Compiled Stories 19

Start from the beginning
                                    

Maraming salamat sa pagbabasa. Magandang hapon ulit. Breaktime muna, kain tayo. Malalaman natin kung may makikita ulit ako mamaya sa 5th floor, na huwag naman na sana.

TheHouseKeeper

Class Card

Let's try another creepy incident during our night class. Bago pa man po mag-start ang semester, madami na kaming tumutol sa night class, kasi that is too bothersome lalo na sa aming umuuwi ng bahay. Pero walang magagawa kasi nasa public school kami at hindi namin hawak ang institution. Last time I sent a story about 'Room 203'. That was my first encounter of strange event, hopefully the last. Kasi talagang napaka-nerve-wracking ng pangyayaring yon. Gusto ko syang ikwento kasi napaka-memorable ng semester na yun. Like, lahat ng nakakapagod na gawain ay naranasan namin, may mga activities at performances din na ginawa namin during sembreak tapos idagdag pa yung nakakapagod na night class. This story happened sa ibang section. Same course ko pero ibang section. So nagna-night class din sila like us. Pano ko nalaman yung story? Kasi chismosa ako. Hahahaha actually yung buong section namin syempre iisa naman yung course namin kaya ka-close namin sila. So eto na, 7th of October 2019 Monday, may night class kaming lahat nun.  Gumamit ang ibang section ng ibang classroom from other department building (may film viewing sila nun kaya ginamit nila yung room, maganda ang seats doon pag manunuod). Nauna yung pangyayari na ito bago pa yung encounter ko. Ginamit nila ang Criminology Building. Sa aming campus, yung building na yun ang may pinakamalalawak ang rooms, kasi may mga laboratory sila, forensic labs, dark room ganun. Tapos may mga display pa ng baril. Sabi nila around 7pm naganap yung spooky thing na yun. That time ay nasa ibang building kami, pero nalaman namin na may kakaibang naganap kasi nga nagtakbuhan sila. So eto naaaa. Habang nagkaklase yung prof sa History, at the middle of discussion nag-check sya ng attendance. Ganun yung way of checking nya para daw walang umalis during discussion (yung iba kasi sinusulit yung moment para makatakas sa teacher, kesyo uwing-uwi na daw sila). So yun check lang si prof ng check ng attendance. Nasa part na ng letter 'S' sa surname. That's Santos, Servado, Soriano and Silang. So the prof got confused, kasi bakit daw nauna si Soriano kesa kay Silang. Tumahimik bigla yung klase. As in yung buong paligid ay tahimik. Nagkatinginan yung buong klase, takang-taka ang lahat. So to prove herself, iniangat nung prof ang class card ni Silang. A student take a look at that card to make sure na may Silang nga. Nung una, walang naganap na kaba. Pero nung namatay yung ilaw, biglang nagsigawan ang buong klase (madami kasing babae sa section na yun kaya mas madaming pressure, diba girls? nauuna ang kaba natin kapag ganun). Ako personally, narinig ko yun from another building, No! Buong section namin actually narinig yun kaya napatigil din si Sir sa pagtuturo nun. Nabuhay din naman daw ang ilaw. Then pinuntahan na nung asawa nung prof yung room na yun (mag-asawa po silang instructor), then he said. "Meron na naman?" Medyo sarcastic yung mukha nung asawa nya na prof din habang sinasabi yun. Gustuhin mang ipaliwanag ng prof yung dahilan, mas pinili nilang i-dismiss ng maaga ang buong klase para makaiwas sa mas malalang situation. Then pinauwi na nga silang lahat. Nagtatakbuhan sila nung pauwi kasi mga takot. Kitang-kita namin yun, akala namin talaga ay masaya sila nung narinig namin yung sigawan at hiyawan, tapos maaga pa silang pinauwi. Pero nung nakita namin na mukhang takot silang lahat kahit mga lalaki, dun na kami nagsimulang magtaka.

Kinaumagahan, kinuwento ng prof yung dahilan kung bakit nasabi ng asawa nya yung "Meron na naman?" Kasi it happened also a year ago. Umaga naganap yun, then a class card from Mr. Silang was called. Sabi nung prof, he was a previous student from that school who graduated as Tourism Student and died 3 days after graduation. Nag-enroll sya as Criminology Student pero he did not make it to the retention (mababa grades nya) kaya nag-Tourism sya. Every year nangyayari yun, kahit saang department nag-a-appear yung class card nya basta gagamitin yung room na yun for discussion. Napaka-rare gamitin yung room na yun kasi more on equipment nga ang nandun, tapos ang table ay dalawang mahaba lang na may tig 25 stools. Maganda yung ambiance for night class kaya nagamit yung room. Medyo nakakatakot nung kinuwento yun samin, how much more sa naka-experience? Kahit ako na hindi naniniwala ay nako-convince na sa ganyang bagay. Walang magawa yung school about that, hinahayaan na lang nila kasi naniniwala din silang gusto nung old student na yun na makatapos with that course. This is year 2020, and this year pang-apat na taon na nyang nagpaparamdam through class cards. Will he graduate or patuloy syang magha-haunt sa mga students?

Scary Stories 5Where stories live. Discover now