Chapter One

23K 302 2
                                    

     “Good morning Ms.”
     “Good morning Ms. K!”
     Yan ang usual na bati sa akin ng mga students every morning pagdating ko pa lang ng school. Pagdating ko sa faculty nakita ko yung mga gamit ni Ms. Talya na nakalagay sa box.
     Tinanong ko agad si Ms. Jen kung bakit nakabox na yung mga gamit ni Ms. Talya.
     “Ah, uuwi na kasi siya ng probinsya kaya mag-reresign na siya. Bukas naman dadating yung pamalit sa kanya. Anyway, eto nga pala yung final grade ni Ayla. Medyo bumabagsak siya sa subject ko kaya baka one of these days baka pumunta yung parents or guardian niya. Ikaw na lang bahala, tutal, adviser ka naman niya.” She informed me.
     Si Ms. Jen Bautista. She’s my best friend since college pero sanay na kasi kaming tawagin ang isa’t isa na Ms. Dahil sa mga students namin eh. She’s a great math teacher. Sobrang genius kasi sa math! Ugh! Buti pa siya!
     As for me! I teach MAPEH. Music, Arts, P.E., and Health sa buong grade 11 and 12. Yeah! Hanggang dun lang ang kaya ko, eh. Nasa harapan ko lang siya nakapwesto. Si Ms. Talya naman sa tabi ko nakapwesto. But for now, ibang teacher na ang pupwesto diyan. Isang MAPEH teacher din si Ms. Talya. Grade 7 and 8 nga lang. I hope madaling katrabaho yung papalit sa kanya. Kailangan kasi naming makicooperate sa isa’t isa lalo na tuwing varsity try-outs, off-campus competitions, at foundation week.
     “Ok Ms. Jen. OMG! 4:00 pm na. sige bye!” I bid goodbye. Unlike sa high school na 2:30 pm ang uwian, sa grades 1, 2, and 3, 4:30 pm pa. Habang sa grades 4, 5, and 6, 3:30 pm.
     Well, I’m on my way para sunduin ang anak ko na grade 1. Jerome Drew Rivera. Bakit ba ang lapit ng pangalan niya sa ex ko?! Ano bang pumasok sa isipan ko at yun yung ipinangalan ko sa anak ko?! Ugh! Pero kahit ano mang pangalan ng anak ko, mahal ko pa rin yan! Siya lang ang natatanging lalaki na mahal na mahal ko!
     “Ma!” Tawag sa akin ng anak ko. Tulala na naman ata ako.
     “Hey, JD.” He says I’m the coolest mom. Sabi nga nila, hindi nagsisinungaling ang mga bata. Hehehehe.
     “Ano gusto mong dinner?” I asked him pagkatapos niyang ibigay sa akin yung bag niya. Bilang single mom, lahat ng trabaho ng nanay at tatay, ako ang gumagawa.
     “Chicken!” Masigla niyang sinigaw.
     “Chicken?! Chicken na naman? Baka maging sisiw ka ha!” Pabiro kong sinabi sa kanya.

ÃÃÃÃÃÃÃÃÃÃÃÃÃÃ

     “Pa! Nandito na kami!” I shouted pagkapasok pa lang namin ni JD sa pinto.
     “Welcome back!” Mukhang nasa kusina siya. Mom died when I was in first year college. Simula noon, si papa na ang bumuhay sa akin. Nung nagkaroon na ako ng trabaho, ako naman ang nag-aasikaso sa lahat ng gastusin, at si Papa naman ang bahala kay JD kapag hindi ko siya kayang alagaan. He’s a shareholder kaya hindi siya gaanong busy, di katulad ng mga owners talaga
     “Ma, bihis lang ako?” JD said as he tugged my skirt.
     “Sige.” I told him and he ran off.
     Pumunta na ako sa may kusina para tulungan si papa.
     “Kamusta naman si JD? Hindi ba niya natatanong yung tungkol kay… You know?” He asked habang nagpapakulo siya ng soup.
     “Yeah. Medyo tinatanong niya. Pero it doesn’t change the fact na hahayaan ko na lang siyang hanapin kami kaysa sa yung ako ang maghahanap sa kanya. Ano siya?! Sinuswerte?” I said harshly.
     My dad chuckled a bit.
     “Baka naman may dahilan siya kung bakit bigla na lang siyang nawala. Hindi naman lahat ng nawawala ay tinatakasan ang responsibilidad.” He said positively.
     “Pa! Bakit ba parang kamping-kampi kayo sa kanya? Samantalang Dad ko kayo. Kayo dapat yung galit na galit na–“ He cut me off.
     “Na ano? Na nabuntis ka niya ng maaga? Kristen, tandaan mo, pati kami ng mama mo, arranged marriage kami. Mahal namin ang isa’t isa pero maaga din kaming nagka-anak, at ikaw yun. And besides, hindi ka ba masaya na may anak ka?” He said in as-a-matter-of-fact tone.
     Oo nga pala. Mahal nila ang isa’t isa at nagka arranged marriage pa sila. Lucky! 18 years old si mama nung mabuntis siya sa akin. Kaya ang daming nagsasabi na ang bata naman ni Papa na maging lolo at the age of 45.
     “Alam mo pa, parang hindi ka naman tatay eh… Parang ok lang sayo na maaga akong nabuntis.” Malambing kong sinabi sa kanya.
     “Eh kasi naman! I just feel like he’s the one for you.” Pagdadahilan niya. The one for me! Tse! The one for me pero nawala na parang bula!
     “Pa, change topic please.” I just said. Ayokong pag-usapan yung tungkol sa kanya dahil nasasaktan lang ako para sa anak ko at sa sarili ko.
     “Fine. How’s your day? First time mong magturo sa Randall High, kaya kamusta naman?” He asked.
     “Ok naman. Kids there might look spoiled pero mababait naman sila. They’re actually really cute.” Mahilig ako sa mga bata eh. Mga bata na nasa teenage years nila!
     “Good. Edi mukhang you’ll have a good start there.” He assured me.
     Sa totoo lang, isang company shareholder si Papa kaya we can afford things without trying that much. Tapos ako naman nakapagtapos ako ng BS education major in MAPEH, minor in English. Although I was Summa Cum Laude nung college ako, yan lang ang pinaka forte ko na subjects.
     Believe me! Math was also a torture for me! Kaya nga bilib ako kay Ms. Jen eh.
     By the way! Sino nga ba ang papalit kay Ms. Talya?

Hot Sexy MamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon