Chapter 1: Dirty Little Secret

491 7 6
                                        

Muriel

Ilang beses na akong pabalik-balik dito sa lugar na'to. Ang lugar kung saan nakahimlay ang taong minahal ko ng mahabang panahon. Sumisipol ang malakas na hangin kasabay ng pag-tangay nito sa mga tuyong halaman at mga sanga. Lalong naging malungkot ang paligid.

Pinagmasdan ko sa malayuan habang nilalapag ng babae ang bungkos ng mga bulalak sa lapida ng kanyang yumaong asawa. Hindi ko na mabilang ang ilang subok kong makalapit at kausapin siya.. pero paano?

She's the legal wife. Wala akong karapatan pumunta rito. I probably looked like a stalker watching her from a far. Parang tino-torture ko ang sarili ko, why do I keep coming back? Why can't I just leave?

...I guess this was a small price to pay, sa ilang taon naming panloloko sakanya.

Nakatayo lang sya at hindi gumagalaw, she was almost catatonic. Nakapako ang tingin niya sa lapida. Ano kayang iniisip niya? Hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko.

She must be grieving sa biglaang pagkamatay ng husband niya.. ng boyfriend ko. My heart sank nung makita ko siya sa ganoong tagpo.

Confused, I held my coat tightly. My hair blew from the strong wind that's covering my face. Nanginig nalang bigla ang katawan ko. Hindi dahil sa malakas at malamig na hangin kundi sa takot, sa guilt. I continued watching the unsuspected woman. Nung hindi ko na masikmura pa ang makita siya, tuluyan na akong umalis doon.

Tumingin ako sa relo ko habang red light. "Shit!" hindi ko maiwasang mapamura. Late na ako sa appointment namin ni Dad.

Habang hinihintay ang paglipat ng ilaw sa traffic light; My mind wandered off ng hindi ko namamalayan..

Guill's wife.. satingin ko she's in her mid 30's. Maybe 8 years older than me. That makes sense since 10 years ang tanda sakin ni Guill.

Her face.. or expression I shud say—was still on my mind. It was like she was in pain and she's trying not to show it but it shows. Strangely I wanted to comfort her. Tell her it's gonna be okay.. na hindi siya mag-isang nakakaramdam nun. But why? I'm the one who caused this woman pain and suffering. She's a stranger. Kaagaw ko siya sa puso ni Guill. So, bakit ganito ang nararamdaman ko?

I was woken up out of reverie when someone from behind me sounded their horn. Kanina pa pala green light. Mabilis akong nag-react at pinaandar ang sasakyan. I tried to focus on the road, ayaw ko naman na sumunod ako kay Guill.

"Saan ka na naman ba galing merlat ka?" Salubong ng office mate ko na si Roxy aka Ronel sa umaga. Lalo pa kasi akong na-late dahil inayos ko pa ang sarili ko. Sa line of work ko I always have to look presentable lalo na kung makikipagkita ako sa owner ng kumpanya. Kinakabahan ako kahit father ko naman ang haharapin ko.

"I was just taking a stroll.. pampawala ng stress." Pagsisinungaling ko. I received his fone call din pero hindi ko yun sinagot. There's something about that place.. na kapag nandun ako parang walang kahit na sinong makakaabot sakin.

"Kaloka ka! 2 hours kang nawala—taking a stroll??"

Roxy is one of our marketing specialist who happened to be my college best-friend kaya ganun nalang siya ka-casual makipag-usap sakin. He's openly gay pero panlalaki parin kung manamit. Kasosyo din ni Dad ang mga magulang niya. Altho I have mixed feelings kapag ganito siya makipag-usap sakin sa workplace. I always tell him it's unprofessional.

(GxG) Love Is a Losing Game 2024Stories to obsess over. Discover now