18

3.5K 57 0
                                    

Wala pang isang oras ay nandito na rin si Charlie na hingal na hingal mukhang nagmadali talaga sya ng sabihin kong kailangan ko sya. Inayos ko na ang gamit ko ay lumabas ng cafè.


"Akala ko naman kung napano ka na."


"I just need you. Tara sa hospital" sabi ko at kinuha ang helmet sakanya kahit hindi nya ibinibigay saakin. Sumakay na ako sa motor at kahit naguguluhan sya ay sinunod nya parin ako.


"Ano bang nangyayari? Calliy? Pwede bang iexplain mo?"


"Later." Tipid kong sagot. Pag nasigurado ko talaga kung sino tong dalawang to, hindi ako magkakamaling saktan sila. Sila ang dahilan kung bakit namatay si Mom! The heck!


Nang makarating sa ospital ay agad ko syang hinila papasok. 


"Charlie look at me.." agad naman syang tumingin sa mga mata ko. "Do you trust me?"


"The hell yeah!" Walang alinlangang sagot nya.


"Kaya mo bang sirain ang rules ng ospital para saakin?" Tanong ko ulit sakanya na lalong nagpagulo ng isip nya.


"Ano ba talaga ang nangyayari, Calliy? Sirang-sira na ang ulo ko kakaisip!"


"Listen, if you trust me, break the hospital's rule, Charlie. Hanapin mo ang record ni Sofie Methon. And i promise, i'll tell you everything after this."


Huminga ito ng malalim at umiwas ng tingin. 


"Alam mong hindi ko kaya tong gawin dahil mapapagalitan ako ni Dad. But..." tumingin ulit sya saakin at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko, "Lahat gagawin ko para sayo."


Hinila nya ako papasok sa isang room na puno ng mga papel at ni-lock ang pinto noon. Kating-kati na ako maghanap kaya sinimulan ko na lalo na't marami-rami rin ang paghahanapan ko. Sinimulan ko sa Shelf ng "S" pero wala, sunod naman ay sa Shelf ng "M". Inabot ako ng isang oras sa paghahanap pero nahanap ko rin. Bago basahin yun ay nagbeep ang phone ko. Tinignan ko ito at ito yung picture na sinend saakin ni kuya na papel. Yung binigay nung lalaki kanina

.

Mukhang nagsisimula na kayo ngayon. Goodluck HAHAHAHA!

S.H.


Lalo akong nainis kaya pabagsak ko itong nilapag sa mesa na ikinagulat naman ni Charlie. Sinimulan kong basahin ang record ni Sofie dito sa Ospital.


Name: Sofie Methon
Age: 18
Birthday: January 18, ****
Blood Type: AB
Guardian: Karlo Jones


Nabitawan ko ang papel na hawak ko at naluha ng malaman ang sagot sa mga katanungan naming lahat. Hindi ko naiwasang mapahagulgol. Parang huminto ang pagikot ng mundo ko at hindi makapaniwala sa nalaman. Sobrang sakit sa dibdib. Kung sino pa yung tinuri mong kaibigan sya pa pala ang tatraydor sayo. Hindi talaga ako makapaniwala... sobrang sakit...

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon