20-End

1.2K 34 3
                                    

Nanatili siyang nasa loob ng sasakyan niya—sa garahe nila—nang katukin siya ng ate niya, kadarating lang din nito galing sa resto na pinanggalingan niya kanina. Nang makita siya nitong basang-basa at umiiyak ay mas lalo itong nag-worry at hindi siya tinantanan hangga’t hindi niya binubuksan ang pintuan ng kanyang sasakyan. Nang makalabas siya sa kanyang sasakyan ay inalam nito ang problema kaya sinabi na lang din niya ang lahat. Niyakap siya nito—wala nang pakialam kung mabasa na rin ito dahil sa kanya. She comforted her like a baby.

    “Sshh, you’ll really get over him, soon.” Anito sa kanya, na tinanguan niya ngunit lintik na mga mata dahil hindi ito tumgil sa pagpatak ng luha.

Tinulungan siya nitong makapasok sa loob ng bahay nila, ipinaghanda siya nang maligamgam na panligo. “Thanks ate, I can manage. Magpalit ka na rin ng damit dahil basa ka.” Aniya, bago siya pumasok sa banyo para tuluyang maligo.

    Iniyak na niya ang lahat nang sakit habang naliligo siya, at ipinangako sa sarili na pagkatapos niyang maligo ay hindi na muling iiyak dahil sa lalaking 'yon. Kung hindi man niya makalimutan ang lalaki, uunti-untiin niya 'yon hanggang sa tuluyan itong mabura sa buhay niya—na sana ay mapagtagumpayan niya.

    Nang matapos siyang maligo, magbihis at mag-ayos ng sarili ay lumabas siya ng banyo, nadatnan niya ang ate niya na nakaupo sa kama at hinihintay ang kanyang paglabas, nakabihis na rin ito noon—hindi pa rin naaalis ang pag-aalala sa mukha nito, kaya pinilit niyang ngumiti para mabawasan ang pag-aalala nito.

    “I’m okay now, ate, please don’t worry, I can handle everything now, hindi na ako ang weakling na si Sunny tulad nang dati.” Pagkukumpira niya.

    “I’m still worried, hindi mo ako masisisi.” Anito.

Hinawakan nito ang kanyang mga kamay. “Sa tingin ko tama ang sinabi mo last time, kailangan ko ng vacation leave para ma-refresh ang utak at puso ko, kaya naman tinatanggap ko na ang Ilocos Sur tour na binibigay n'yo ni Adam sa akin.”

    “Are you sure you’re okay? Sasamahan din kita sa Ilocos Sur tour mo—”

    “Sa ngayon siguro mas gusto kong mag-isa, gusto ko ding magkaroon ng ‘me time’, ate, okay lang ba? Promise, okay na ako pagkatapos nito.”

Saglit itong natahimik bago tumango sa huli. Napag-desisyunan niyang sa makalawa na ang Ilocos Sur tour niya, binigyan siya ng ate Summer niya ng isang linggong vacation leave at gagamitin niya 'yon para tuluyan nang makalimutan si Zeus. Kasya ba ang one week, Sunny? Tanong ng isang bahagi ng isipan niya. Kakayanin ko!

Ironic, Sunny ang pangalan niya pero pakiramdam niya nang mga sandaling 'yon ay siya si Nimbus cloud.

NAPAKA-MEANINGFUL at masaya ang buong linggong pananatili ni Sunny sa Vigan, Ilocos Sur para sa kanyang one week tour, na courtesy nina ate Summer niya at ni Adam. At first, medyo malungkot dahil mag-isa lang siya at naaalala pa niya ang sakit na dulot ng pag-ibig niya kay Zeus, ngunit pinanindigan din niya ang pagiging mag-isa at nakatulong 'yon para mapaunlad ang kanyang sarili at makalimutan kahit paunti-unti ang damdamin niya kay Zeus. Naniniwala siyang sooner or later ay makakalimutan din niya ito—dahil kailangan na talaga niya itong kalimutan!

Naikot at napuntahan niya ang sikat na mga tourist spots sa Ilocos Sur, nakakain sa mga exclusive resto doon at nakasay ng kalesa na sa pangarap lang niya noon ini-imagine. It was a superb vacation.

Masaya siya sa nalaman niya patungkol sa The Alchemists band dahil nakapag-record na daw ang mga ito ng first album under Moonlight records, and soon ay mag-a-out na ang first album sa lahat ng record store nationwide, naniniwala din siyang sooner or later ay mapapasama na rin sa top hits ang kanta ng mga ito hindi lang sa radyo kundi pati na rin sa mga music channel nationwide. Proud siya para kay Jordan at sa mga kabanda nito.

My Dearest Ex (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon