Unreturned Love (One Shot)

Start from the beginning
                                    

"Oo naman." Nakangiti kung sagot.

"Pero may pupuntahan pa tayo di ba Joey? Nagpapasama pa ako sayo." =___= Kahit kailan talaga itong si Lester diko malaman kung gusto ba niya akong maging masaya, alam naman niyang ito yung biggest dream ko ang makasama ang lalaking gusto ko..

"Ah ok lang naman sakin kung..."

"Hindi...." Di ko na siya pinatapos, nilingon ko si Lester. "Kaya mo na naman siguro na pumunta mag-isa don diba? Malaki kana best!" Sabi ko, ngumiti naman si Jeff at niyaya ko ng lumabas ng room.

"P-pero...." -Naisabunot ni Lester ang kamay sa buhok.

********************

"Ok lang ba talaga kay Lester na sumama ka sakin?" Tanung niya.

"Oo okay lang yun dun."

"Para kasing hindi ih." Sagot niya. Hinawakan ko ang kamay niya sa table, sa paraan manlang na ito maparamdam ko sa kanya na the feelings are mutual. Mukang nagulat pa siya ng hawakan ko ang kamay niya, kahit ako naman ih.. Eto na ba yung tinatawag na kuryente. Pareho kaming nakuryente ng magkadikit ang mga balat namin.

"Mabait si Lester maiintindihan niya." Tumango tango nalang siya. Kaming dalwa lang ang magkasama bakit ba hindi padin niya sabihin sakin kung anung totoong pakay niya at nagpasama siya sakin, if I know mahal din niya ako, dahil yun ang nakikita ko sa mga mata at binibitawang ngiti niya.

Huminga ako ng malalim.. Siguro nga nahihiya pa siya. Okay lang naman siguro kung ako na ang unang umamin di ba? Alam ko naman na hindi ako makakatanggap ng rejection mula sa kanya. Kasi mahal niya din ako, yun ang nakikita kung sinasabi ng mga mata niya.

"Ahmmm.. Jeff!" Tinawag ko siya.

"Yes?"

"Gusto kita!" Darecho kung sabi. Napangiti ako at lumuwag ang hininga ko ng bitawan ko ang mga salitang iyon. Nakita ko pang nabigla siya sa sinabi ko..

"What?" Ngumiti ako at pinisil ang kamay niya at saka hinaplos ang pisngi niya.

"Sabi ko gusto kita....and I want you to know that.....the feelings are mutual." Bigla siyang nasamid sa sinabi ko. Hindi siya makatingin sakin, bakas padin ang pagkagulat sa mukha niya, hindi niya siguro inaasahan na gusto ko din siya, well eto na ako na ang unang umamin.

"Joey kasi......"

"Mahal mo din naman ako di ba?" Tanung ko sa kanya.

"Hi Babe!" Bigla kaming napatingin dun sa sumigaw at lumapit kay Jeff. "Oh! Hi Joey.." Napakunot ang noo ko, si Sofia ang muse namin kaya kilala niya ako.

"Ahmm Joey! She's my girlfriend." Napailing iling ako at tumayo sa kinauupuan ko. "Im sorry!" Dagdag pa niya, nakaramdam ako ng biglang pagbigat ng dibdib ko. Uminit bigla ang dalwang gilid ng mata ko, sumasakit ang lalamunan ko.

Lumabas ako sa kinakainan namin ni Jeff at iniwan silang dalwa don, ni hindi ko manlang alam na sila na pala.. Naiiyak nako! Ang sakit sa pakiramdam.. Sobrang sakit!

Umasa ako na mahal niya din ako.

Umasa ako na pareho kami talaga ng nararamdaman.

Yun pala walang ibig sabihin sa kanya ang lahat.

Nanakbo nako hanggang sa nakita ko si Lester, nakatingin lang sakin ng darecho, iniiwas ko ang tingin ko sa kanya. Nahihiya ako! Iniwan ko siya at ipinagpalit sa taong wawasak lang wala ng puso ko.

"Kung hindi ka niya gusto.. Pwes ako mahal kita!" Naibalik ko ang tingin kay Lester. Nilapitan niya ako at hinawakan ang dalwang kamay ko. "Mahal kita higit ng pa sa kaibigan.. Mahal kita higit pa sa pagmamahal na meron ka sa kanya... Mahal kita at gagawin ko ang lahat makalimutan mo lang siya." Namuong muli ang mga luha ko, nabigla ako sa sinabi ni Lester. at mas bumigat ang nararamdaman ko.

"I'm sorry lester...pero hindi kita mahal." Dahil hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kung ibigay sa kanya! At ayokong umasa at mag-expect siya sa wala dahil kapatid kona ang turing ko sa kanya!

___________________________________________________________________________

TRIP TRIP lang! XD.. Wala na naman kasing magawa si AKO tapos masama pa loob ko, kasi yung blouse na nagustuhan ko sa Mall sabi ko babalikan ko, ayun binalikan ko. WALA NA! May nakabili na. Posha! =________= VOTE at Comment kayo! Wag niyong seryosohin dahil wala lang talaga akong magawa. Basahin niyo nga din pala iba ko pang stories. That's it!

Unreturned Love (One Shot)Where stories live. Discover now