Hinatid niya ko sa kwarto ko, pagkatapos ay pumunta na rin siya sa kwarto niya. Papikit na sana ako nang tumunog ang phone ko.

From: Eli

Good night.

Napa-ngiti ako ng malapad.

To:Eli

Good night sir -- este love!

Maya-maya lang, tumunog ulit ang phone ko.

From: Eli

Sige, panindigan mo 'yan.

Nanlaki ang mata ko.

Hala!

____

Kinabukasan, maaga akong nagising. Agad akong dumeretso sa kusina. Umaasa ako na makikita ko si ate Bianca. Gusto ko siyang kausapin.

Nang makarating ako sa kusina, naabutan ko doon si ate Bianca. Sakto namang kaming dalawa pa lang ang gising.

"Ate Bianca.." Tawag ko sakanya pero hindi niya ko nilingon.

"Gusto sana kitang kausapin."

Nilingon niya ko.

"Tungkol sa kumakalat na rumor namin nila baby Eldrich."

"Ano namang gusto mong pagusapan natin tungkol don?"

Lumunok muna ako bago magsalita. "Eh kasi pumunta ako sa opisina ng tito ng kaibigan ko, at katrabaho niya lang pala yung pinadalhan ng article nung nagpakalat ng rumor."

Napatigil siya sa pag-huhugas.

"Ate, p-paano mo nagawa 'yun?" Tanong ko.

"Anong pinagsasabi mo?"

"Address mo 'yung binigay nila, ate Bianca." Sagot ko. Binaba niya 'yung hawak niyang pinggan at nagpunas ng kamay.

"Baka nagkamali lang sila." Tipid na sambit niya at saka lumalikod at naglakad palayo. Sinundan ko siya.

"Ate Bianca, please. Bawiin mo 'yung sinabi mo, alam nating hindi totoo 'yun. Mapapahamak si sir Eli." Pakiusap ko. Hindi niya pa rin ako nilingon, umakyat siya sa hagdan, sinundan ko pa rin siya.

"Ate Bianca, please? Pangako, hindi ko 'to ipagsasabi kahit kanino." Patuloy kong sambit. Hinawakan ko siya sa braso pero hindi niya pa rin ako pinapansin.

"Pleas---"

Napatigil ako nang malakas na hinawi niya ang kamay ko na akmang hahawak pa lang sa braso niya. Nawalan ako ng balance. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari.





Bianca's POV

Nanginginig ang kamay ko habang nakaupo sa labas ng silid kung nasaan si Pen.

"Pen!" Tawag ng isang ale habang papalapit sa direksyon ko. May kasama siyang babaeng naka-wheel chair. Nanlaki ang mata ko. Kapareho siya ng kapatid ko, may down syndrome din. May kakaiba akong naramdaman.

"D-Dito po ang silid ni P-Pen." Nanginginig na sambit ko. Agad silang pumasok rito.

Napa-yuko ako, humigpit ang hawak ko sa upuan. Nakokonsensya ako.

Maya-maya, lumabas ang ale, na sa tingin ko ay nanay ni Pen.

"A-Anong nangyari sakanya?" Tanong niya habang umiiyak pa rin.

"Hindi ko ho alam. Ako lang ang nagdala sakanya dito. Katrabaho niya ko sa mansion." Paliwanag ko. Ngunit sa loob loob ko, minumura ko na ang sarili ko.

Ano ba naman 'to, Bianca. Nagsinungaling ka nanaman. Akala ko ba nakokonsensya ka?

Naiinis ako. Naaawa man ako kay Pen, kailangan kong isipin si Bea, pag nalaman 'to nila ma'am Ana, malamang tatanggalan nila ang ng trabaho. Hindi ko pinilit na magtagal sa mansion na 'yun para lang matanggalan ako ng trabaho. Hindi 'yun pwede. Kailangan namin ng kapatid kong si Bea ang trabaho na 'to.

Sa ngayon, hinihintay ko nalang ang pagdating ni Elias. Ito ang pinakainaabangan ko. Hindi na ko makapaghintay na makita ang mukha niya.

________________________________________________________
a/n: ano nga kaya ang motibo ni Bianca sa mga ginawa niya? Lol, malalaman niyo sa susunod na chapter! Don't forget to vote and comment!🌷

Serendipity [ Eli and Pen ]Where stories live. Discover now