KABANATA 2

10 1 0
                                    

"Alam mo Shane, tigilan mo na yang pantasya mo kay Ivo Cruz. Eh napakasikat nung tao na yun, as if naman?" Ani Cristie, co-news writer ko. Sya ang nagtetrain sa akin. Una pa lang ay sinabi na nya ritong isa sa pangarap nya ang makita ng malapitan at makasalamuha si Ivo Cruz.

"Bakit naman hindi? Kahit..kahit kaibigan lang ganon."

"Hahaha! Asa! Kabisado ko na ang artistang yun. Walang ibang tinitingnan yun kundi scripts, lyrics, schedules, contracts..lahat work related. Never pa syang nakipagkaibigan sa mga nagtatrabaho rito at ni minsan hindi ko sya nakita nakipag usap man lang sa hindi nya staffs."

Nanlaki ang mga mata ni Shane. "Ibig mo bang sabihin.."

Lumapit pa si Cristie para bumulong. "Oo Shane, mas snob pa sya sa pinakasnob sa personal. Hmm tulad din sya ng ibang artista, akala mo lagi silang dudumihan ng dudumihan e tao lang din naman sila."

Si Ivo Cruz, snob sa personal? Tanong nya sa sarili.

"Kaya kung ako sayo, pakabusy na lang tayo rito sa newsroom teh, imposible yang pinapantasya mo."

Napaisip sya ng malalim. Tama kaya si Cristie, imposible nga ba ang kagustuhan nyang maging kaibigan man lang si Ivo?

Isang umaga.

"May ano? May breaking news ba?"

Naabutan ni Shane na rattled sa news room. Walang pumapansin sa kanya kaya naupo na lang sya sa pwesto nya.

Dala ang ilang papeles na gagamitin sa live news airing nang pumasok si Shane sa loob ng studio. Naibagsak nito ang hawak nang madatnan ang pamilyar na nilalang.

"I know I know.."ang sabi nito sa kausap na staff.

Bigla syang pinagtinginan ng mga tao dahil sa eksenang ginawa. Pati si Ivo ay saglit na napalingon ngunit agad ding bumalik sa kausap.

Mabilisan nyang pinulot ang mga papel sa sahig at lumabas ng studio.

"Cristie!!!! Bakit naman hindi mo sinabi sa aking nasa loob ng newsroom si Ivo!?"

"Hahaha! Hindi ako nagkamali, ganyang ganyan kita naiimagine kanina bago ka pa dumating. Saan ka ba kasi galing? Kanina pa sya rito."

"Ano?? Pero may inasikaso pa kasi ako kanina sa Studio 4 kaya ngayon lang ako. Napakarami kasing inuutos ni Sir Charles, so talaga bang kanina pa si Ivo sa loob?"

Tumango tango lang ito. "Atigurl, ang bibig mo isara mo utang na loob nakakairita. Hahaha!"

"Kainis naman to! Parang hindi mo naman alam! Malamang nashock ako, ayun sya o ang lapit lapit. My gosh!!!" Tili ni Shane kaya nagsenyas naman si Cristie na huwag syang maingay kaya naupo na lang ulit sya sa pwesto.

"Ayaw ng maingay non kaya manahimik ka dyan. At malapit na sayo nang lagay na yun yun? Paano pa kapag pinagpunas ka ng pawis nya?"

Nanlaki ang mata ng dalaga. "Si Ivo pupunasan ko ng pawis? Willing! super duper willing ako! Iuuwi ko pa yung tissue na may pawis nya kapag nangyari yun!"

Nagsusuntok si Shane sa hangin sa sobrang kilig sa mga naiisip nya. Tinatawanan lang naman sya ni Cristie na abala na rin sa sarili nyang table.

"Guest showbiz host sya ngayon sa News 8."

Nilingon nya ang kausap. "True ba teh?" Tumango tango lang sya bilang sagot. Nakupo kapag nga naman sinuswerte ang bato ni Darna oo! Sa loob loob nya.

Inayos ulit ni Shane ang mga papeles at lakas loob na bumalik sa studio. Hinanap ng kanyang mga mata si Ivo ngunit hindi nya ito kaagad nakita. Ngunit maya maya pa ay biglang dumaan sa gilid nya si Ivo, kasunod ang p.a. nito. Halos maestatwa ang dalaga nang huminto ito sa harap nya. Nananatili itong nakatalikod at naririnig nya itong kinakausap ang p.a.

My Ultimate AngelOnde histórias criam vida. Descubra agora