigan ko siya ng mabuti. Paano naman siya nakatulog sa ganyang posisyon?

Nakadiretso ang kanyang mga paa sa damuhan at ang kanyang mga kamay naman ay nasa magkabilang gilid niya. At ang ulo naman niya ay nakasandal lang sa malaking puno.

Hmmm. Gwapo pa rin pala siya kahit na natutulog haha.

Oww.! May naisip ako. :)

Teka asan na ba yung phone ko? Kinapa ko ang bulsa ko at dinukot ko mula doon ang cellphone ko at agad na binuksan ang camera nito. Yumuko ako ng kaunti para mas makunan siya sa mas magandang anggulo. Klinick ko na ito para makunan siya agad ng litrato.

Smile Ryan :) say cheese.

Napapangiti pa ako habang naririnig ang salitang nanggagaling sa utak ko.

Ayan ayos na. Haha. Success. Tinago ko na agad ang cellphone ko.

Padabog akong umupo sa tabi niya at bahagya siyang sinagi para malaman niyang may kasama na siya.

"Uhhhmm ano ba? Bakit nandito ka? Akala ko ba pumasok kana? Kinukulit mo na naman ako eh." matamlay niyang sabi habang nakapikit pagkatapos ay tumagilid para talikuran ako.

Ang cute niya naman habang nagsasalita na parang nagtatampo. Hindi katulad ng palagi niyang ginagawa kapag may kausap siyang iba. Palagi kasing pasigaw eh.

"I thought you're here for me." pabiro ko namang sagot.

Nagulat naman ako ng bigla siyang umayos ng upo at biglang nagmulat ng mata. Tumingin rin siya sa direksyon ko. o_O

Nakakagulat naman ang naging reaksyon niya. Grabe ang pamimilog ng mata niya. So scary. But he's still cute :)

"Why are you looking at me like that? Is there's something wrong with my face?" taka kong tanong. At tsaka umarte na parang may mali sa mukha ko.

The Gangster Queen SapphireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon