"Nga pala, anong trabaho mo sa America? Ang yaman mo na ah" sabi ko habang tinitignan ang gamit nya sa backseat.


"Secret."


"Napaka-daya mo, Nick!" Lalo naman syang natawa ng makita akong naiinis. ANONG NAKAKATAWA DON?!


ilang minuto pa kaming bumyahe at nakarating na rin kami doon sa restaurant kung saan kami nag celebrate nung 5th birthday ko. Habang nakatingin doon, parang walang pinagbago.. ganun parin ang pintura at ang iba pang design nun. 11 years na, pero wala paring nagbago. Pumasok kami sa loob at wala talagang nagbago, kahit yung arrangement nung mga upuan ay ganun parin. Walang tao dahil mukhang pinasara muna dahil nga sa imbistigasyon na magaganap.


Nakita namin sila kuya na nakaupo sa isang gilid habang seryosong naguusap. Umupo kami sa tabi nila at nakisali sa usapan.


"Ehem, explanation now" biro ko sakanila pero nawala ang ngiti ko ng makitang seryoso nila akong tinignan. Sabi ko nga di na ang magbibiro ei.


May binigay saakin si Kuya Tom na papel at naguguluhan ko iyon tinignan. Pero, binasa ko parin

.

Kayong tatlong anak ni Elly, alam kong matatalino kayo dahil matalino ang nanay nyo. Kaya nga nahuli nya na nag cheat ang tatay nyo eh. Hahahahaha! Ngayon, patunayan nyo saakin na matalino nga talaga kayo. I-solve nyo tong kaso na to ng hindi humihingi ng tulong sa pulis at detectives. Kapag nalaman nyo na ang tunay na sagot sa mga tanong nyo, pumunta kayo sa ******** ****** ako mismo ang magpapakita sainyo. Goodluck! Hahaha

                                         -S.H.


"At sino naman tong S.H. na to?" Kunot-noo kong tanong sakanila pero wala silang sinagot. Huminga ako ng malalim, "sino nagbigay sainyo ng letter na to?"


"Nakita ko nalang yan sa table ko pagbalik namin sa classroom" sagot ni kuya Tom


"Edi nasa school nyo yung nagbigay nyan." Sabat naman ni Nick.


"Kailangan na nating kumilos. Kating-kati na ako malaman kung ano ba talaga ang nangyari kay Mom" sabi naman ni Kuya Jerry at napatingin kami sa kanya. 


"Tommy, ikaw kumausap sa mga tita natin sa Batanes, itanong mo kung meron bang mga kaaway si Mom nung mga panahon na iyon. Isama mo si Nick" tumango naman si Kuya Tom.


"Ako na ang bahala humanap kung sino ang nagbigay nung letter na yun sa CU."


"Paano ako?"


"Ikaw ang bahalang magimbistiga tungkol kay Dad. Kausapin mo sya or yung mga assistant nya since sya naman ang kasama ni mom bago ito nawala"


Nanlaki ang mga mata ko. "Seryoso? Nababaliw ka na ba kuya Jerry? Hindi ko kayang gawin yun!"


"Of course, kaya mo." Tumayo na si Kuya Jerry. "Simulan na natin ngayon, para kay mom" inilahad nya ang kamay nya saamin. Pinatong naman ni Nick at ni Kuya Tom ang kamay nila doon bilang pagsang-ayon. Huminga ako ng malalim at inilahad na rin ang kamay doon. Para kay Mom.

Perfect TwoМесто, где живут истории. Откройте их для себя