Chapter 20 (biton)

4.3K 132 0
                                    

Miggy's pov:

Lahat ng sapatos na nasa shoerack ay pinagsa shine ko. Natatawa naman ang ate ko ng madaanan ako. Naupo si ate Leny sa tabi ng Papa namin na umiinom ng kape sa terrace.

''Pa, yung bunso mo ang sipag ah. Lahat ng mga sapatos natin nila Mama ay pinakikintab.", narinig kong sabi ni ate. Restday ni ate sa hospital na pinagdu duty han niya. Nurse ang ate ko dun.

"Tiyak na may kailangan na naman yang kapatid mo.", narinig ko ring sabi ng Papa namin. Naka suot pa siya ng uniform. Senior Superintendent ng kapulisan si Papa, napadaan lang siya dahil may nakalimutan at ipinakuha kay Mama.

"Pa, ito na lang ang isuot mo. May dumi na yang suot mo e.", sabi ko sa kanya bitbit ang sapatos niya na makintab na makintab.

Tumango siya kaya lumuhod ako at ako na ang naghubad ng sapatos niya pagkatapos ay ipinalit ko na ang bago kong shine. Nang lumapat na sa paa niya ay tumayo na si Papa. Nasa harap na niya si Mama at dala na ang isang attache case. Nag volunteer ako na ako na ang maghahatid kay Papa sa garahe. Pagkatapos humalik kay Mama at ate ay naglakad na kami papuntang garahe. Dala ko ang attache case ni Papa. Ipinagbukas ko pa siya ng pintuaan ng kotse niya.

Natawa si Papa.."Magkano ba ang kailangan mo ha?", nakangiti niyang tanong sa akin. ''Tama na ba to?'', sabay ladlad ng perang papel na galing sa wallet niya.

"Okay lang ang gumimik kasama ng mga kabarkada anak, konting inom at konting babae. Pero, binabalaan kita.. wag na wag kang magda drugs. Ipapadampot kita agad!", sabi ng Papa.

"Syempre naman Papa. Di ko mamanchahan ang uniporme mo, promise Pa.", nakataas kamay kong pangako kay Papa.

Tumango tango siya sa akin. Isinarado ko na ang gate nang makalabas na ng tuluyan ang kotse niya.

Pagpasok ko ng bahay ay kinantyawan ako ni ate.

"Balato ko Miggy?", tanong niya na nakalahad ang palad.

"Ako ang bigyan mo ate, na shine ko na yung pang date mong may heels.", nilahad ko ang kamay ko.

"Wala pa nga akong sweldo eh...", reklamo ni ate.

"May utang ka sa akin ha. Pag sweldo mo bayaran mo ako.", pangungulit ko sa kanya.

"Oo na... kulit nito!", galit galitan ni ate..

Konting biton, kikinisyon!....

Panty HunterWhere stories live. Discover now