The Jerk: Thirteen

Magsimula sa umpisa
                                    

"Err." Tinuro niya ang blankong papel sa harap ko. "We are supposed to copy what was written in the white board."

Linibot ko ang tingin sa mga classmates ko. Lahat sila mukhang busy sa ginagawa. Hindi ko ata narinig ang instruction ng teacher. I tried to smile at Mindy at nagsimulang magsulat. Pero wala pang ilang minuto nang muli nanaman akong huminto. Napatingin ako sa bakanteng upuan ni Reese. Bakit kaya hindi parin siya pumapasok hangang ngayon?

Gaya ng inaasahan ako ang huling natapos. Mabuti nalang at lunch break ang kasunod kaya pwede akong manatili sa room. Hinintay ako ni Mindy hangang sa matapos ako. When I was nearly finish nakita ko si Micko na naghihintay sa tapat ng pintuan. He smiled at the two of us.

"Pwedeng sumabay mag lunch?" tanong niya.

Nagkatinginan kami ni Mindy. Mindy rolled her eyes and stared at me questioningly. I nudged her and tried to smile back at Micko. Napag usapan na namin ito ni Mindy. I offered friendship to Micko and she promised to do the same despite her obvious dislike to him and his group.

"Sure." sagot ko kay Micko. Pero maging ang tono ng boses ko ay hindi gaanong sigurado.

Mas lalong lumapad ang ngiti sa labi ni Micko. He leaned on the door frame para hintayin kami.

"I still can't believe this." whispered Mindy habang tinatapos ko ang ginagawa.

"Sssh." saway ko. "We've talked about this, right? Give Micko a chance." sagot ko.

Bumuntong hininga lang siya at nag shrugged. "What else can I do?" she muttered.

Nagaayos na ako ng gamit nang mapadaan ang ilang member ng basketball team sa harap ng room kung saan naghihintay si Micko.

"Oy, Captain!" maingay na bati nila.

"Anong meron dito?" sigaw ng isa.

"Di pa ba tayo lalamon?" said another.

Ganyan ba talaga siya mag usap? Parang ilang bundok ang pagitan. Sigawan. Tawanan. Natigilan ako nang maalala si Ashton. Ashton is supposed to be there. Laughing with them. Talking like there's no tomorrow. Pinagmasdan ko sila and for a moment I can hear Ashton's echoing laugh with theirs. I can see his fading smile with them—

Bigla akong napatayo. "What's wrong?" tanong ni Mindy na nagulat ko ata.

Kinuha ko ang bag ko. "Uhm, Minds, hindi ako dito mag la-lunch." sabi ko. "Hwag mo na akong hintayin. Babalik ako mamayang one o'clock."

Nagmadali akong lumabas sa classroom na maging si Micko at mga kasama nito ay hindi na nakapag react. Linampasan ko Micko at dumaan sa gitna ng team na na mabilis naman na nagtabihan.

"Delia, saan ka pupunta?" narinig kong sigaw ni Mindy.

"I just need to find something." sigaw ko mula sa hall.

I think I know where to find the reason of Ashton's behavior yesterday.







Binigay ko ang bayad bago bumaba sa taxi. Nagmadali akong pumasok sa building, school uniform and all, at nakipag sabayan sa mga pasyente at doctor na nasa lobby. I'm in Montoya Medical Center kung saan naka confine si Ashton. The comatose Ashton.

Huminto ako sa hallway kung saan makikita ang room niya. Naghintay muna ako kung may iba pang lalabas o papasok sa kwarto. Mukhang wala naman. It was school hour after all. Siguro naman wala siyang gaanong bisita sa araw na ito.

Pasimple akong naglakad papunta sa kwarto at pumasok. Nang nasa loob na ako mabilis koi tong isinara at nakahinga ng maluwag. Walang tao. Pinagmasdan ko ang kwarto. Gaya parin ito noong huli kong nakita. Yun nga lang nagsisimula ng matuyo ang mga bulaklak sa vase at umi-impis na ang mga lobo na kasama ng mga basket ng prutas na mukhang hindi nagagalaw.

Dahan dahan akong naglakad sa gitna ng kwarto. Ang tahimik. Masyadong tahimik dito. Wala bang pwedeng kuma-usap kay Ashton oras oras? Kailangan na laging may kasama siya at kumaka usap sa kanya para mas mabilis siyang gumaling. He must know that people care for him.

Tanging ang tunog ng mga medical apparatuses ang naririnig sa kwarto. Mula sa nakabukas na manipis na kurtina sa isang sulok, agad kong nakita ang natutulog na si Ashton. Napalunok ako.

Nakakanibago. Na ang taong nakakausap mo at nahahawakan ka ay ang parehong taong nakahiga sa hospital bed na ito at walang malay. It's surreal. Almost hard to believe. Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan ang natutulog niyang mukha. Ang payapa niyang tingnan. Parang walang anuman na problema. Malayong malayo sa Ashton na iniwan ako ng walang pasabi kagabi.

"Ashton." bulong ko. Napatingin ako sa buong kwarto. I'm too confused to feel his presence right now. Bumalik ang tingin ko sa natutulog na si Ashton sa harap ko. "Where are you?"

Pumunta ako sa pinaka malapit na silya at wala sa sarili na napa upo doon. The beeping of the machine continues while I almost wanted to breakdown. Akala ko makikita ko siya dito. Something is telling me that I shoul be here. He was supposed to be here. Nasaan na ba siya?

Napayuko ako at nai-rest ang ulo sa kama niya. "Please, please, please." bulong ko. "Nag aalala na ako."

Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas na nanatili lang ako sa ganung position. I don't even care right now kung hindi na ako makabalik sa school on time. I don't even want to go back anyway. I closed my eyes and let the silence of the room enveloped me. Naririnig mo ba ako Ashton?

Isang ingay ang naging dahilan ng bigla kong pagdilat. Someone is coming. SHOOT! Narinig ko ang boses nila na naguusap sa tapat ng pinto. Anong gagawin ko? Hindi dapat nila ako makitang nandito!

Mabilis akong umalis sa pagkakaupo at naghanap ng matataguan. Hindi ko na gustong maulit ang nangyari sa amin nila Reese noong nakaraan. It would be too strange to see me in this place for the second time specially kung ang dahilan ko ay naligaw lang.

Bumukas ang pinto nang eksaktong nakapasok ako sa bathroom. Iniwan ko ito ng bahagyang nakabukas para makaalis ako agad nang hindi nila napapansin kung sakaling puntahan nila si Ashton sa kabilang side ng room. Halos rinig ko ang kabog ng dibdib ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Illegal ba itong ginagawa ko? I wonder kung possible bang makulong ako dahil dito.

Biglang may nagsalita na ikinatahimik ng lahat ng nasa kwarto. Sinilip ko kung sino sino sila. There's the nurse na nakilala namin ni Mindy, two people who looks like body guard. Isang lalakeng naka business suit at may hawak na folder, the doctor and the Mayor, Ashton's father. What is happening?

Mas lalo akong napa-atras sa loob ng bathroom. Bakit nandito silang lahat? May nangyari bang masama? Napatingin ako sa walang malay na si Ashton na nasa hospital bed. May masama akong pakiramdam sa nangyayari.

"Is that so?" narinig kong sabi ng Papa ni Ashton.

Ngayon lang ulit ako nakalapit ng ganito sa Mayor since the party na naimbitahan si Dad. Our Mayor is a large guy with grayish hair and a serious look on his face. I rarely saw him smile.

"Mr. Mayor." the Doctor said in a formal tone. "Maaaring lumalaban pa ang anak niyo. But his body is in critical condition."

I was paralyzed by the next thing I heard.

"His body stops responding to treatment. Sumusuko na ang katawan niya."

***

The Jerk is a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon