Somebody That I Used to Know (Oneshot)

489 16 8
                                    

"Let's break-up," sabi ko sa iyo na mukhang ikinagulat mo. "Iyan ang gusto mong sabihin diba?" dagdag ko pa.

Bakas sa mukha mo na naguguluhan ka sa pinagsasabi ko.

"Huh? Teka lang naman Alvea, ano bang sinasabi mo diyan? Nangako ako sa iyo na hindi kita iiwan kahit anong mang mangyari at paano mo naman nasabing iyan ang gusto kong sabihin," kitang-kita ko sa'yong mga mata ang lungkot pero alam ko namang nahihirapan ka na din.

Nagsisimula ng umagos ang mga luhang kanina ko pa pilit na pinipigilan pero hindi ito naging dahilan para hindi ako makapagpaliwanag at sabihin sa iyo ang dahilan.

"Dash, huwag na nating pahirapan ang isa't isa. Alam ko namang hindi na ako ang laman niyan," turan ko kasabay ng pagturo ko sa iyong kaliwang dibdib.

Simula noong nagpasukan at pagtungtong namin ng kolehiyo madalang na lang kami magkita ni Dashielle, magkaiba kasi ang pinasukan naming unibersidad at magkaiba din kami nang kinuhang kurso.

Naging busy ang bawat isa sa amin ngunit hindi naman namin nakakalimutang mag-usap at mag-date.

Pero isang araw napansin kong iba ang kinikilos niya at alam kong unti-unti nang nawawala ang spark sa aming relasyon. Kitang-kita ko sa mata niya na hindi na ako ang kanyang mahal. Sa paraan pa lang ng pagtingin niya sa akin, hindi na ito katulad dati. Ramdam ko iyon kahit wala siyang sinasabi.

Alam kong ang gumugulo sa isip niya ay kung paano niya ito sasabihin sa akin at isa sa nagpapahirap sa kanya ay ang binitiwan niya sa aking pangako noon. Mabait na lalaki si Dash kaya ko nga siya sinagot at isa pa sa kanyang katangian ay ang pagtupad sa mga kanyang sinasabi o yung taong may isang salita. Tanda ko pa yung pangako niyang binitawan nung sinagot ko siya.

Bakasyon na namin at sa pasukan ay senior highschool na kami. Ngayon ay pauwi na ako at hinatid niya ako dahil pagabi na din at nagkayayaan pa ang klase na gumala bago kami maghiwa-hiwalay.

Matagal na din siyang nanliligaw sa akin at humahanap lang ako ng tamang panahon para sagutin siya.

Nasa tapat na kami ngayon ng gate ng bahay namin.

"Salamat sa paghatid," sabi ko.

"Wala yun," sabi mo ng may kasama pang ngiti. Nagsimula ka ng maglakad.

"Dash!," tawag ko sa'yo na mukhang ikinabigla mo pa.

Lumapit ako sa iyo at sinabing "Ingat ka ha," sabay halik ko sa iyong pisngi at mukhang mas lalo mo pang ikinagulat. Bigla naman akong nahiya sa akin ginawa at nagsimula nang maglakad papasok.

"Vea saglit," tawag mo sakin at hinawakan mo pa ang aking braso upang pigilan ako.

Nakaharap na ako sa'yo ngunit nakatungo pa rin ako dahil sa kahihiyan na ginawa ko.

"Anong ibig sabihin nun?" tanong mo pero halata naman sa iyong boses na masaya ka. "Sinasagot mo na ba ko?" dagdag mo pa na tila may halong pangaasar.

Tumango ako tanda ng pagsagot ko sa'yo.

"YES!! Wuhooo!! Sinagot na niya ko!!" bigla mong sigaw dulot siguro ng pagkabigla at tuwa na iyong nararamdaman.

Natatawa na lang ako sa itsura mo at sa iyong reaksyon at mas lalo akong natuwa nang bigla kang nanahimik at napansin ang kahihiyang ginawa mo.

"Sorry, h-hindi ko kasi expected na nga-ngayon mo ako sasagutin," sabi mo at kita ko sa mukha mo na nag-bblush ka pa.

Nginitian na lang kita dahil hindi ko din alam ang sasabihin ko.

"Alvea Suarez pinapangako ko sa iyo simula sa araw na ito na hinding hindi kita iiwan, lagi lang akong nasa tabi mo," sabi mo sa akin at kitang-kita ko sa mga mata mo na tutuparin mo ang iyong pangako.

Iyon ang pangako binitiwan mo sa akin na ngayon ay akin ng sinisira.

"Ano ba Vea, nangako ako sa'yo na hindi kita iiwan. Ano bang mali sakin? Babaguhin ko para magustuhan mo ulit ako? Magbabago ako. Lagi kitang susunduin. Tuwing weekend magkikita tayo," sabi mo habang pinipigilan ang pagtulo ng iyong luha.

Umiling ako. Iling lang ako ng iling habang tumutulo ang aking mga luha.

Nang makakuha na ako ng lakas upang makapagsalita, "H-hindi Dash ayokong maging makasarili. Ayokong baguhin mo ang iyong sarili para lang sa akin. Hindi iyon ang Dashielle Perez na nakilala ko."

"Masakit man sa akin na hindi na ikaw yung Dash na minahal ako pero kailangan kong tanggapin para sa akin at para na din sa'yo. Hanggang dito na lang talaga tayo, hanggang sa muli Dash," ang mga huling salita na sinabi ko sa'yo bago ako tuluyang umalis.

Hindi na ako lumingon pa dahil baka magbago pa ang isip ko pag nakita kitang nalulungkot.

Paalam na Dash. Hindi ka na si Dash na nagmamahal sa akin, iba na ang laman niyang puso mo. Alam ko namang sasaya ka kung sino man ang babaeng laman na ng iyong puso. Alam kong aalagaan ka niya at mamahalin gaya ng ginawa ko dahil hindi ka naman mahirap mahalin.

Author's note:

A short story for you readers kung meron man hehehe xD

Feel free to give comment, kung meron man. Salamat sa time sa pagbabasa. ^__^

blank_note

Somebody That I Used to Know (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon