You're My Lady || Narration

15 4 4
                                    

Third Person POV

Pumunta sa ospital si Jibeom ngayon. Hanggang ngayon ay pinupuntahan niya parin si Geumhee at magdadalawang buwan na silang hiwalay ni Jinhee. Nabalitang lumipat ng school si Jinhee at hindi na kailan pa nalinis ang pangalan niya. Nagtagumpay si Geumhee.

"Sabi ng doktor pwede ka na daw lumabas", sabi ni Jibeom kay Geumhee

Ngumiti lang ng pilit si Geumhee kay Jibeom. Hanggang ngayon ay ayaw niya parin kay Jibeom at ayaw niyang masaya ito kasama ang dati niyang kaibigan at siya ay hindi.

"Sorry. Dahil sakin naghiwalay kayo", sabi ni Geumhee

Ngumiti naman si Jibeom, "Ayos lang. Hindi lang talaga siguro maayos yung time. Masyado kasing mabilis yung ginawa ko"

Natawa naman sa loob loob niya si Geumhee. Napamukha niya sa buong school nila na si Jinhee ang masama. Ayos na siya don

"Ano na gagawin mo ngayon?", tanong ni Geumhee

"Mag aaral. Para may mapagmamalaki na ko kay Jinhee kapag nagkita kami", sabi ni Jibeom

Jinhee na naman, sambit sa utak ni Geumhee

"Mag aral ka na nga lang. Kaso bakit kasama parin si Jinhee?", tanong ni Geumhee

"Para mapagtanggol ko siya sa mga taong minali siya. Gusto ko siyang pahalagahan at paniwalaan", sabi ni Jibeom saka tumingin ng matalim kay Geumhee

Napag alaman ni Jibeom na nagsisinungaling lang si Geumhee sa kanya at pinagsisisihan niya ang nagawa niya kay Jinhee. Pero bago pa siya makahingi ng tawad ay lumipat na ng school si Jinhee.

"Bakit ba sa aming magkakaibigan lagi nalang kaming sawi sa high school love story? Ang daming gustong humadlang", sabi ni Jibeom habang naka tingin parin kay Geumhee

"Bakit ganyan ka maka tingin?", sabi ni Geumhee

Nasense ni Geumhee na alam na ni Jibeom pero gumagawa parin siya ng paraan na makalusot. Hindi pwedeng malaman ni Jibeom at alam niyang ipaglalaban niya yung totoo kapag nalaman niya yun

"Wala lang. Nagsisisi kasi akong mas nauna kitang nagustuhan kita kaysa kay Jinhee", sabi ni Jibeom

Napatigil naman sa pagiisip ng kung ano ano si Geumhee. May taong nagsisi dahil nakilala siya. Unag beses yun.

"Sa susunod, wag kang magpapakilig kung hindi mo naman gusto kasi nanakit ka", sabi ni Jibeom

"Congrats, nasira mo kami. Pati buhay ni Jinhee. Mabuhay ka sana ng matiwasay. Gantihan ka sana ng karma", sabi ni Jibeom bago lumabas ng kwarto sa ospital ni Geumhee

Tuluyan nang nakaalis si Jibeom bago nakapag salita si Geumhee, "Hindi mo na makikita si Jinhee"

You're My Lady || kim jibeomWhere stories live. Discover now