Kung totoong miss na niya ako sana talaga makapunta na ako dahil sobra pa sa sobra ang pagka miss ko sa babaeng aking mahal.

"Kasi no..
Naputol ang sasabihin niya ng may kumausap sa kaniya

Narinig ko ang boses ng aking mahal

Hindi ko maexplain yung saya na marinig muli ang boses niya and ngayon parang medyo okay na siya...

Namiss ko lalo siya ng marinig ko ang tawa niya habang kausap si Tita La

Mabuti naman at kahit papaano ay nakakatawa na siya.

Paano ko ba nagawang alisin ang magandang tawa na iyon na meron siya,paano ko ba nakuhang saktan ang isang anghel na kagaya niya.

Bumalik ako sa wisyo ng magsalita na muli si Tita La sa kabilang linya

"Erico nandyan ka pa ba"
Pasigaw niyang tanong

Grabe naman yung sigaw nadaig pa ang tili ni Love..

"Opo Tita La,galit at nakasigaw"
Pagbibiro ko pa

Sabay pa kaming napatawa sa sinabi ko

Bakit ba trip din naming tumawa minsan e lols

"Kala ko kung napano kana narinig mo lang boses ni Angelina e"
Pandadaot pa niya

Saya diba yung mga kaibigan mo daot na nga nadagdagan pa ng tiyahin na mas matindi pag nandaot..

"Tita naman ano daot pa"

"Ikaw naman kasi Erico pinapasaya lang kita kahit alam ko na siya lang magpapasaya sayo,bakit ba hindi ka pumunta dito next week ipagpaliban mo muna ang show kakausapin ko si Max na papuntahin ka dito at hindi pwedeng hindi ka pupunta dahil magluluto ako kasama si Angelina"
Mahaba niyang sermon oh diba dinaig ang ina ko mga tsong

Kung sa bagay si Tita La din naman kasi ang isa sa kinalakihan kong ina noong nawala si Mommy.

But wait totoo bang si Angelina ang magluluto? I mean isa sa magluluto?

Uhmm yung mga putaheng aking mahal na mahal pag siya ang nagluluto mukhang nangangayayat na nga ako dahil sa puro alak nalang ang laman ng tiyan ko

Tiyan na nangungulila sa luto ni Love..

Drama mo selp!

"Sige po Tita La titingnan ko kung makakapunta ako diyan"
I end the call and lumabas na ng DR

On my way to have lunch nakasalubong ko si Morrie pero hindi ko siya pinansin kahit pa tinatawag niya ako

Hindi na ngayon,hindi na ngayon mahuhulog pa sa patibong ng maamo mong mukha

Maamong mukha na binigyan ko ng tiwala dahil sa kaisipang magiging mabuti siyang kaibigan sa amin ni Angelina

Pero hindi ko naman naisip na siya pala ang magiging hadlang sa pag iibigan namin

Tama nga si Nathan,iba siya at mas malala kumpara sa mga kilos niyang pinapakita

Angelina's POV

Nakatulugan ko na ang paghihintay kay Mommy,dapat kasi ngayon ang alis namin para sa check up kaso umalis naman siya at mydadaanan daw.

Mga ilang oras ang lumipas medyo madilim na din ay nagising ako ng dahil sa mydumamba sa tabi ko and nagulat pa ako dahil si

Yang!

Akala ko kasi next month pa ang punta niya dito para sa aming plano na mamasyal bago ako bumalik ng pinas.

PERPETUITY Where stories live. Discover now