What was under this arched tree started to glow.

I stared at it in awe and almost blurted some words buti na lang ay napigilan ko ang sarili ko by covering my mouth using my hands.

But the most unexpected thing happened.

My alarm rang.

That startled not only me, but also the two of them.

Sabay silang dalawa na tumingala sa pwesto ko, and there they saw me. At bakas sa mga mukha nila ang gulat nang makita nila ako.

I smiled at them, "He-he, Hi?"

Kahit nanginginig sa kaba dahil nahuli nila akong nakita ang mga kakaiba nilang mga pinagga-gagawa ay dahan-dahan pa rin akong tumayo sa pwesto ko upang bumaba pero dahil nga medyo unstable ang panginginig ko at medyo umaalog ang puno dahil sa kakaibang ginawa ni Aerie ay na-out of balance ako.

May kataasan ang puno kung saan ako na-out of balance. At dahil fantasy genre to ay slow-mo ang pagkaka-hulog ko at syempre hindi mawawa ang flashback ng buhay mo kapag feeling mo ay mamamatay ka na. Sobrang kaba ang nararamdaman ko at maging ang tibok ng puso ko ang tila pinupukpok ng martilyo sa sobrang pag-kabog.

Pero bago pa man ako bumagsak sa lupa ay nakaramdam ako ng isang malamig na hangin sa humahaplos sa likod ko. Kanina ko pa dapat naramdaman ang sakit ng pag-bagsak. Nabagok na dapat ang ulo ko o kaya ay bali bali na ang mga buto ko pero wala akong ibang maramdaman kung hindi ang hangin sa likod ko.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko si Aerie na nakadilat ang mga mata na nakatingin sa akin, pero ang kakaiba dito ay may makikita kang liwanag na kulay green sa iris ng kaniyang mga mata.

Lumingon ako at nakita kong naka-lutang ako at medyo visible ang hangin sa likod ko.

"Eis..." tawag sa akin ni Rexter.

Naramdaman ko namang dahan-dahan akong lumapag sa lupa mula sa paglutang.

Nang mahawakan ko na ang lupa ay akmang tutulungan akong tumayo ni Rexter ngunit isang malakas na hangin ang tila humigop sa akin papunta sa liwanag na nanggagaling sa arch ng puno.

Nahawakan pa ni Rexter ang kamay ko at pilit akong hinila papalayo sa liwanag, ngunit hindi siya makahakbang at ang tanging nagawa niya na lang ay tumayo at hawakan ako upang hindi mahigop.

"Aerie! Ang portal!" hirap niyang sigaw kay Aerie na tila hindi alam ang gagawin.

"Ayaw magsara!"

Isang malakas na bugso ay sama-sama kaming hinigop ng hangin patungo sa liwanag.

Sa sobrang kaba at panic ko dahil sa hindi alam ang gagawin at ang mga nangyayari ay nan-dilim ang paningin ko. Ang tanging nararamdaman ko na lang ay tila hinihigop at nahuhulog ako. Hanggang sa tuluyang hindi ko na alam ang nangyayari pa sa paligid ko at nawalan ng malay.

'''

I woke up panting. My mind is still fuzzy, pero pinilit kong maging composed. Tumingin ako sa paligid, everything seemed familiar, yet it isn't. Tila pa pinaglalaruan ako ng mga mata at ng utak ko. I feel like I've already saw this familiar place, yet parang kamukha lang. Pero hindi naman ito katulad ng mga lugar na napuntahan ko na. It's a bit hard to explain, pero ang tanging word na makakapag-explain is Déjà vu. Ang familiar lang, but I've never been in a place like this.

Looking around, the walls are all painted white and also some things that are visible are white. Even my soft bed is.

'Baka nahihilo pa rin yata ako sa pagkahulog ko sa puno.' I thought.

Pero, wait. Nahulog nga ba talaga ako sa puno? Did I really saw those things? Hindi nga ba normal na tao sila Aerie at Rexter? O nanaginip lang ako sa panaginip ko at yung alarm ko yung nag-cause ng pagkahulog ko?

"Eis?" napatingin ako sa right side ko sa pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko, si Rexter nga.

"Rexter?" tanong ko.

Mas lalo akong naguguluhan. Parang mag gusto ko paniwalaan at i-absorb na lang yung thoughts ko kanina. Kasi if ever totoo man yung mga pangyayaring iyon ay mas lalo akong maguguluhan.

What I saw was beyond explanation!

Magic? Nagbibiro ka ba? Ano ka, bata? To believe such things?

Pero hindi e. I saw it as clear as the sun.

I was deep in thoughts nang muling tawagin ni Rexter ang pangalan ko.

"Eis." He was already sitting beside me.

"Nasa school tayo diba?" I asked. "Pero hindi naman ganito itsura ng infirmary natin."

"Eis, let me explain."

'Paano ba 'to?' I heard him whisper.

Ba't parang mas siya pa ang nagugulan instead me.

"Where are we?"

Nagulat siya ng bigla akong magtanong. "First things first," aniya.

"We're different."

"I mean, ako at si Aerie. And we're thinking, this is just our speculation ha?" he said. "Na baka ikaw din."

I tried to feel shocked. Pero parang ang dali kong na-absorb ang mga sinabi niya. My thoughts earlier tungkol sa hindi ko maa-absorb kung totoo yung mga nakita ko was erased completely.

And those words, 'We're different' have a different effect on me. Na para bang accepted ko na hindi ako normal, na alam kong iba ako. Which is I know na totoo naman based on my parents' story.

Tango na lang ang nai-sagot ko sa kaniya.

He was about to speak again ng biglang pumasok si Aerie.

"I already talked to the Headmaster," Bungad niya.

Hindi ko mabasa sa mukha niya kung bad news ba ang hatid niya or a good one.

But then, she smiled and looked at me,"Welcome to Archia, Eis!"

Dali-dali siyang lumapit sa akin at niyakap ako, "I knew it! The moment palang na nakita ka namin school niyo! Alam kong you're one of us!"

"Anong ikaw!?" pag-kontra naman ni Rexter. "Ako ang nagturo sa kaniya remember?"

After niyang sabihin iyon ay nagbangayan nanaman sila, just like how they do noong nasa school kami. The normal habit they do kapag magkakasama kami.

And what's more is parang nakalimutan na nila na nandito pa rin ako, marami pa silang kailangan i-explain sa akin at sobrang wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari.

I tried to get their attention, but to no avail tila nakalimutan na talaga nila ako.

"Matutulog na lang muna ulit ako." Mahina kong sabi at humiga na ulit.

With them around, I feel safe. Maybe maliliwanagan na ako tungkol sa mga nangyayari mamaya, or bukas, or kung kalian man ako magising. Pero for now. Magpapahinga na lang muna ako.

Archaic World (Revising)Where stories live. Discover now