CHAPTER 40: Pain and Tears

Magsimula sa umpisa
                                    

Naglalakad na kami sa loob ng subdivision namin, tahimik lang kami. Habang siya nakatungong umiiyak.. Naririnig ko ang bawat hikbing pinapakawalan niya.. Tumigil ako paglalakad at hinila ko yung kamay niya para mayakap ko siya.

“Alexis, wag ka ng umiyak.” – sabi ko.

Tumungo siya sa dibdib ko at niyakap din ako.

“Alam kong mali na hindi ko pakinggan ang explanations niya.. pero sobrang sakit kasi Tj, masakit isipin na yung taong mahal na mahal mo pinaghihinalaan ka sa bagay na hindi mo naman ginawa.” – umiiyak parin siya habang sinasabi yan.

“Alex..” – hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin, pero kailangan kong makausap ang pinsan ko.

“Tj, ilayo mo ko dito. Kahit ngayon lang.” – sabi niya.

Inilayo ko siya sakin at tinignan sa mata, kitang kita ko na nasasaktan siya..

-------    

Bumalik muna kami sa bahay para kunin yung kotse ko. Nagdrive lang ako hanggang sa makarating na pala kami sa Laguna. Hawak hawak ni Alex yung camera ko at panay ang kuha niya ng pictures sakin.

“Tj! Smile naman!” – natatawang sabi niya.

“Alexis tama na.” – natatawang sagot ko.

“Last na! Yieee titingin na yan!” – pang aasar niya.

Tumingin ako sandali sakanya at  agad din binalik ang tingin ko sa pagmamaneho. Masaya na akong makita siyang masaya. Masaya na kong makita yung maganda niyang ngiti.

“Wooo.. Tj tignan mo! May nagbabasaan!” – sigaw niya.

Napalingon ako sa tinuturo niya. Itinigil ko yung sasakyan ko. May mga taong nagbabasaan gamit ang kani-kanilang timba, may truck pa ng bumbero at masayang binabasa yung mga tao.

“Tj!! Baba tayo!!” – masayang sabi niya.

“Alexis baka  basain tayo!” – sabi  ko.

“Sige na!” – pagpipilit niya.

“Wala tayong extrang damit!” – sabi ko.

“Bahala ka jan!” – agad bumaba si Alexis at tumakbo palapit sa nagbabasaan, suot niya parin yung T-shirt na regalo niya sakin.

Bumaba na rin ako  para sundan siya, pagkababa ko palang may mga nambasa na sakin.

“Woooooo!! May dayo dito!!” – sigaw nung isang bumasa sakin.

Numb is inTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon