Prologue

55 3 0
                                    



Bigla akong nagising dahil sa sobrang lamig. Napagtanto ko na wala pala akong saplot sa katawan tanging ang makapal na kamot lamang ang bumabalot sa hubad kong katawan. Napatingin ako sa aking katabi hindi ko alam kong matutuwa ba ako sa nangyari o hindi pero isa lang ang alam ko walang bahid ng pagsisi sa puso't isip ko.





"Go back to sleep" bigla nalang itong nagsalita. 





"Giniginaw ako" malamigin kasi akong tao if gagamit man ako ng aircon naka low lang ito. 





Walang sabi-sabi ay tumayo ito. Agad ako nag iwas ng tingin dahil wala rin itong suot na damit. Nang muli akong lumingon sa gawi niya ay naka suot na ito ng boxer short niya. Nagtungo ito sa may aircon siguro ay pinahinaan niya ito dahil biglang nag-iba ang temperatura. Sinusundan ng mga mata ko ang bawat kilos nito. Pinulot niya ang kanyang pang-itaas na damit.





"Sit" nagtataka akong tumingin sa kanya pero sinunod ko naman ang sinabi niya. Pagkaupo ko agad niyang isinuot sa ulo ko ang bukana ng damit niya "Up" nakuha ko naman ang gusto niyang sabihin kaya agad kong itinaas ang aking mga kamay na parang bang bata na binibihisan ng magulang ngunit ang kinagulat ko ay hawak niya rin ang underware ko. Alam ko kung ano ang susunod niyang gagawin. 





"Aaa--ako na" na utal-utal kong sabi sa kanya ngunit binaliwala niya lang ang sinabi ko hanggang sa maisuot niya na ito saakin. Napakagat ako sa aking labi 





"Stop doing that or else I'll take it off again" nanlaki ang aking mga mata sa kanya sinabi kaya agad ko naman tinigil ang pagkagat sa aking labi at dali-daling humiga. Narinig ko pa itong tumatawa.





"Nilalamig ka pa rin ba?" Tanong nito. Umiling lang ako. "Good" kinabig niya ako palapit sa kanya. "Now let's sleep again" 






Ramdam ko ang paghagod niya sa aking likuran. Sana ganito nalang kami pa lagi. Sana hindi matapos ang gabing ito. I feel so safe pag siya ang kasama ko.






Tanghali na ng magising ako at wala na siya sa tabi ko. Siguro ay umalis na ito. Agad akong bumangon. Naghilamos at nagmomog muna ako bago lumabas. Pag dating ko sa may kusina nakita ko siyang nakatayo at nagtitimpla ng kape. Akala ko nakaalis na siya.





"Good morning" bati ko sa kanya. Agad naman itong lumingon sa gawi ko. 





"Good morning too, coffee?" Tumango ako. Kumuha siya ng isa pangtasa. Tinitignan ko lang ito habang nagtitimpla ng kape ko.





"Here"






"Thank you" namayani ang katahimikan sa hapag. Hanggang sa nagsalita ito 






"yung kagabi" agad naman akong napatingin sa kanya. 






"Kung inaalala o nag-aalala ka ay huwag na" deretsong sabi ko dahil kung meron man dapat na nag-alala ay ako yun. Hindi ko na alam paano aahon o kung makakaahon pa kaya ako sa nararamdaman ko sa kanya. 





"Pero aly" nginitian ko ito upang ipahiwatig na ayos.





"Kung hihingi ka ng sorry ay huwag na rin kasi parehas naman natin ginusto ang nangyari





Totoo naman kasi walang namilit at pinilit dahil pareho namin ginusto 'yun. May gusto pa sana itong sabihin ngunit hindi niya na itinuloy. Tumayo na rin ako dahil tapos na rin naman ako baka kasi paghindi pa ako tatayo ay may masabi itong ayaw kong marinig.





"Mauuna nako" pagpapaalam ko sa kanya. Nagpeprisenta pa sana itong ihatid ako pero tinanggihan ko na. 





"Sigurado ka ba talagang ayaw mong magpahatid?" Tumango lang ako bilang sagot sa kanya. Kanina niya pa kasi ako tinatanong kung sigurado na ba talaga ako.





"Para namang ang layo-layo nang hahay ko. Eh magkapit-bahay nga lang tayo" natatawa kong sabi sa kanya. Hilaw itong nakitawa sakin sabay kamot sa kanya ulo. 






"Goodbye Tim" hinalikan ko ito sa pisngi bago tuloyan maglakad pa punta sa unit ko.





"Tawagan o i-text mo ko pag naka uwi kana"





"Para saan pa? Makikita mo naman kong makakauwi ako o hindi" ako naman ngayon ang pa kamot sa ulo. Parang ewan din 'tong lalaking to.





"I just want to receive a text or call from you" Hindi ko alam pero kinilig ako sa sinabi nito. Kaya agad akong tumango sa kanya na ikinangiti naman niya. Tumalikod na ako sa kanya at naglakad na pa punta sa unit ko. 





Nang makapasok nako sa loob bigla akong may na alala--- wala nga pala akong load kahit pang text man lamang. Sinilip ko kung nasa labas pa ba si Timothy. Nang makita ko na nasa labas pa ito nakatayo, lalabas na rin sana ako para puntahan siya kaso--





Isang pamilyar na pigura ang nakita kung nakayakap sa kanya kahit hindi ko masyado maaninag ang mukha nito ay alam ko na kung sino ito. Ang babaeng siyang may karapatan lang sa kanya. May karapatan humawak, humalik at tumabi sa kanya. Ang babaeng tanging may karapatan sa kanya--- Michelle Crizel So. 





Napahawak ako sa aking dibdib ng kumirot--- kirot na lagi kong nararamdaman sa tuwing nakikita kong kasama niya'y.






Bago pa man tuloyang magbagsakan ang aking mga luha ay pumasok na muli ako sa loob. Napasandal na lamang ako sa may pinto. Pikit matang dinadama kirot sa aking puso. Siguro'y dapat ko nang tanggapin na hanggang magkaibigan lang talaga kami at kahit kailan hindi nalalagpas pa ron--- sa panaginip siguro pwede.

Sleeping Beside YouWhere stories live. Discover now