"Miss Fernandez, curtains," rinig kong sabi ng purser namin.


Tumalikod na 'ko at nakita ko si Hiro na lumabas ng cockpit para mag-restroom. Mariin ang tingin niya sa lalaking kausap ko kaya agad akong naglakad palapit para isara ang kurtina malapit sa restroom, ibig sabihin nasa loob ang piloto. 


"Who's that?" masungit na tanong ni Hiro sa 'kin.


"Mag-restroom ka na, Cap," bulong ko rin habang nakahawak pa ang isang kamay sa kurtina. 


"Who's that?" he asked again, ignoring what I just said. 


"Some random guy asking for my number." Sinagot ko na lang siya. 


He shook his head and sighed, getting annoyed. Ngumiti ako sa kanya para pagaanin ang loob niya pero nawala rin nang bigla niya 'kong binigyan ng marahang halik. 


Ngumisi siya at pumasok ng restroom. Napahawak naman ako sa labi ko sa gulat. Lumingon pa 'ko para tingnan kung may nakakita pero nakasara ang kurtina. I fake coughed before stepping out of the curtains to go back to my post. 


Nang matapos siyang mag-restroom ay binuksan ko na ulit ang kurtina, saka bumalik sa galley para mangolekta na ng pinagkainan ng mga pasahero. 


"Mommy, where's Daddy?" tanong ni Avi sa 'kin nang mapadaan ako sa gilid niya. 


"Daddy's busy," nakangiting sagot ko sa kanya. "We'll see you at the airport, okay?" 


It was a pleasant flight, lalo na at maikli lang naman mula Japan hanggang Manila. Pahapon na nang makarating kami at gaya ng sabi ko, hinintay nga kami ni Sam at Avi sa may airport dahil isasabay ko na si Avi sa 'kin pabalik sa headquarters ng FlyAsia. 


Sabay kaming naglalakad ni Hiro, hatak namin ang parehong maliit na maleta at naririnig ko pa ang tunog ng heels ko. Nagulat pa 'ko nang hawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami kaya impit na napasigaw si Kyla sa likod. 


"Mommy!" Bumaba kaagad si Avi mula sa pagkakaupo at tumakbo sa 'min ni Hiro nang makita kami. "Daddy!" 


Hiro bent down so he could carry Avrielle. Tumawa ang anak ko at yumakap sa leeg ni Hiro bago ako inabot para mahalikan sa pisngi. I kissed the top of her nose back and pinched her cheeks. 


"Thank you, Sam. Ako na rito kay Avi." Humalik ako sa pisngi ni Sam. 


"Okay, love you!" Kumaway siya sa 'kin at kinuha na ang gamit niya. "Bye Hiro! Bye baby Avi!" 


"Cap, Yanna, nandyan na ang service," singit ni Kyla sa likuran namin. 


Tumango kami at naglakad na ulit palabas pagkatapos magpaalam kay Samantha. Kay Hiro na sumama si Avi dahil hiwalay ang service namin sa service ng piloto. It was just a short ride from the airport to the headquarters. 


"Stay in my condo for a few days," Hiro begged me. 


Safe Skies, Archer (University Series #2)Where stories live. Discover now