Twenty Five

8K 215 30
                                    

It's wednesday. Start ng season ngayon pero hindi na muna ako maglalaro since I'll handle the company starting next week. Habang nandiyan pa sila Kyle, may ilang araw pa 'ko para magliwaliw.

Kasama ko si Autumn papunta sa arena. Manunuod kami since may laro ang team ko. Alam ko naman na kukuyugin siya ng crowd kaya naka ready na yung mga guards ng arena just in case something will  happen.

As expected, the crowd is huge. Since opening day ngayon, present lahat ng players. May mangilan-ngilan akong kinausap and mga pinaunlakan magpa picture.

Puro tili na ang narinig ko pagpasok namin sa court. Ngumingiti lang naman kami ni Autumn. After saying hi's and hello's to my teammates and coaching staff, umupo na 'ko sa nireserve ni Cath and Ash.

"How's your game?" Tanong ko sa kanila. Magkalaban kasi sila kanina.

"The usual—aray!" Tumawa si Ash. Hinampas lang naman siya ni Cath hahaha. "What? Honest lang ako," At nahampas siya ulit kaya tinawanan lang namin sila.

"Gosh, finally!" Napatingin kami kay Astrid na medyo hinihingal pa. Tumayo kami atsaka isa-isang bumeso sa kanya.

Lumipat sa Ash sa right side ko tas umupo si Autumn sa left side ko katabi niya sila Astrid and Cath.

"I forgot to buy some water," Sabi ni Astrid. Lumingon siya sa paligid. "Wala akong makitang nagtitinda."

"Wait, I'll get some water for us." Sabi ko naman. Tumayo ako atsaka pumunta sa coaching staff namin.  "Justine," Tawag ko sa nag h-handle ng supplies ng team.

"Uy, Keyl! Ano 'yon?"

"Can I get five bottled water?" Mabilis naman siyang yumuko para kumuha.

"Sure! Gatorade or pocari gusto mo?" Alok niya pa habang kumukuha na siya ng tubig.

"Nope, water lang. Thanks, Just! Owe you one." I winked at him. Nag thumbs up lang siya.

Binigyan ko sila ng tubig lahat pagbalik ko. Nag-uusap silang tatlo kaya kami ni Ash ang nagdadaldalan habang hindi pa nagsisimula yung game.

"Rookie nila 'yon, o! Ang laki nga, e. Galing din mag block. Nag best blocker yata 'yan nung college. Twice daw." Turo niya doon sa rookie ng kabilang team.

"Laki nga. Pagbalik ko, kukunin ko 'yan!" I giggled. Minura niya 'ko hahahaha!

"Uunahan na kita, gago!" We both laugh.

Nag start na yung game. Since, nandiyan naman na si Lorraine, kampante na 'ko na kaya naman nila without me. Ang dami rin namang mahuhugot sa bench kaya tiwala talaga 'ko sa kanila.

It was a great match and our team won. I congratulated the whole staff and had a little chitchat with them. Gusto ko man sumama sa team dinner, hindi ko na nagawa dahil pinapabyahe na kami ni Kyle papuntang Palawan bukas ng maaga.

Nag stay na muna kami sa naka assigned na villa samin pagdating namin sa Palawan. Hindi ko alam kung saan nakita ni Anikka ang place na 'to, pero ang masasabi ko lang is sobrang ganda ng beach resort na 'to. Well, pricey siya kasi worth it naman talaga.

Since, nahire nila 'tong resort for a week kami kami lang ang tao dito. May mga nakita na 'kong relatives ni Anikka na nilapitan ko naman habang kausap pa ni Autumn yung may-ari ng resort. Galing na daw kasi siya dito kaya nakilala niya yung owner.

"Oh, where's Darryl and the others?" Tanong ko kila Demie, pinsan ni Anikka.

"They are on the way palang, Keyl. How's your trip naman?" Sagot naman niya. Pare-parehas kaming nasa malapit sa dagat, watching the sun goes down.

HypnotizedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon