28

4.9M 94.2K 210K
                                    


R18.


"I have your luggage and also your kit." 


Hindi ako makatingin kay Hiro nang makapasok na ulit siya ng hotel room, hila-hila ang maleta ko at dala ang kit ko na may lamang essentials like toothbrush and skincare. Nakita kong natatawa siya sa 'kin ngayon dahil nakaupo ako sa sofa, prim and proper. 


"You can shower first." He was trying hard not to smile. 


"Okay." Tumayo kaagad ako at hinatak ang maliit kong maleta, saka kinuha ang maliit na kit. 


I heard him laugh when I entered the large bathroom beside the bedroom. Nakahinga lang ako nang maluwag nang makapasok na sa loob. Nakakahiya, tapos nakakainis pa 'yong ngiti at tono ng boses ni Hiro! Halatang nang-aasar kahit hindi nagsasalita tungkol sa na-send ko. 


I relaxed myself in the bathtub before actually washing myself. Sinuot ko ang bagong robe na nakatupi sa maliit na cabinet at gamit ang isang twalya, pinatuyo ko ang buhok ko. When I went out, Hiro was seated on the couch, texting. 


Tumigil siya sa ginagawa sa phone nang makita akong kakalabas lang ng banyo. Tinalikuran ko siya at pumasok kaagad sa kwarto para kuhanin ang blower, saka lumabas ulit dahil baka magising si Avi sa ingay. 


Dere-deretso lang akong pumasok ulit sa banyo para roon mag-blower pero napatalon ako nang mabunggo si Hiro ng pintuan pagkabukas ko. 


"Ouch." Hiro laughed and held his arm. 


He was already taking off his long sleeves when I entered the bathroom. Napaiwas ako ng tingin at pumunta sa may tapat ng salamin para isaksak ang blower doon. 


"Pwede ba 'ko mag-blower muna rito?" paalam ko sa kanya habang nakatalikod at nakatingin sa salamin. 


"Yeah, but I'll take a shower." Hiro shrugged. 


Mayroon namang sliding door para sa shower kaya hindi ko na lang pinansin. Binuksan ko ang blower at nagpatuyo na ng buhok habang nakatingin sa salamin. Na-distract lang ako nang hubarin ni Hiro ang long sleeves niya at nilagay sa gilid. Napaiwas ako lalo ng tingin nang makitang hinuhubad niya na rin ang pantalon. 


"Can you just do that inside the shower?" nahihirapang sabi ko.


"What?" His brows furrowed and stopped unbuckling his belt. "Oh..." Tumango rin siya nang ma-realize. 


Pumasok na siya sa shower sa wakas. Narinig ko na ang tunog ng tubig na nilalabanan ang tunog ng blower ko. Tahimik lang ako habang nagpapatuyo, napapaisip sa na-text ko. Nang matapos ay sinuklay ko na ang mahaba kong buhok. 


"Yanna? Towel, please?" Hiro asked inside the shower.


Kumuha ako ng panibagong towel at inabot sa kanya sa shower habang nakaiwas ng tingin. Narinig ko ang tawa niya nang bumalik na 'ko sa sink para mag-toothbrush. Hindi ko na pinansin si Hiro na kakalabas lang ng shower at nakabalot ang twalya sa baywang, basa pa ang buhok. 

Safe Skies, Archer (University Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon