Chapter 64 On the Way

Start from the beginning
                                    

Magakasama kami ni Vice ngayon at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Namimiss ko rin yung mga dating moments namin ni Vice. Eh sakin lang naman to madaldal. Tulad ngayon may chi ni chismis sakin.

"Alam mo kasi yang si Ghe super addick sa kape.." napangiti ako run.

"Alam ko.." sagot ko sa kanya. Magkahawak kamay kami. Ewan ko ba kung nasang parte na kami ng batangas. Di naman kasi ako masyadong na layo sa Lobo. "Love.. saan nanaman ba tayo pupunta ha?"

"Hmmm ewan bahala na, gusto lang naman kitang masolo" nakibit balikat sya. Okay lang naman, maganda naman yung mga tanawin. This is what I love about batangas, naka preserve ang kagubatan kaya very refreshing. Lumipas pa ang ilang sandali tumigil yung kotse nya. Napatingin ako sa kanya. I saw his hand arching to his nape and scratch eh sabay kunot noo at pout. Ang cute nya lang.

"Teka what's wrong?" Tanong ko sa kanya. Tumingin sya sa akin.

"Naubusan tayo ng gas" tapos nag palingon lingon sya sa paligid. Nasa gitna kasi kami ng isang mahabang taniman ng palay. At mukhang walang gasoline station dito. Lumabas sya, ganoon din ako. May nakita kami na lalaking mukhang magsasaka na may balagwit na pingga.

"Manong.." tawag ni Vice. Napalingon sa amin yung lalaki.

"Kuya.. hindi Manong" bulyaw sa amin nung lalaki. Nagkatinginan kami ni Vice. "Biro laang. Ay bakit ga?"

"Ahh kuya saan po may malapit  na gasoline station dito?" Tanong ni Vice. Kumunot ang noo nung lalaki.

"Ano kamo?! Ay inakupo.. ay dalawang bayan pa bago mag gasolinahan.. eh.. ay iyo ga aring kotseng ari?" Turo nya sa Audi R8 na katabi namin.

"Ay opo" sagot ni Vice,, na kahawak kamay ko.

"Nako.. otoy.. ineng.. ay kayo'y sumama muna sa akin.. itulak na laang natin sa tabi ang inyong kotse ay hapon na tayo'y gagabihin sa daan kapag kayo'y pumunta pa sa Taysan.." sabi nung lalaki. Ganito talaga yung mga batangeño very hospitable. Pinagtulungan nila ni Vice na itulak ang kotse. Pagkatapos.

"Otoy..Ineng kayo'y sumama sa akin at kayo'y lalamukin diyan" sumunod kami sa matanda. Siguro mag 55 na sya, halatang batak sa trabaho.

"Ako nga pala si Ignacio.. Igi ang tawag nila sa akin dito.. parini kayo at kayo'y sumunod sa akin" nakasunod lang kami ni Vice. Isinuot ni Vice ang coat nya sa akin. Napangiti ako dun. "Ay taga saan ga kayo?"

"Taga maynila po" sagot ni Vice.

"Ay.. ano mag asawa kayo?" Tanong nung lalaki.

"Malapit na po"  sagot ni Vice. Sabay tingin sa akin. Nginitian ko kang sya.

"Ay sa.. baysanan nayan" sabi nung lalaki. Baysanan yung term ng mag batangeño sa kapag may ikakasal. Naka attend ako isang beses at tradisyon sya dito. May nadaanan kaming mga lalaki na nag iinum. Mga apat sila. Kwatro cantos ang ininum nila.

"Ay Igi. Daan muna dini at makabarik" sabi nung isang may katabaang lalaki.

"Ala ako'y may bisita.." sagot ni kuya Igi.

"Ikaw ga'y papar-on sa baysanan?" Tanong nung isang lalaki na medyo payat.

"Abay Oo naman kabatak eh.." sagot ni Kuya Igi.

"Sa ikaw ay tumagay dini" pang aalok pa nila.

"Mamaya na pagbalik" (ganyan sa batangas, kapag ayaw bumarik ang sasabihin mamaya na pagbalik.. pero ang totoo hindi na sila babalik.. hahaha gawain ko yan)

Tapos nag patuloy kami sa paglalakad. Pagkarating namin sa isang simple at payak na  bahay. Sawali ang ding ding at may balkon (Teriece po yan kaya lang kawayan ang upuan) napangiti ako. Napaka ganda talaga ng probinsya na ito.

My Conceited Prince || ViceRylleWhere stories live. Discover now