Chapter 37: Someone is Jealous

Start from the beginning
                                    

Lumabas na ako sa bahay namin at nagtungo sa garage. Doon ay nakita ko si Shin na nakasandal sa aking sasakyan. She's playing with her nails na kakamanicure lang. Shin is a type of “kikay girl.” Mahilig siya sa mga girls stuff.

I sighed before walking towards to her. "Get in." I said.

Tumingin siya sa akin. "Hindi mo ba ako pagbubuksan ng pinto?" takang tanong niya sa akin.

Umiling ako. "You can do it." wika ko dito.

"Pero, Dustine—" hindi niya na natuloy ang sinasabi niya dahil umikot na ako papuntang drivers seat at doon pumasok. Ikinabit ko kaagad ang seatbelt ko at siya namang pagpasok ni Shin. Magkasalubong ang kilay niya at padabog na ikinabit ang seatbelt niya.

"You know, Vince Dustine, you've change."

Napalingon ako sa kanya ng sinabi niya iyon. Hindi siya nakatingin sa akin at nasa harap lang siya tumingin. Iniwas ko na ang paningin ko at nagsimula ng magdrive palabas ng gate namin.

"Hindi ka naman ganito dati. Whenever I am leaning on your car, pinagbubuksan mo kaagad ako ng pinto." dagdag niya pa.

I was about to answer her when she speak again.

"Tell me, Dustine. Did someone change you?... Do you have a girlfriend?" she asked. Her question caught me off guard.

‘Did I really change?’

I faked a laugh. "What are you talking about, Shin? I did not change. Hindi ako nagbago." mariing wika ko habang nag dadrive.

Hindi siya sumagot. Kaya naman ipinark ko na muna ang sasakyan sa gilid.

"Shin, ano ba—"

She looked at me. "I hope so. I really hope you didn't change. 'Cause I will miss the old Vince." she sighed then she smiled. "By the way, back on driving, Dustine!" then she's back on being jolly again! Tss.

Bumuntong hininga ako at nagdrive na ulit. Mabuti nalang at hindi masyadong traffic. Nagkekwento si Shin sa nangyayari sa kanya. She even mentioned na may nakilala daw siyang lalaki na taga Empire daw. Aksidente daw silang nagkakilala nang may sinundo daw ito sa San Francisco International School (school ni Shin). Matangkad, moreno, medyo tahimik at snobber daw. Hindi nalang ako nagreact. Nakikinig lang ako sa kanya ng biglang may naaninag ako ng pigura ng babae na naglalakad habang may kausap sa cellphone. Wait.. is it..

I stopped the car in front of the girl and I open the window.

"Kristelle!"

Humarap naman sa akin si Kristelle at may sinabi na muna sa kausap bago ibinaba ang cellphone.

"Vince." aniya.

Ngumiti ako. "Where are you going? Bakit naglalakad ka? Nasaan si Kris?" sunod sunod na tanong ko. Mainit ngayon at wala man lang siyang payong. Naglalakad pa siya!

She giggled. "Ano ka ba! O-Okay lang ako. Ahm, tinawagan ko na si K-Kris and ahm, she's with Jess that's why hindi niya ako masusundo." she smiled. I nod.

"Sabay ka nalang sa—"

"Dustine! Bakit ka tumigil? Sino kausap mo?!" pasigaw na wika ni Shin at umusod sa akin para sumilip sa bintana. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin nang makita si Kristelle.

Perfect Haters (COMPLETED)Where stories live. Discover now