Barkada Trip

267K 2.5K 495
                                    

Bakasyon na nanaman. Ang panahong hinihintay ng lahat ng estudyante. Panahon ng pagtatapos. Panahon kung kelan mo iisipin, ano nga ba ang nangyari sa buong school year?

May pagkakataong, nainis ka sa Prof mo kasi binagsak ka.

Okaya yung nagpapa-cute ka kay crush... Kaso dinedma ka.

Yun bang tambak na ng school works, kaso tinatamad ka talagang gumawa. Kaya iaasa mo nanaman kay Batman.

At syempre, hindi mawawala ang barkada. Yung kahit na sobrang lungkot mo na, mawawala yun basta kasama ang barkada. At siguradong lalabas ang gilagid mo kakatawa basta kasama sila.

Time flies so fast.

Can't actually believe na half way na kami ng college life namen. Yung feeling na parang kahapon lang first day. Tapos di pa kame magkakakilala. May kanya kanyang mundo pa. Hindi ko napansin na sobrang dami na pala naming memories na na-tretreasure. Mga kalokohan, kalungkutan, kulitan, katuwaan at kadramahan na sama sama naming na-eexperience. Syempre hindi naging madali samen sa una na pakisamahan ang isa't-isa. Pero hanggang patagal ng patagal, mas lalo naming nakikilala ang isa't-isa at mas lalo naming natitimpla ang tamang ingredients sa true friendship namen. Wala namang perfect friendship eh. Di mawawalan ng away at tampuhan. Pero kahit ganun, at the end of the day, hahanap hanapin parin namen ang isa't-isa.

Mapasaya man o lungkot. Magkaroon man ng tampuhan. Basta. Buo ang barkada.

Isang barkada.

Iisa ang trip.

Isang tambayan kung saan nagdadamayan at kulitan.

Isang grupo na.... masasabi mong.... pamilya.

**********

"1... 2... 3...!" Sabay sabay nameng binaba ang kopya ng grades namen sa mesa ng kubo. "I passed!" sabay sabay nameng sigaw.

"Yaaaay!" Nagtatatalon na si Claire sa tuwa.

"Soooo... anong balak, guys?" tanong ni Nina.

Yes. Barkada trip. Saan kaya magandang magbakasyon ngayon? Sana 'yung medyo makakatipid ako. Haba ng bakasyon. Walang income.

"I know a place. Sa rest house namen sa Cuenca, Batangas. Actually sa grandparents ko talaga yung bahay." yaya ni Ken.

Yun! May place na. "Tara!"

"Gusto ko yaaaaaan!" Hindi na mapigilan ni Nina ang bursting emotions of happiness niya.

"Set na! Set na!" Isa pa 'tong si Sid.

Kanina ko pa napapansing tahimik si Abby. Anong meron?

Ako nga pala si Jenny. Ang pinakamaganda sa barkada. Pero syempre joke lang 'yun! Solid ako sa section ko. INF112 forever. Kaya lahat ng memories ng 112 nasaksihan ko.

Si Nina. Nako, eto ang bestfriend kong puro pa-cute ang alam. Hindi na nawalan ng crush at mahilig mang-prank.

Si Claire. Eto ang bestfriend ko simula't sapul pumasok ako sa kolehiyo. Sobrang bait nito. At matalino pa. Eto ang source ng barkada tuwing quiz at exam.

Si Abby. Ang tahimik at habulin kong bestfriend. Aba! Mahaba ang hair nito. Nahiya ang EDSA sa sobrang kahabaan. Madami ang pumila't nagtangka. Pero sorry na lang, dahil si Sid ang nakakuha ng premyo.

Si Sid. Ang hunk kong bestfriend. Fafa ang datingan. Miski lalaki mababading. Transferee nga pala siya noong first year second sem. At yun, nung nag-transfer, na love at first sight ata kay Abby. Hindi na sinukuan.

At si Ken. Ang misteryoso kong bestfriend. May pagka-introvert to eh. Tahimik madalas. Pero nakakakulitan naman namen. Ex-boyfriend nga pala ni Abby. Hindi ko alam kung bakit sila nagkalabuan talaga. Tinatanong ko si Abby, pero ayaw na daw niyang ungkatin kung ano man ang namagitan sakanila ni Ken. Ayaw ko namang tanungin si Ken, alam ko namang hindi din siya magsasalita.

Barkada TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon