Prologue - When We Were Young

ابدأ من البداية
                                    

'And he loves his baby sister, too.' Naisaloob ng ginang habang hinihimas ang maumbok niyang tiyan.

"Let's go, hon. Babalikan ko na lang siya mamayang lunch."

Nakangiting nilingon ng ginang ang kanyang esposo at tumango.

"I guess, we don't need to worry about our son. Look, he's already making friends." Nakangiting pagpapatuloy ni Mr. Montejo habang nakasilip din sa bintana.

"He grows so fast." Anang ginang at binigyan ng huling sulyap ang anak bago lisanin, kasama ng kanyang asawa, ang paaralan.

Samantala, sa loob ng silid ay may isang bata ang namumukod-tangi na patuloy sa pagbati at pagpapakilala sa kanyang mga kaklase.

At ang pinakahuli niyang nilapitan ay ang batang nakabukod ng upuan sa bandang likod.

"Hi! I'm Wutien E. Montejo. I'm fouw yeawt old. What youw name?" Nakangiti niyang tanong sa kaklase.

"Wutien?" Ang balik-tanong sa kanya ng bata.

"Hindi. Wu-tien." Ang pagpapantig na ulit naman niya sa kanyang pangalan.

"Wutien nga." Kunot ang noong ulit din ng bata.

Lumabi siya at bumalik sa kanyang upuan saka binuksan ang kanyang bag. Kumuha siya ng notebook at lapis saka iyon binitbit pabalik sa mesa ng kanyang kaklase.

"Ganito, oh." Aniya saka isinulat ang sariling pangalan at ipinakita sa kaklase.

"Ah, Rucien! Bulol ka?" Tila nagtatakang tanong ng bata na ikinasimangot ni Rucien.

"Bulol." Tumatawa namang singit ng isa pa nilang kaklaseng lalaki. "Saka bakit four ka pa lang, kami magsi-six na?" Dagdag na tanong pa nito.

"Kasi salingkit bulilit lang siya." Ang sagot naman ng katabi nito at sabay silang nagtawanan.

Lalong napasimangot ang batang si Rucien ngunit agad din iyong napalitan ng pagmamalaki.

"Tabi ni Mama, 'pag big boy na 'ko, maayot na 'kong magtalita."

"Haha! Magtalita. Bulol!"

"Buyoy! Buyoy! Buyoy!" Dagdag pa ng isa habang nasa magkabilang pisngi ang mga hinlalaki na tila nang-aasar.

"'Wag niyo siyang awayin!" Pagtatanggol ng batang katabi ni Rucien.

"Bakit nakikialam ka, tabachoy?" Ang tanong ng isang bata na mas maliit at payat kaysa sa kasama niya.

"Hindi tabachoy ang pangalan ko!" Nakaikom ang mga kamaong sigaw ng bata.

"Alright, kids. Good morning!" Bati ng guro na kapapasok lang sa silid.

"Good morning, ma'am!" Sabay-sabay na sambit ng mga bata, habang nagmamadaling bumalik sa kanya-kanya nilang upuan, kasama na si Rucien na may pinakamalakas at matinis na boses.

At dala ng kabataan ay agad din silang nakalimot sa kanilang naudlot na pagtatalo.

Inayos ng guro ang pagkakasunod-sunod ng upuan at dahil doon ay naging magkatabi sa upuan sina Rucien at ang batang nagtanggol sa kanya.

"Primitivo Monte Luca, sit next to Rucien, hijo." Ani Mrs. Molacruz.

Tahimik na sumunod ang bata at naupo sa bandang kanan ni Rucien.

"'Yon pala ang name mo? Ang haba naman." Tanong ni Rucien.

Hindi kumibo si Primitivo at nanatili lang na tahimik na nakaupo.

Bago dumating ang pananghalian ay nasa labas na ang mga magulang ng mga bata at naghihintay sa paglabas ng kanilang mga anak.

"Alright, class, iyong itinuro ko sa inyo kung paano lumabas nang maayos, ha? Okay, dismiss." Anang guro.

The Desperados I : Primo "Always You"حيث تعيش القصص. اكتشف الآن