17

681 15 0
                                    

DAHAN-DAHANG nagmulat ng mga mata si Sunny nang may marinig siyang mahinang pag-ubo na sa palagay niya ay malapit lang sa kanya. At nagulat siya nang bumulaga sa kanya si Zeus na noon ay nakahiga sa bedside habang hawak nito ang isang kamay niya. Inuubo-ubo ito. Parang hindi na yata ito nakauwi kagabi dahil nang huling ipikit niya ang kanyang mga mata ay malakas pa rin ang ulan sa labas.

    Napatingin siya sa orasan sa bedside, alas sais y media na nang umaga at unti-unti na ring nagpapakita ang magandang sikat ng araw mula sa nakalihis na kurtina. Muli siyang napatingin sa kamay niyang hawak pa rin ni Zeus, kumabog ang puso niya ngunit agad din niyang sinaway dahil wala lang 'yon—nag-alala lang ito para sa kanya at walang malisya 'yon at tinanggap naman na niya ang pakikipagkaibigan nito, kaya friends na uli sila at hanggang doon na lang 'yon.

    Weh? 'Di nga? Eh, bakit may malakas na pa-beat ang heart mo? Kontra ng isipan niya. Nagulat lang ako! sagot naman niya. Pero sino’ng niloko niya? Malakas pa rin kasi talaga ang epekto nito sa kanya na dapat ay kaya niyang kontrolin dahil kung hindi ay baka mas lalo siyang masaktan ngayon.

Napabuntong-hininga siya at napatitig na lang sa maamo at guwapo nitong mukha. Nakita naman na niya itong natutulog no’ng “sila” pa, ngunit mas gumuwapo pa yata ito ngayon, at nalulungkot siya sa biglang kaisipan na napaka-suwerte ng babaeng seseryusuhin nito sa hinaharap dahil kahit medyo pasaway ito ay napaka-caring, thoughtful at sweet nito.

Ngali-ngaling haplusin niya ang mukha nito pero baka magising ito at kung ano pa ang isipin nito. Muli itong naubo kaya nag-alala siya agad, hindi kaya natamaan ito ng sakit dahil sa pagkakabasa nito kagabi dahil sa pagbili nito ng sanitary napkin at gamot niya? Naawa naman siya dito. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niyang hawak ng binata at bumaba mula sa kama. Kinumutan muna niya ito saglit bago nagtungo sa CR para mag-sepilyo at maglinis ng mukha pagkatapos ay lumabas siya ng kuwarto para magtungo sa kusina.

Thank God, dahil bumuti na ang pakiramdam niya, indeed, nakatulong ang presence ni Zeus sa agarang paggaling niya mula sa nakakalokang dsymenorrhea. At dahil doon ay ito naman ang sunod na may sakit, hindi rin niya maiwasang makonsensya kaya ipagluluto niya ito ng masustansyang sabaw at masarap na agahan.

Nang makarating siya sa kusina ay agad na siyang naghanda para sa lulutuin niya at habang nagluluto siya ay bumabalik ang lahat ng mga nakakatuwang nangyari sa kanila ni Zeus kagabi. Siguro nga talaga ay mas okay na lang silang maging magkaibigan kaysa lumagpas pa doon.

Tapos na siya sa paghahanda sa mesa ng mga niluto niyang agahan nang tumunog ang phone niya, kaya mabilis niyang tinakbo sa kuwarto, mabuti na lang at tulog mantika si Zeus at hindi nito narinig ang tawag mula sa kanyang ate. Pabulong niyang sinagot ang tawag saka tuluyang lumabas sa kuwarto.

“Bakit bumubulong ka d'yan? O masama pa rin ang pakiramdam mo?” nag-aalala pa rin ito sa kalagayan niya.

Kinabahan siya sa unang itinanong nito. Hindi nito maaaring malaman na kasama niya buong magdamag si Zeus sa bahay nila kung ayaw niyang mag-hysterical ito. Ingat na ingat na kasi ito sa puso niya.

“A-Ahm, kagigising ko lang kasi ate, kaya medyo mahina pa ang boses ko.” Palusot niya, na sa tingin naman niya ay nakalusot. “Okay na ang pakiramdam ko.” Salamat sa magaling kong tagapag-alaga kagabi.

    “Gano’n ba?” tila nakahinga ito nang maluwag. “Ako naman dito, ito, masaya kasama si Adam, pero iniisip pa rin kasi kitang mag-isa d'yan sa bahay.”

    “Good morning!”

    Mabilis na nanlaki ang mga mata ni Sunny nang marinig niyang bumati si Zeus—na nasa likuran na pala niya, hindi niya narinig ang mga yabag nitong papalapit sa kanya. Fresh na ito at nakapaghilamos na. Saglit siyang natigilan dahil first time nilang magkasama nang buong magdamag at unang magigisnan ang isa’t isa sa ganito kaaga. Mabilis siyang lihim na napailing, hindi niya dapat binibigyan ng meaning ang lahat ng 'yon sa kanila ni Zeus, ang sa kanila ay past na!

My Dearest Ex (Completed)Where stories live. Discover now