Date?

2 1 0
                                    

Grabe sa bus. Ang daldal niya tsaka di siya nagpapaawat tapos parang sikat siya sa bus kasi halos lahat eh kilala niya. Mga thirty minutes ang byahe nang makarating kami sa beach nila.

"Wow! Madaming...ang ganda." Amaze ako. Kasi bago kami makarating sa beach eh dadaanan pa namin yung Provincial Capitol at yung Park kung saan nakalagay yung tangke na ginamit ng mga Hapon noong WWII. In-explain din niya kung bakit madami ding pumupunta dito. Sabi din niya next time pupunta kami sa rooftop ng kapitolyo nila kasi baka di daw na naman payagan kahit kilala siya ng guard. Anu daw? Kilala siya? Grabe andaming nakakakilala dito.

"Oh ayan! Nandito na tayo." Nakarating na kami sa beach. Dami ding couples dito.

"Alam mo ba. Nung highschool pa lang ako na sana may maisama ako na guy dito at sasabihin ko yung mga sinasabi ko ngayon. Ha-ha. Nakakatawa noh? *sigh*" sabi niya pero may napansin ako sa mata niya. Sadness. Why North? Bat may sadness? Akala ko kilala na kita.

"Ahh ganoon ba? Baka ako yung tinutukoy mo?" Pabiro ko sa kanya pero sinamaan niya ako ng tingin.

"Eto naman 'di mabiro." Sabi ko at ngumiti lang siya.

"Ang ganda ng sunset noh?" Sabi niya sa akin.

"Oo nga ang ganda!" Tinignan ko yung sunset tapos tinignan ko uli siya. Yung mga mata niya parang may spark pero sadness pa din ang nakikita ko.

"Oy, baka matunaw ako." Aba! Ang loko napansin ako.

"Ano? Uwi na tayo?" Aya ko.

"Tara na nga! Nagdadrama na naman tayo neto. Hahaha!" Sabi niya habang patayo na siya.

"May tanong ako sa'yo?" Fudge! Bat lumabas sa bibig ko toh. Nako bad move ako.

"Ano iyon?" Curious na tanong niya sa akin.

"Ano ang gusto mong gawin sa'yo ng manliligaw mo at ng magiging bf mo? Hoi! Tanong lang ito." Whoo. Dineretso ka na eh. Tanga kasi ang lolo niyo kung mag-isip. Nagtitigan kami ng ilang seconds at ngumiti lang siya.

"Kay Alyana mo itanong. Ayokong ako ang magsabi." Pa-humble pa itong babaeng ito. Kung pwede lang na iblack mail ko na ikikiss ko siya in front of the people eh kaso baka bugbugin ako at tumawag pa ng resbak. Mahirap na.

"Ah sige." Tipid kong sagot.

"Ui! Mauna na ako makikisabay na lang ako kina mommy kong umuwi para tipid na sa pamasahe. Bye bye!" Sabi niya sa akin.

"Ahh ingat ka." At tumakbo na siya na parang bata palayo sa akin.

After neto eh syempre umuwi na rin ako.

Isang week ang dumaan matapos iyon di ko na siya nakita kasi first term exam din namin. Fast forward tayo. 8 PM na pero nasa labas pa ako na nagliliwaliw at may napansin akong may gumegewang gewang na babae. Tinignan kong mabuti iyon.

O_o??

Si North?

My typeWhere stories live. Discover now