CHAPTER 2

268 10 1
                                    

Ilang linggo na ang lumilipas at masyado kaming nagiging busy magkakaibigan. Pumasok na rin si Hasna dahil naisip nito na kailangan nya parin makapag aral kahit tapusin nya nalang ang pasukan.

Medyo nakakakulitan narin naman na namin ang ilan sa mga bago naming mga kaklase. Nakakasama rin namin sila sa ibang mga activities sa room.

Hindi ko narin masyado ganun ka napapansin si Franki dahil madalas akong nagiging busy sakaka social media at pag-lalaro ng cellphone.

-----------------------------------------------------------

Lumipas ang isang buwan at medyo nagiging makulit na kaming magkakaklase at pagkatapos ay nagkaroon pa kami ng groupings para sa stageplay namin sa klase. Kasama ko sa group si Abi. Hindi kami nakakapag practice dahil karamihan sa amin sa group ay maraming pinag-kakaabalahan.

Last 2days nalang bago mag performance kami nakapag practice pero syempre ginagawa namin lahat para mabigyan namin sila ng magandang pagtatanghal.

Dumating na ang araw ng pagtatanghal kung saan kaming buong klase ay panonoorin ang ibat-ibang group. Medyo na-late pa ako at konting oras na lang ay magsisimula na ang activity namin. Pero nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi group namin ang unang mag tatanghal.

Dahil sa sobrang kaba ko ay mas pinili ko nalang na manahimik at ipag dasal ang group namin. Pero bigla naman akong natigilan dahil sa babaeng umupo sa tabi ko. "Kinakabahan ka?" -Pag tatanong nito. Nagulat naman ako nang makita ko si Franki pag tingin ko sa kung saan nanggaling ang boses. Wala naman akong ibang naging sagot rito kundi iling na may kasamang pag ngisi. "Wag kang kabahan. Sus! Ikaw pa ba? Kayang-kaya mo yan" -Dagdag pa nito pag tapos kong mapailing at ngisi sakanya. "Salamat! Sana lang walang maling magawa." -Pag sagot ko rito. Nagulat naman ako dahil bigla itong tumayo at tumitig saakin. Mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil nararamdaman ko ang tingin nito at unti-unti pang lumalapit saakin. Laking gulat ko naman ng bigla nitong hawakan Ang kwelyo ng aking damit at pagkatapos ay bigla nalang nilabit ang kanyang bibig saaking tenga. "Kaya mo yan Diana! Wag ka lang kabahan." -Pag bulong nito saakin. Pagkatapos ay bigla itong naglakad papunta sa upuan banda sa likod sabay napangiti pagkaupo nito.

Pagkatapos ng tension na naramdaman ko kay Franki ay muling nadagdagan ang kaba na nararamdaman ko sa aking dibdib dahil kami na ang susunod. Habang nag tatanghal kami ay hindi ako makatingin kay Franki dahil natatakot ako na baka bigla akong magkamali. Ngunit ang kaba ko ay biglang napawi kahit papaano dahil sa pag cheer ng aking mga kaibigan kasabay narin nito ang pagkakarinig ko sa sigaw ni Franki.

Pagkatapos namin ay bigla naman tumayo si Franki sa kanyang kinauupuan at sinalubong ako kasabay ng pag bibigay ng apir nito. Bago naman matapos ang klase namin ay huling nagtanghal sila Franki, hindi ko sya masyado tinitignan dahil naiisip ko na baka bigla itong mailang at baka magkamali pa ito. Rinig ko naman ang pangangantiyaw sakanya nila Abi at Jaime ang mga kaibigan nya.

Pagkatapos magtanghal ng lahat ay kinausap muna kami ng aming Prof dahil mamimili ito ng mga isasama nya para sa final na ipang-lalaban nito sa ibang mga studyante. Karamihan sa mga natawag ay mga kaibigan ko rin naman kasama na sila Kia, Niko at Mae. At hindi narin naman ako nagulat na nakasama si Franki rito dahil sa galing na ipinakita nya. Ngunit labis na ikinagulat ko ng bigla akong tawaging ng Prof at isa rin ako sa napili. Napaka saya ng mga kaibigan ko dahil magkakasama kami para sa practice at matagal tagal na kulitan ito dahil mahigit dalawang buwan ang nakalaan para sa aming paghahanda.

-----------------------------------------------------------

AN: Hi guys! Thank you so much sa pag support nyo sa story ko. This is my first time na gumawa ng story about Frankiana dito sa wattpad. Mahilig lang ako sa twitter dati. HAHAHAHA btw, sana patuloy nyo pong basahin at suportahan itong story ko. Thank you Chanaccs love y'all!💜💖

CLOSER U & I (FrankiAna)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ