Trap

2 1 0
                                    


"O, UnicaNakaismid ka na naman dyan!"
'Yun ang madalas sabihin sakin ng bestfriend kong si Mimi kapag nakakikita ako ng lovers na super sweet sa isa't isa na parang lalanggamin na.
Dati, nakocornihan ako kapag nakakakita ako ng lovers. Siguro kasi hindi pa talaga ko nai-in love. Puro crush lang. Ayaw ko pa talagang ma-in love nun. Pero sabi ng pinsan kong si Jelly, once na nandyan na yan, sa ayaw at sa gusto mo, hindi ka na makakawala pa. Matatrap ka na.
Nangyari nga yun sakin last year nang magcollege na ko. Third day of school pa lang nun. Nasa library ako at may hinahanap na libro ng may makasagi sa braso ko. Nang lingunin ko, nabigla ako dahil ang cute ng guy na nakabangga sakin. Imbes na magalit ako, natulala ako.
"I'm sorry, Miss." Sabi ni Mr. Cute, ngiting-ngiti siya! Grabe, ang ganda ng ngipin niya! "You are?"
Gustuhin ko mang magsalita, ayaw gumalaw ng labi ko. Nafocus na ang paningin ko sa features ng mukha niya. Maliit at matangos ang kanyang ilong, medyo malalaki ang mga mata, makapal ang eyelashes, at ang lips sobrang kissable!
"Hey Miss, I'm Dan. You are?"
"Huh?!" at last natauhan ako. Tinapik niya ko sa balikat.
"I'm Unica, short for Unice Carla," pinilit kong ngumiti habang nagsasalita.
"Sorry ulit ha? Hindi kasi kita napansin. Ang liit mo kasi eh." Casual na sabi niya na ikinapikon ko. Kahit pa totoo yung sinabi niyang maliit ako gusto ko siyang i-correct at pagsabihang hindi ako maliit. Ang word na dapat niyang sabihin to describe me is petite, kahit alam kong iisa lang ang meaning nun pero mas maganda naman yung pakinggan kesa sa maliit.
"Hmp!" Inirapan ko siya at mabilis na tinalikuran. Lumabs agad ako sa library.
♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥
"Si Danienilopinagsupladahan mo? Grabe ka friend!" tawa nang tawa si Sara, isa sa mga close friend ko nang kinuwento ko sa kanya ang nangyari.
"Siya kasi eh!"
"Classmate ko si Dan nung high school. Uy, ang bait niya ha! Lagi siyang nantitreat sa canteen nun! Kasi medyo rich sila eh!"
"So?!"
"At isa pa lang ang naging girlfriend!"

"So?!"
"Unicanasa isang university lang kayo. Tiyak na lagi kayong magkakasalubong kaya huwag mo na siyang pagsupladahan. Please?!"
Ngumiwi ako.
"Pareho ko kayong friends kaya please alang-alang na lang sakin, okay?" naghihintay ng sagot si Sara. Matagal niya kong tinitigan.
"Okay." pilit kong sagot.
Mula nun, lagi na kaming nagkakasalubong ni Dan sa iba't ibang lugar sa university. Siya ang laging nauunang bumati sakin. Pag nagrerespond ako, laging pilit. Madalas kaysa hindi, dinidedma ko lang siya. Inis pa rin ako kasi nga sinabihan niya kong maliit.
Minsan, bigla ko siyang naaalala at ang kanyang ngiti. Talagang ang ganda ng ngipin niya, Mr. Close Up Smile! Ngunit mabilis din nabura ang alaalang yun at napalitan ng inis dahil sa pang-asar niya sakin.

♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥
Minsan, isang hapong malakas ang ulan, nagkita kami ni Dan. Hawak ko ang payong habang naglalakad sa campus, ingat na ingat ako na huwag mabasa ng ulan, galing ako sa pagriresearch sa library. Nang malapit na ko sa main gate biglang sumulpot mula sa kung saan si Dan at nakisukob sa payong ko.
"Hi, UnicaPasensya ka na, ha? Ako ng hahawak nitong payongOooopss, sorry basa ako, nabasa ka tuloyPero sige, ako na ang hahawak nitong payong." pilit niya.
"Ano ba?! Naiirita na ko sayo! Ako na!" Lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa payong.
"Sige, sorry ulitPwede bang sumabay hanggang gate?"
Nagkunot ako ng noo para sabihing ayaw ko.
"Please?" pagsusumamo niya.
"May choice ba ko?" inirapan ko siya.
Sabay kaming naglakad patungong gate. Gusto pa sana niyang sumabay sakin pagsakay pero umayaw ako. Iniwan ko na siya sa waiting shed.
That night hindi ako makatulog. Buong magdamag kong iniisip yung nangyari sa library when we first met, at yung nangyaring pakikisukob niya sa payong ko. Naalala ko rin yung mga pagkakasalubong namin sa bawat corner ng university. Yung reaction niya na malayo pa lang ay nirirehearse na ang sasabihin sa akin. Tuluyan na yatang nawala ang pagkainis ko kay Danienilo! I'm beginning to see him as an interesting guy na hindi nakakaasar.
♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥

Tagalog Love StoriesWhere stories live. Discover now